"Prezzy! Dito ka, bilis! Tikman mo 'to," pangungulit ni Maan kay Prezzy. Nasa kusina ito samantalang siya ay nasa salas at nakaupo sa sofa katabi ni Dojo.
Niyaya sila ng mga ito na mag-lunch sa bahay ng mga ito nang malaman na sila lang lagi ni Dojo ang magkasama. Si Dojo ay nakikipaglaro ng Scrabbles kila Chino at Gary.
Umungol si Dojo at tiningnan ng masama si Maan. "'Yong asawa mo ang asikasuhin mo. Bakit ba nang-aagaw ka pa diyan?"
Umirap si Maan kay Dojo. "Magkasama na kami ni Gary magdamag. Nagtititigan lang kami niyan. Nabo-bore na ako."
"I love you too, sweetheart!" sigaw ni Gary kay Maan sa pagitan nang pagtatawa.
Tumawa na rin si Prezzy. Naa-amuse siya sa mga kaibigan ni Dojo. Cool na cool lang ang mga ito. Kahit na may mga kanya-kanya nang buhay ay halata na close pa rin ang mga ito sa isa't-isa.
Nang akmang tatayo siya ay nahawakan ni Dojo ang braso niya. "Huwag mong sabihing iiwan mo nga ako dito? Huwag mong pakinggan 'yang si Maan. Dito ka lang."
Hindi niya alam kung matatawa ba o maiinis kay Dojo. Sila Gary at Chino ay mukhang sanay na dahil tatawa-tawa na lang ang mga ito sa kanilang dalawa.
"Hindi mo naman ako kailangan dito, eh."
Nagmulagat ito. "Kailangan kita. Mamalasin ako kapag nawala ka."
Tinuktok niya ang ulo nito. "Puro ka kalokohan. Ang lapit-lapit ng kusina. Doon muna ako kay Maan."
Narinig niyang bumungisngis si Maan. "Ano ka, Doroteo Jose? Mas gusto ako kaysa sa'yo. Uyyy, jelly!"
Nang pandilatan ito ni Dojo ng mata ay binatukan ito ni Gary. "Asawa ko 'yang tinitirikan mo ng mata."
Napailing na lang siya at saka naglakad palayo kay Dojo. Narinig pa niyang sumigaw ito.
"Sa labas ng kwarto ka matutulog ngayon, 'kala mo!"
"May sayad si Dojo," hindi niya mapigilang sabi kay Maan. Hindi mapuknat ang ngiti niya.
Tumawa rin si Maan. May masuyong ngiting lumabas sa labi nito nang tingnan ang asawa.
"Pare-pareho silang lahat. Kapag umuwi si Ned, isa pa 'yon. Mas malala pa nga 'yang mga 'yan no'ng mga bata pa."
"Matagal mo na rin silang kilala?"
"Oo. Maliit lang naman ang probinsya. Iisang eskwelahan lang kami nag-aral nung high school. Si Dojo talaga ang una kong naka-close. Seatmate ko kasi 'yan nung high school."
Tumango-tango siya. "Kaya pala kumportable kayong dalawa ni Dojo sa isa't-isa."
"Huwag kang magselos sa'min. Ganyan lang talaga kami mag-usap na dalawa."
Marahas siyang tumingin dito. "I told you, hindi ganoon ang relasyon naming dalawa."
Ngumiti ito sa kanya. Inginuso nito ang engagement ring niya. She unconsciously closed her fist to hide it from view. Ngali-ngali na naman niyang tuktukan ang sarili sa ginawa niya.
"Dahil ba diyan sa singsing na 'yan?" nananantyang tanong nito. "Sinabi sa'kin ni Dojo kagabi na huwag daw kitang masyadong tuksuhin. Ayaw daw niya na ma-ilang ka at sigurado daw na puputok na naman ang utak mo pag-iisip ng paliwanag."
Nagulat siya. "Sinabi niya 'yon?"
Tumango si Maan. Ipinatong nito ang kamay sa baba habang tinitingnan siya.
"Kaibigan mo na ako, Prezzy. Sa'tin-satin lang ha. Gusto mo ba si Dojo?"
"I don't..." Nang makita niya ang nakaka-unawang tingin ni Maan ay napabuntong-hininga siya. "Hindi ko alam. Hindi ako pwedeng magkagusto sa iba. I'm engaged to be married to someone I've been with for three years."
"Someone you really love?"
Sandali siyang natigilan doon. Days ago, she would have answered 'yes' immediately. Pero ewan ba niya kung bakit nahihirapan siyang sabihin iyon ngayon.
"Dapat. I thought that he's the right one for me. But now..."
Wala sa loob na sumulyap siya kay Dojo. Nakikipag-asaran ito kay Chino na mukhang talo sa laro. Nang maramdaman siguro nitong may nakatingin dito ay sumulyap ito sa kanya. He gave her a sexy grin and a thumbs-up. Her heart skipped a delicious beat.
"Pero ngayon, nalilito ka na?" untag ni Maan sa kanya.
Siguro ay nakabalatay na talaga ang guilt sa mukha niya. Sinikap niyang i-ayos ang huwisyo niya.
"Siguro kasi, ngayon lang ako nakakilala ng katulad ni Dojo. Magkaibang-magkaiba sila ni Jake sa maraming bagay. Si Dojo, sinasabi at ginagawa niya ang gusto niyang sabihin. Ang nakakapagtaka, kahit naiinis ako sa kanya ay hindi ko siya magawang tanggihan."
Naalala niya nang halikan siya nito kagabi. She felt free and wicked last night. Kahit sa pagtulog ay naaalala niya ang halik na iginawad nito sa kanya. Maraming beses na naman siyang nahalikan ni Jake. Pero tuwina ay nako-control niya ang sarili niya. Alam niyang kailangan niyang gawin iyon dahil hindi pa siya handang ibigay ang lahat kay Jake.
But with Dojo, everything was spontaneous. His kisses aroused fire in her she didn't even know she had in her. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Nahihiya na siya sa sarili niya dahil alam niyang nakatali na siya. Alam niyang hindi pwede. Pero ito pa rin siya at nagpapadala sa bugso ng damdamin niya. Alam niyang hindi lang pagka-gusto ang nararamdaman niya dito. Isa iyong malalim na damdamin na nagbibigay sa kanya ng parehong saya at takot.
Minsan pa ay huminga siya nang malalim. Mapait na nginitian niya si Maan.
"Siguro, kapag umalis na ako dito, babalik din sa ayos ang lahat. Maybe the change in environment muddled my senses for a while. Baka pala nao-overwhelm lang ako sa mga nangyayari sa paligid ko kaya nalilito ako ngayon. After all, magkaiba ang mundo naming dalawa." Yeah, maybe.
Ginagap ni Maan ang kamay niya. "Prezzy, I'm just here in case you need a friend. Basta ang sa'kin, gusto kong maging masaya ka sa magiging desisyon mo."
Nag-init ang sulok ng mata niya. "Thanks, Maan."
"In the meantime, tulungan mo akong tikman itong kalderetang baka. Paborito 'to ni Dojo. Ni-request ng walanghiya sa'kin."
Sa kabila ng lahat ay napangiti siya. Sinikap muna niyang alisin ang agiw sa utak.
BINABASA MO ANG
Strange and Beautiful
Romansa"Nagka-near death experience yata ako nang magising ako na wala ka." Hindi inaasahan ni Prezzy na ilang araw pagkatapos mag-propose sa kanya ng nobyo niya ay mahuhuli niya itong katalik ang sekretarya nito sa loob mismo ng opisina nito. Sinunod niya...