Chapter 30: A Day to Refuel Your Soul

28 2 0
                                    



Napasigaw si Shita nang makita nya si Rin.

"R-Rin? Ikaw ba talaga 'yan?" Pagtatakang tanong ni Daccoon habang iniikotan naman ng mga monks si Rin.

"Sa anyo mong 'yan, mukha kang mahinang halimaw." Naka-pamewang na sabi ni Allen dahilan nang matawa si Rin samantalang, napakunot naman ang noo ko.

"Inaasar nyo talaga ang anyo namin!" inis na sabi ko sa kanila. "Ito ba ang sinasabi nyong mahina?!" Pagmamayabang na sabi ko nang buhatin ko ang sofa na nasa gilid namin.

"Wow! Kalie! Napaka lakas mo!" Manghang sabi ni Shita.

"Dahil lang naman 'yan sa inomin na pinainom ko sa kanya." Nakatalikod na sabi ni Daccoon dahilan nang mapatingin ako sa kanya.

"May sinasabi ka ba? Daccoon?" Tanong ko kay Daccoon nang lapitan ko sya.

"Ah eh hahaha." Nalolokang sabi nito, napabuntong hininga naman ako.









Mabuti at nakaalis na kami sa silid na kung saan ay napakaraming halimaw. Kahit papaano ay panatag na ang loob ko dahil alam kong maayos ang kalagayan ng mga Monsvill ngayon kahit na wala na kami doon.










[Background song started]
[School of Magic - June Westfield]


"Doctor kwak-Kwak?" Pagtatakang saad nilang lahat. Napag-isipan namin na pumunta sa play ground para makapag-laro. Deserve naman seguro naman ang mag-aliw pagkatapos ng pinagdaanan namin.

"Rin! Bilisan mo naman!" Inis na sabi ko kay Rin dahil sa tagal nyang ayosin ang pagka buhol namin.

"Ikaw ang nag-isip ng larong 'to, kaya't mag-tiis ka." Pangaasar na sabi nito

"Ano?!" Inis na sabi ko.

"A-aray!"

"Dahan-dahan naman!"

"Hoy! Allen! Naaapakan mo na ang paa ko!"

"Pwede bang ilayo mo ang pwet mo sa mukha ko?!"

"Kayong mga monks! 'Wag nga kayong magulo!"

"Buti nalang at hindi ako pwedeng sumali dahil sa laki ko." Nakangiting sabi ni Daccoon habang may kung anong kinakain.

Sa ilang sandali....

"Bakit naman kasi ganung laro ang naisip mo?!" Inis na sabi ni Shita sa akin nang matapos na ang pag-lalaro namin ng Doctor kwak-Kwak.

"Eh ano naman?" Nakacross arms kong sabi.

"Nais mo talagang may nasasaktan!" Galit na sabi ni Shita dahilan nang mapataas ang kilay ko.

"Oh talaga!" Inis kong sabi.

"Tama na 'yan, mag-isip nalang tayo ng ibang laro." Nakangiting sabi ni Daccoon.

"Si Rin ulit ang taya." Saad ko dahilan nang tignan ako ng masama ni Rin.

"Ako nanaman?" Pagtatakang tanong nito atsaka naman ako tumango.

"Palagay ko kasi ay hindi ka magaling sa mga laro, kaya ikaw nalang ang taya." Paliwanag ko dahilan nang kinakunot nya ng noo.





[Background song continuously]





Tagu-taguan ang napili kong laro at ngayon ay nag-hahanap ako ng pwede kong mataguan.





The keyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon