Nagising si Prezzy sa sunod-sunod na ring ng cellphone niya. Nagmamaktol na itinakip niya ang unan sa tenga niya at bumalik sa naunsyaming pagtulog. Akala niya ay titigil sa pag-ri-ring iyon. Pero mukhang walang balak ang caller na bigyan siya ng mahimbing na tulog.
Nakapikit na kinapa-kapa niya ang cellphone niya sa bedside table. Patamad na sinagot niya ang tawag.
"Hello..."
"Precious!" Kaagad siyang napasimangot nang marinig ang boses ng mommy niya. "Kagabi pa kita tinatawagan. Bakit hindi mo sinasagot ang tawag?"
Lihim siyang umungol. Ang huling gusto niyang marinig ng umagang iyon ay ang pagna-nag ng Mommy Naty niya.
"Pagod na ako kagabi, Mommy. Isa pa, sinabihan na kita na huwag kang masyadong mag-alala sa'kin. Okay naman ako dito."
"Kung bumalik ka na kaya ulit dito? Alam mo naman na hindi ako mapakali kapag hindi kita nakikita."
Sa loob-loob niya ay naiinis siya. Kung tratuhin siya nito ay parang hindi pa rin niya kayang mag-desisyon para sa sarili niya. She was a grown-up twenty-seven career woman, for Pete's sake!
"My, hindi ba at ipinaliwanag ko na? I need to do this for myself. Gusto ko naman makalanghap ng bagong environment maliban diyan sa Manila. Ngayon lang ako humiling ng ganito sa'yo."
Hindi nito mapasubalian ang sinabi niya. All her life, she had been a good daughter. Sunud-sunuran siya sa mga sinasabi nito.
Kahit ang pagpili ng lalaking nararapat para sa kanya, mapaklang naisip niya.
Simula nang mamatay ang Daddy niya noong highschool pa lang siya ay nakita niya kung paano na-devastate ang Mommy niya. Hindi na ito nag-asawa kahit bata pa naman at maganda. Sa halip, ibinuhos nito sa kanya lahat ng atensyon at pagmamahal. Kaya naman ginawa niya ang lahat para hindi sumama ang loob nito sa kanya. Pero sa pagkakataong ito, gusto muna niyang magpahinga sa pagiging huwarang anak.
"Kunsabagay, normal lang makaramdam ng wedding blues kahit engagement period pa lang. Pero siguradong mami-miss ka ni Jake," sabi pa nito.
Nairolyo niya ang mata. Ano kaya kung sabihin niya na 'yong future son-in-law ng Mommy niya ay baka nagdi-diwang na sa bisig ng ibang babae? Baka atakihin ito sa puso.
"By the way, sino'ng kasama mo diyan?"
Normal na tanong lang naman iyon pero pakiramdam niya ay pinagpawisan siya. Naalala niya ang hubad na si Dojo - with his dimples and deep-set eyes twinkling with mischief. Kapag sinabi niya iyon sa ina niya ay baka mahigh-blood na nga ito.
"Ahm.. ako lang, 'My. Nasa kabilang kanto ang bahay ng kaibigan ko."
"Sige na nga. Mag-i-ingat ka diyan. Just leave the preparations to me. Kakausapin ko na rin si Raquel para sa listahan ng mga bisita." Ang tinutukoy nito ay ang nanay ni Jake na isang kilalang socialite noong kabataan nito. "Don't do anything foolish while you're there."
Napabuntong-hininga siya. Hindi niya lubos maisip kung anong 'foolish' ang sinasabi nito. Alam nitong siya ang taong hindi nagpapadalos-dalos sa mga kilos.
"Don't worry about me, okay? Hayaan mo na muna akong mag-enjoy dito. I'll call you again when I decide to get back."
Nagpahinuhod na ito. Tingin niya ay hindi naman ito mabo-bore na wala siya lalo pa at magiging busy ito sa pag-a-ayos ng engagement party nila.
"Okay. I love you, baby."
"I love you, too, 'My."
Napatitig siya sa kisame pagkatapos ng tawag. Engagement... Sa loob ng ilang araw ay malalaman na ng buong mundo na may nagmamay-ari na sa kanya. Alam niyang iyon naman talaga ang dapat kahantungan ng relasyon nila ni Jake. Pero ngayon, nabawasan na ng kaunti ang excitement niyang maging asawa nito.
Babalik sana siya sa pagkakahiga nang may marinig siyang maingay na musika sa labas ng kwarto niya. Saka pa lang niya naalala na hindi nga pala siya nag-iisa sa bahay na iyon. Naririnig na niya ang malakas na boses ni Dojo na kumakanta at sinasabayan ang tunog na marahil ay nagmumula sa radyo.
Napailing siya. Typical probinsyano... Sa kanilang bahay sa subdivision ay gasino nang mag-ingay ang mga kapitbahay niya. Para iyong ghost town na walang kabuhay-buhay dahil parang walang mga nakatira.
Kumuha siya ng pantali ng buhok at basta na lang niya ipinusod ang buhok niya. Pagkatapos ay lumabas siya ng kwarto niya. Hindi niya napaghandaan ang sumalubong sa kanya.
Si Dojo na naka-apron at nagpi-prito habang umiimbay ang balakang at sinasabayan ang kanta. Pinigil lang niya ang sarili niyang mapabunghalit ng tawa sa nakita.
Mukhang naramdaman naman kaagad ni Dojo ang presensya niya dahil lumingon ito. He didn't look embarrassed being caught like that. Sa halip ay dumako ang mata nito sa suot niyang pantulog. Suot pa rin niya ang suot niyang tank-top at maong skirt. Nanunuot ang paraan ng pagtingin ni Dojo sa kanya. Hindi niya mabasa ang ekspresyon na nasa mata nito habang walang pakundangang pinapasadahan siya ng tingin. Literal siyang napatda sa kinatatayuan niya nang biglang manlambot ang tuhod niya.
Nang magtagal ang mata nito sa dibdib niya ay napalitan ng kung ano ang ekspresyon sa mata nito. Niyuko niya ang sarili. Saka pa lang niya napagtanto na wala siyang suot na bra. And to her utmost horror, her body was reacting to the intensity of his gaze. Her nipples instantly hardened at the shameless inquest of Dojo's dark and deep-set eyes. Malakas siyang napasinghap, lalo pa at babakat iyon sa tank-top na suot niya. Nang tingnan niya si Dojo ay tumaas ang sulok ng labi nito.
"Good morning," he muttered in a sexy drawl. Ni hindi nito itinatago ang pagkaaliw sa tinig nang magsalita. "'Yan ba ang konsolasyon ko sa pasa at bukol na natanggap ko sa'yo kahapon? Pwede na."
Nanlaki ang mata niya. At ikinahihiya man niya ay mabilis niyang ipinagkrus ang braso sa tapat ng dibdib niya.
"Bastos ka!" asik niya dito.
Dali-dali siyang nagmartsa pabalik ng kwarto niya. Pabalya niyang isinara ang pinto. Narinig pa niya ang malakas na sigaw ng walanghiya mula sa labas ng kwarto.
"Prezzy, okay na 'yan! Kain na tayong breakfast!"
Breakfast-in mo ang mukha mo!
Ramdam na ramdam pa rin niya sa katawan niya ang mga mata ni Dojo. Pati na rin ang pagtaas ng sulok ng labi nito na wari ay may pilyong iniisip. At sa kamalas-malasan, gusto niyang malaman kung anong iniisip nito. Hinawakan niya ang dibdib niya. Sunod-sunod ang mabilis na tambol niyon.
"Don't do anything foolish..." Napaungol siya. Too late!
BINABASA MO ANG
Strange and Beautiful
Romance"Nagka-near death experience yata ako nang magising ako na wala ka." Hindi inaasahan ni Prezzy na ilang araw pagkatapos mag-propose sa kanya ng nobyo niya ay mahuhuli niya itong katalik ang sekretarya nito sa loob mismo ng opisina nito. Sinunod niya...