Chapter Three

581 20 1
                                    

"Prezzy, girl! Nandiyan ka na ba?" tanong ni Mari sa kanya sa kabilang linya ng cellphone.

Tiningnan ni Prezzy ang studio type na bahay sa harap niya. Sa labas ay may mga nakatanim na iba't-ibang halaman. Maliit lang ang bahay pero very homey ang dating.

"Kadadating ko lang. I'm standing in front of your former house, actually," wika ni Prezzy sa telepono.

"What do you think? Iyan na muna ang magiging bahay mo ngayon," masiglang sabi nito.

Nalukot ang mukha niya. Nakakaakit ang offer ng kaibigan niya pero alam niyang hindi pwede.

"Ilang araw lang, Mari. Nakokonsensya pa rin ako na nandito ako ngayon."

"Hay naku, ever the straight-laced girl. Hindi kita maintindihan. Kung ako lang, kikidnap-in ka na lang namin ni Ned para hindi ka na ipakasal diyan sa luko-lukong fiance mo. Hindi ko maintindihan kung bakit nagtitiyaga ka pa diyan."

Na-i-imagine na ni Prezzy ang kaibigan na nandidilat ang mga mata pagkabanggit sa boyfriend niya. Kahit paano ay gusto niyang matawa.

"Mas galit ka pa kay Jake kaysa sa'kin. Napag-usapan na natin 'to, 'di ba? I can handle this. Huwag ka nang mag-alala."

"Tingin ko lang ay makakahanap ka pa ng taong mas nararapat para sa'yo, Prezzy," seryosong sabi nito. "At malay mo, dito mo matagpuan ang taong sinasabi ko sa'yo." Sinamahan pa ni Mari iyon ng nakalolokong tawa.

Umarko ang kilay niya.

"Huwag mo nga akong demonyohin. Pumayag akong magbakasyon muna dito dahil gusto kong mag-isip-isip na malayo sa demands ng opisina. Isa pa, nasasakal ako kila Mommy. Kung sino-sinong gustong i-invite sa engagement party namin ni Jake."

"Sheesh. Kami lang ata ni Ned ang hindi pabor sa magiging kasal niyo kung sakali."

"At hindi ko maintindihan." Nangungunot na ang noo niya. "Hindi basta-basta itinatapon ang relasyon, Mari. Higit sa lahat ay ikaw ang nakakaalam niyan."

"Pero hindi mo pa alam kung ilang babae na ang kinasama niya sa mga panahong magkasintahan kayo. At paano kung kapag ikinasal na kayo ay mambabae din siya?"

Natigilan siya. Hindi niya ata naisip iyon at ayaw niyang isipin.

"Jake is not like that, Mari. Noon pa man ay napapansin ko na gusto siya ng sekretarya niya. Siguro, inakit lang siya nito." Huminga siya nang malalim. Hindi niya alam kung kinukumbinsi ba niya ang sarili niya. "Kung may ginawa man siyang kasalanan, mano naman na magpatawad ako, 'di ba? Ako din naman ay may pagkukulang sa relasyon namin. Hindi ibig sabihin na nagkamali na ay makikipaghiwalay na ako. I just... I just want to think things over."

"So, wala ka man lang balak sabihin sa kanya ang nakita mo?"

Nalukot ang mukha niya. "I-I don't know. Siguro, pag-uwi ko na lang. Hindi ba importante na ako pa rin ang pinili niyang pakasalan sa kabila ng lahat?"

Bumuntong-hininga si Mari.

"Basta. I still think you deserve to be with someone whom you will love as much as he loves you. Parang ako kay Ned." Hindi maikakaila ang kaligayahan sa tinig nito nang banggitin ang asawa.

Na-i-inggit man siya kay Mari ay hindi niya ipinahalata. Ayaw niyang i-entertain sa isip na hindi niya maramdaman kay Jake ang intensidad ng pagmamahal ni Mari kay Ned. After all, iba-iba naman ang tao ng paraan ng pagmamahal.

"I'm happy with Jake, Mari. Siguro, minsan, kailangan lang talaga nating makontento sa ibinigay sa'tin. By the way, kailan ba ang uwi niyo ni Ned dito? Ang usapan natin, mag-bo-bonding tayo. Bakit wala ka dito?"

"May emergency sa pamilya ni Ned, eh. S

inamahan ko. Pero uuwi na kami diyan kaagad kapag natapos 'to. Saka tayo mag-chika-chika."

Ngumiwi siya. Wala siyang kakilala sa lugar na iyon maliban kay Mari.

"Ano namang gagawin ko ditong mag-isa?"

"Oh, you'll find something to do eventually."

Nagsalubong ang kilay niya sa tono ng boses ni Mari. Para bang may binabalak itong kapilyahan. Pero bago pa siya makapagtanong ay inunahan na siya nito.

"Ah, basta. Behave ka diyan. At habang nandiyan ka, mangako ka sa'kin na pag-iisipan mo ang relasyon niyo ni Jake. Susuportahan ko kung ano man ang magiging desisyon mo."

Napailing na lang siya. Hindi naman magbabago ang isip niya.

"Thanks. At bumalik ka na dito bago ubanin ang buhok ko."

"No problemo, Prez. Bye!"

Nang maputol ang tawag ay minsan pa niyang tiningnan ang labas ng bahay. Kahit paano ay na-excite siya. Sa unang pagkakataon ay naranasan niyang kumilos na malayo sa kasintahan.

"Good luck naman sa'kin," pagkausap niya sa sarili niya bago nagdesisyon na pumasok sa loob ng bahay.

Strange and BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon