T-teka...Paano ko naman malalaman kung nasaan sila Rin?
Lumingon-lingon ako sa paligid atsaka ko nakita ang isang straight na tali mula sa gubat papunta sa unahan. Hindi kaya ang mag kabilaang dulo nito ay sa puppet na nasa gubat at sa halimaw ng puppet na nasa unahan?
Nakatuon lang ang tingin ko sa tali habang nag lalakad papunta sa unahan. Mukhang malayo pa ang dulo nito.
Sa ilang saglit ay bigla nalang akong nabunggo sa kung anong nasa unahan ko dahilan nang mapahawak ako sa ilong ko.
At nang tignan ko ang naka bunggoan ko...
Una kong nakita ang napaka habang mga paa na nakasuot ng black pants bago ko nakita ang creepy nyang pag-mumukha.
P-para syang slenderman!
Ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo ko at halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa takot. Bakit patagal ng patagal ay pa creepy ng pa creepy ang mga nakikita ko sa lugar na 'to?!
[Backgroung song started]
[Living Hell - Bella Poarch]
"Hello" Bati nito sa akin atsaka ako ningitian ng malawak dahilan nang mas lalo itong mag mukhang nakakatakot! Dahilan rin ng masigaw ako at maupo sa lupa. Hindi maalis ang tingin ko sa mukhang slenderman na nasa harapan ko ngayon.Humarang si Rin sa akin mula sa mukhang slenderman na syang kinabigla ko. "Bakit ka ba nandito?" Tanong nito nang mapalingon sya sa akin habang kaharap nito ang mukhang slenderman.
"Tulad ng sabi ko gusto kong ako ang makapatay sa halimaw na puppet!" Sigaw ko.
"Sa tingin mo ba ang matatakutin na kagaya mo ay kayang maki-paglaban?" Pangaasar na sabi nito. "Ang halimaw na papet na tinukoy mo ay...itong kaharap ko." Atsaka nya binalik ang tingin sa mukhang slenderman. Kung ganun ito palang mukhang slenderman ay ang halimaw ng puppet.
Unti-unti akong tumayo at nag lakas loob na lumapit sa kanila. "Kung ganun ikaw ang nag ko-kontrol sa nakakaasar na papet." Inis na tanong ko sa halimaw.
"Ops. So, my Lily make's you mad so much?" Pangangasar nitong tanong sa akin. Pareho rin sila mag salita ng puppet na 'yun! na syang dahilan para mainis ako sa mga kaartehan nila.
"At Ikaw rin!" Seryosong sabi ko naman sa kanya bago ko pinutol ang isang bamboo na nasa gilid ko atsaka ito tinututok sa kanya.
"At ang mas kinagagalit ko ay ang pag-papahirap mo sa mga kaibigan ko!" Galit ko pang sabi atsaka sya inatake.
Walang tigil kong sinusubukang mapaslang sya gamit ang bamboo na syang armas ko laban sa kanya. Napaka bilis nyang umiwas mula sa pag-aatake ko pero hindi ako titigil hangga't hindi ko sya napapatay!
[Background song continuously]
"You're braver than I thought." Pangaasar nito sa akin habang patuloy parin sya sa pag-iiwas.
"Tumahimik ka!" Galit na sabi ko habang patuloy parin ako sa pag-aatake. Mas lalo akong naiinis dahil parang tuwang tuwa pa sya sa ginagawa ko!
"Now, it's my turn." Nakangiting sabi nito nang bigla nyang I-pwersa ang braso nito sa leeg ko at habang hawak nito ang mga kamay ko na nakaipit sa likod ko dahilan nang hindi ako makagalaw.
BINABASA MO ANG
The key
FantasyKalie Mujica is a 17 years old high school student. She has a beauty but has a bad character that's why one day she met an old woman who controlled her and brought her in front of the small and ordinary-looking house. "Nahihirapan makahanap ang anak...