Chapter Nine

499 21 0
                                    

Napapangiti si Dojo habang sine-setup ang lamesa na kakainan nila. Pakiramdam niya ay para siyang teenager na nahuling tumitingin sa mga bold pictures ng comics kung makangisi. Naalala niya ang hitsura ni Prezzy na bagong gising. Parang biglang nag-init ang umaga niya.

Suot pa rin nito ang suot nito kagabi. Pero hindi pa siya nakakita ng kasingganda nito tuwing umaga kahit na hindi nagsuklay at hindi pa naghi-hilamos. Aba, hindi naman niya kasalanang mapatulala dito. She looked like a nymph who came straight out of his dreams. Kanina ay gusto niyang kusutin ang mata niya para lang masiguro na hindi siya nananaginip. At kakasabi pa lang niya na kagabi na off-limits ito.

Mari! Ano ba'ng ipinasok mong gulo sa buhay ko?

Napalingon siya nang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon si Prezzy. Nakahinga siya nang maluwag nang palitan nito ng pantalon ang suot nitong skirt. Nakikita na niya rin sa tank-top ang strap ng bra nito. Kung kanina ay natataranta ito, ngayon naman ay bumalik ang poker-face na hitsura nito. Nasisiguro niyang maling galaw lang niya ay nakahanda na itong suntukin siya. Nanay ko po!

Tumikhim siya para mawala ang tensyon. Hindi naman niya gustong matakot ito sa kanya.

"Kain ka na. Masarap 'yang daing na pusit."

Nag-angat ito ng paningin sa kanya. "Aalis ka? Ang aga ng gising mo," kaswal na sabi nito.

Na-amuse siya. Kanina lang ay pulang-pula ang mukha nito. Pero ngayon ay mukhang inukit sa bato ang mukha nito. Such complex woman...

Tumango siya. Hinila niya ang bangko sa tapat nito. "Ganito talaga ang gising ko. Papasada ako ngayon."

"Papasada? Jeepney driver ka?" nanlalaki ang mga matang tanong nito.

Nagsalubong ang kilay niya sa tono nito. "Bakit? May problema ba?"

May ilang segundo itong nakatitig sa kanya. Pagkatapos ay mabilis na umiling-iling. "Wala naman. Nagtatanong lang."

"Gusto mo'ng sumama?" kaswal na tanong niya.

Nakita niya nang magningning ang mata nito. Pero tila nag-isip ito ng ilang segundo. Pagkatapos ay bumalik na ulit sa dati ang anyo nito. Itinuon nito ang atensyon sa kinakain.

"No, thanks. I can manage."

Sa kabila ng lahat ay natawa siya. Napaka-transparent nito. "Okay lang 'yon. Ipapasyal kita sa bayan."

Hindi ito umimik. May ilang sandaling tinantya niya ito. Tingin niya ay gusto naman nitong sumama pero naiisip na kasama siya kaya pinipigilan ang sarili. Hindi niya alam kung ma-a-amuse o maiinis dito.

"Natatakot ka bang may gawin ako'ng masama sa'yo?" diretsahang tanong niya.

Mukhang tama nga siyang kinakabahan ito dahil nabitawan nito ang kubyertos sa pinggan. Gayunman ay hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha nito.

"Bakit naman ako matatakot sa'yo?" balik-tanong nito. Pero hindi sinasalubong ang tingin niya.

Siguro ay iniisip pa rin nito ang ginawa niyang pagtitig dito kanina. Kung makaasta ito, parang wala itong fiancé. Her fiancé must have seen all the smallest details of her delicate body. Sa naisip ay parang bigla siyang nainis.

"Hindi ako bulag para hindi malaman kung ano'ng iniisip mo patungkol sa'kin. Don't worry, Miss. Wala ako'ng balak na manggulo ng relasyon ng may relasyon. Nagmamagandang-loob lang ako."

"Relasyon?"

Inginuso niya ang singsing nito na mukhang hindi naman nito inaalis sa kaliwang kamay nito. He smirked at the sight of it. Parang gusto niyang tanggalin iyon at itapon sa malayo.

"You're practically married. At kahit gaano ka pa kaganda kapag bagong gising, wala akong balak tumulay sa alambre ng masalimuot na pag-ibig." Ibinuka nito ang bibig para magprotesta. Itinaas niya ang kanang kamay para pigilan ito. "Pero nangako din ako kay Mari na sasamahan kitang mag-enjoy sa bakasyon mo habang nandito ka. Ngayon, kung gusto mo'ng magsayang ng araw at magpakaburo dito sa bahay, bahala ka."

Kumurap-kurap ito, laglag ang panga. Naghahamon ang mata niya nang tingnan ito. Nakita pa niya nang tila nakahinga ito nang maluwag. Lalong naningkit ang mata niya. Aba't natatakot nga itong kasama siya! Hindi ba nito alam na wala pa siyang niyayang ipasyal sa bayan maliban dito?

"Of course, tama ka," masigla nang sabi nito. "Hintayin mo ako, ha. Maliligo lang ako."

Nang ngumiti ito sa kanya ay parang bula na naglahong lahat ng inis na nararamdaman niya. Nagsirko pa ang bituka niya paakyat sa lalamunan niya. Ngali-ngali niyang batukan ang sarili.

Maghunos-dili ka, Kapitan!

Strange and BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon