Nakauwi na ako ng bahay at kita ko na naman na maraming sapatos at tsinelas malapit sa pintoan."Sino naman kaya ang mga bisita?" Tanging sabi ko. At nang makapunta ako sa sala...
"Nandito kana pala" nakangiting sabi ni mama.
"Sya na ba si Kalie? Naku, ang laki na ng pinag-bago mo ah." Nakangiting sabi ng bisita nyang babae. Nakita nya seguro ang dating itsura ko noon.
"Aakyat na po ako." Sabi ko atsaka na sila inalisan.
"Pasensya kana kung hindi mahilig makipag socialize ang anak ko." Rinig kong sabi ni mama nang paakyat na ako ngayong ng hagdan papunta sa second floor ng bahay.
"Ayos lang 'yon." Sabi naman ng bisita nya.
At nang maka-akyat na ako sa second floor bigla nalang kumunot ang noo ko nang makita kong tumatakbo si Kc habang may humabol sa kanya na tatlong batang lalaki na feeling ko ay triplets na mga kasing edad nya lang.
"Pwede ba! Hindi ito playground!" Inis na sabi ko sa kanila. Ngunit, patuloy parin sila sa paghahabolan na para bang hindi nila ako narinig.
Napa-buntong hininga na lamang ako atsaka na pumasok sa kwarto ko at nag bihis atsaka naman pumunta sa kusina para mag meryenda.
"Kalie, may dinala nga palang rice cakes si Merya." Sabi sa akin ni mama nang puntahan nya ako dito sa kusina. "Pumunta ka ng sala."
"Dalhan mo nalang po ako dito." Wala sa mood kong sabi.
"Kalie!" Inis na sabi nya na syang kinabigla ko.
"Oo na." Nakakunot noo kong sabi atsaka na sya sinamahan na pumunta sa sala atsaka naman kami naupo.
"Mabuti pa at mag meryenda kana muna, at mukhang pagod ka galing sa school. Nakaka stress pa naman ang buhay college." Nakangiting sabi ng kaibigan nya atsaka nya ako inabotan ng Isang plato na may laman na mga rice cakes.
"Maraming salamat sayo Merya kahit na medyo nakakahiya dahil kami dapat ang nag papameryenda." Nahihiyang sabi ni Mama atsaka nya ako tinignan.
"Ah-eh. Salamat po." Sabi ko naman sa kaibigan nya atsaka sya ningitian ni mama. Tingin palang ni Mama alam mo na kung ano ang gusto nyang sabihin.
Kumain na ako ng rice cakes at hindi ko akalain na gaganahan ako sa pag-kain dahil ang sasarap!
"Mukhang nagustohan mo ang gawa naming mga rice cakes." Natutuwang sabi ni Tita Merya.
"Alam mo bang tinulongan sya ng triplets nyang mga anak na gumawa ng mga 'yan? Oh diba, mga bata palang ang sisipag na." Masayang sabi ni Mama dahilan nang mapaisip ako. Anak nya pala ang triplets kanina na mga kalaro ni Kc.
"Oo, ganyan talaga sila. Kahit na hindi na utusan ang mga 'yan ay kusa nalang nila ako tinutulongan sa mga gawaing bahay." Masayang sabi naman ni Tita Merya.
"Naku, mabuti pa ang mga anak mo." Sabi ni Mama atsaka sila tumawa.
Mga Monks...Bigla kong naalala ang tatlong mga monks sa triplets kanina. Ang mga monks ang masisipag kong kaibigan sa mundo ng illusion na kasing sipag rin ng triplets na mga ni Tita Merya at saktong tatlo pa at ngayong kalaro ni Kc. Dahil kalaro rin ni Shita ang mga Monks.
Heto nanaman ako na tinutulad ang ibang mga characters sa mga taong kilala ko sa mundong 'to.
"Bakit?" Nakakunot noo kong tanong kay Kc na ngayong nakatingin sa akin ng masama nang puntahan nya ako dito sa kwarto ko.
"Inubosan mo ako ng rice cakes!" Inis na sabi nya.
"Sabi ni mama kumain kana raw." Sabi ko habang patuloy parin sa pag-babasa ng libro.
BINABASA MO ANG
The key
ФэнтезиKalie Mujica is a 17 years old high school student. She has a beauty but has a bad character that's why one day she met an old woman who controlled her and brought her in front of the small and ordinary-looking house. "Nahihirapan makahanap ang anak...