Chapter 16: Lily the Galling Puppet

40 2 0
                                    


"Si Shita grabe kung umiyak kanina."

"Bakit?! Nalulungkot ako eh!"

"Sobrang bait sana ni Takko."

"Si Allen kanina tumulo yung sipon! Hahaha"

"Ano?! Hindi kaya!"

"Pwede bang tumahimik kayo!" Suway ko sa mga kasama ko habang pinagpapatuloy ang aming paglalakbay.

Wala ako sa mood makipag-asaran dahil dala ko parin ang masakit na kinamatay ni Takko. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa kanya.

Si Rin? Mabigat parin kaya ang pakiramdam nya?

Nilingon ko si Rin na ngayong nakatingin sa malayo habang nag lalakad sa likuran namin. Mukhang hindi pa nga sya ok.

"Bumalik na kayo sa nayon." Saad ni Rin dahilan nang mapalingon kami sa kanya. "At kung ayaw nyo pwede nyong tirhan ang tahanan ni Takko." Dagdag pa nito, hinarangan ko ang dinadaanan nya.

"Tulad ng sabi ko, nagmula ako sa ibang mundo kaya naman hindi ako pwedeng manatili sa mundong 'to." Nakakunot noo kong sabi sa kanya.

"Kaya kong tuparin ang hiling ni Takko na iligtas kayo sa kapahamakan ngunit hindi ko makakayang tuparin ang hiling mong makauwi sa mundo nyo." Seryosong sabi naman nito atsaka na sya nag simulang maglakad.

"Paano naman ang kagustohan ni Takko na makabalik ako? Gusto ko ring tuparin 'yun." Seryosong sabi ko nang makalagpas sya sa akin.

"Hindi ko na problema 'yan." Tanging sabi nya na syang kinainis ko kaya naman muli ko sanang haharangan ang dinadaanan ni Rin ngunit naunahan ako ni Shita.

"Hoy Ikaw! Hindi porket niligtas mo ako ay pababayaan ko na ang masasama mong asal!" Inis na sabi ni Shita kay Rin na syang kinagulat namin, mabuti naman ay nananatili paring kalmado si Rin. Ano bang ginagawa ng bubwit na 'to?

"Umalis ka sa dinadaanan ko." Wika ni Rin atsaka na sana muling maglalakad nang muli naman syang harangan ni Shita.

"Sa tingin mo ba ay matatakot ako sayo?!" Galit na sabi ni Shita sa kanya. "Sinabi sa akin ni Kalie na...makakaya kong makapaslang ng halimaw! Maniwala lang ako sa sarili ko!" Dagdag pa nito at umaktong parang susuntukin nya si Rin. Tingin nya parin kay Rin ay isa itong halimaw, tsk gusto talaga ni Shita na napapahamak sya.

"Bakit hindi mo napaslang ang halimaw na ibon?" Pangangasar ni Rin dahilan nang kinainis ni Shita. Hindi naman nakasagot si Shita dahilan nang mapangisi si Rin atsaka na ito muling naglakad.

"Bleah!" Pang-aasar ni Shita sa likuran ni Rin. Sobra talaga kung mangasar ang bubwit na 'to.









Gusto nyang bumalik na kami sa village o kaya sa bahay ni Takko kung saan may ginawa syang harang para sa mga halimaw. Ganun na ba ako ka mukhang mahina sa kanya?!

Natigil ako sa pag lalakad nang biglang tinapat sa akin ni Rin ang mga mahahaba at matutulis nitong mga kuko. N-nababasa nya ba ang isip ko?!

"Sino ka?" Seryosong tanong nito na syang pinagtaka ko. Huh? B-Baliw na ba 'to?! Biglang hindi na ako kilala?!

"You're-" Putol kong sabi nang bigla akong makarinig ng maliit na boses na tumatawa mula sa balikat ko kaya naman agad ko itong tinignan.

Napasigaw ako dahil sa takot at agad na tumakbo papunta kila Allen nang makita ang maliit na puppet na nakaupo kanina sa balikat ko. Sobrang creepy!

Nakatayo na ito sa harapan ni Rin. Maliit lang ang puppet at tulad ng mga ordinaryong puppet ay may mga nakatali rin ito sa kanya. Maputla ang kulay, braid hair at nakasuot na black dress. Tumaas ang balahibo ko dahil sa takot. Ang creepy nya talaga!

The keyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon