Kinuha ko ang phone ko sa loob ng suot kong puting sling bag nang maramdaman kong biglang nag vibrate ito.You received a message.
Enzo: Kalie saan kana?
You: On the way.ilang minuto nalang pala ay mag sisimula na ang palabas.
Nahinto ako sa isang traffic light nang mag red ang ilaw at heto ako ngayon na nakatayo habang inaantay na pwede nang tumawid sa pedestrian line.
"Napanood mo ba ang balita kanina?"
"Ah 'yung tungkol ba sa drug adik na nahuli sa barangay sampaguita?"
"Oo! Natagpuan sya sa isang eskenita habang duguan ang mukha."
Rinig kong usapan ng dalawang babae sa gilid ko. Hindi kaya ang pinag-uusapan nila ay 'yung lalaking muntik na akong saksakin sa isang eskenita?
"Pinalabas rin ang nakuha nila sa CCTV! Grabe kinilig ako doon!"
"Sobrang nakakakilig talaga!"
"Ang swerte ng babae! Kung hindi sya niligtas ng lalaki mula sa drug adik na 'yon malamang sa malamang ay wala na syang buhay ngayon."
"Oo nga. mag boyfriend kaya ang dalawang 'yon?"
crap! Kami nga ang tinutukoy nila! But, correction! Hindi ko sya boyfriend! Classmate ko lang si Enzo!
Kung ganun...nahuli na pala ang lalaking 'yon. But geez! Drug adik pala sya?! Kaya naman pala namumula ang mga mata nya.
Nag simula nang mag green ang traffic light kung kaya't agad na akong tumawid sa pedestrian line. Tumatakbo ako ngayon ng mabilis para naman kahit papaano ay makaabot pa ako.
You received a message
Enzo: Kalie, mag-uumpisa na ang palabas.
You: Nandito na ako, saan ka?
Enzo: Dito sa entrance.Nilibot ko ang paningin ko sa paligid nang makarating ako sa entrance pero wala naman akong nakikitang Enzo. Bukod doon, nahihirapan akong hanapin sya dahil napakarami ng tao!
Nang mapansin ko ang lalaking nakatalikod sa gilid ko agad ko itong nilapitan na nag babakasaling sya si Enzo.
At nang lumingon ang lalaking 'to sa akin...parang binuhusan ako ng napakalamig na tubig, tumigil ang takbo ng oras at bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko...Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon nang....Makita ko ngayon sa harapan ko si Rin!
Hindi ako nag kakamali! Sya si Rin! Tulad noong huli ko syang nakita ito parin ang itsura at kasuotan nya ngayon, ang suot nyang white long sleeve shirt at ang suot nyang light brown chino pants. Sobrang maaliwalas ng itsura nya na animoy para akong nakakakita ng isang prinsipe.
Naiiyak na ako...Ngunit, ayaw kong ipakitang umiiyak ako dahil sa dami ng tao sa paligid. T-totoo ba itong nakikita ko? Totoo bang si Rin itong kaharap ko ngayon?
"Mabuti at nakahabol ka" Nakangiting sabi nito na syang pinagtaka ko.
"E-Enzo?" Pagtatakang sabi ko atsaka naman sya tumango at ngumiti.
"Sabi ko na at hindi mo ako agad nakilala." Nakangiting sabi nya. P-paanong...
Umupo na kami sa sarili naming mga pwesto sa loob. Alam kong sa unahan namin ang palabas pero kay Enzo ako ngayon nakatingin!
Hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Hindi nya lang basta kahawig si Rin kundi kamukhang-kamukha nya talaga!
"Namiss ko ang dati kong itsura kaya binalik ko." Nakangiting sabi nya habang patuloy parin sya sa panonood. Nahiya naman ako kasi alam nya pala na kanina ko pa sya tinitignan dahilan nang iniwas ko ang tingin ko mula sa kanya.
BINABASA MO ANG
The key
FantasyKalie Mujica is a 17 years old high school student. She has a beauty but has a bad character that's why one day she met an old woman who controlled her and brought her in front of the small and ordinary-looking house. "Nahihirapan makahanap ang anak...