"Hindi ba't si Sherlyn 'yon?" Tanong ni Nicole nang makadaan ang batchmate namin na si Sherlyn sa labas ng classroom namin."Ang ganda nya talaga." Nakangiting sabi ni Nicole.
"Pero diba nag pa plastic surgery lang sya? Totoo ba 'yon?" Tanong naman ni Shane.
"sabi nga ng marami." Saad naman ni Nicole atsaka ito napatingin sa akin. "Tingin mo Kalie? Diba schoolmate mo sya noong High school? Talaga bang nagpa-plastic surgery sya? Anong itsura nya dati?" Tuloy-tuloy na tanong naman sa akin nito.
"Bakit hindi sya ang tanongin nyo?" Sarcastic na sabi ko habang nakadungaw sa bintana.
"Ang labo naman kausap nito." Rinig kong sabi ni Nicole ngunit hindi ko na sila pinansin pa.
"Sabi ng iba hindi lang daw appearance ang nag bago sa kanya, kundi ang kilos at ugali nya." Rinig kong sabi naman ni Shane. Hindi parin sila matigil sa pakikipag chismis about kay Sherlyn.
"At ang pagkakaalam ko ay binago nya ang buo nyang pagkatao dahil sa pag-mamahal nya kay Rain." -Nicole
"Iba talaga ang nagagawa ng love, nakakaya nyang bagohin kahit na ang kilos at ugali ng tao." -Shane
At Iba rin ang nagagawa ng pagiging chismosa sa mga tao. Sana alam ng mga kaibigan ko ang tungkol dito.
"Kalie." Rinig kong tawag mula sa likuran ko habang nag lalakad ako sa hallway ng building. "Hello." Nakangiting sabi ni Sherlyn nang lingonin ko sya.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya atsaka naman ako nito ningitian.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Nakangiting tanong nya sa akin dahilan nang pinagtaka ko.
At ngayon, Nakaupo kaming dalawa sa isang bench na nasa gilid ng building namin.
"Mas lalo kang gumaganda." Nakangiting sabi nya dahilan para mapataas na lamang ang kilay ko. Tinawag nya ba ako para lang bolahin ako?
"Kaya hindi na ako mag tataka kung bakit ka nya nagustohan." Nakangiting sabi nito ngunit bakas sa kanya na nalungkot sya dahil sa sinabi nya.
Well, like what I thought. Gusto nyang pag-usapan namin si Rain. Ganun ba talaga ka-gwapo si Rain upang laging pag-usapan ng iba?
"Kung ganda lang ang hanap nya, segurado akong magugustohan ka rin nya." Sabi ko habang nakatingin lang sa puno na nasa gilid namin.
"Pero, hindi naman talaga ako totoong maganda." Malungkot nyang sabi. "Kailangan ko pang mag pa-plastic surgery para lang mag mukhang maganda. Unlike sayo, pinaayos mo lang ang mga ngipin mo sa harap. Then, kunting skincare lang sa mukha."
"Ano bang nagustohan mo kay Rain?" Tanong ko sa kanya nang lingonin ko ito.
"Everything about him." Nakangiting sabi nya. Mukha talaga syang Inlove.
"Piliin mo ang taong tanggap ang buong pagkatao mo. Kung sa tingin mo na kailangan mo pang mag paganda para lang mahalin ka nya, he is not the right person." Seryosong sabi ko sa kanya dahilan nang mapangiti syang muli.
"You've change a lot Kalie." Nakangiting sabi nya sa akin. "I wish I was you." Muling saad nito habang nakatingala sa kalangitan.
"No, be who you are." Sabi ko atsaka sya ningitian na syang kinagulat nya dahil sa sinabi ko at dahil na rin sa ningitian ko sya na hindi ko naman ginagawa noon. "Make your heart the most beautiful thing about you."Dagdag kong sabi atsaka naman ito napangiti at tumango.
Nang makabalik na ako sa classroom...
"Enzo, hindi ba bukas na mapapalabas ang theater?" Rinig kong tanong ng isa naming kaklase kay Enzo.
BINABASA MO ANG
The key
FantasyKalie Mujica is a 17 years old high school student. She has a beauty but has a bad character that's why one day she met an old woman who controlled her and brought her in front of the small and ordinary-looking house. "Nahihirapan makahanap ang anak...