Chapter Sixteen

457 21 2
                                    

Hindi mapigilang ma-excite ni Prezzy habang nakatingin sa labas ng Bellara. Sa totoo lang ay hindi niya inaasahan ang makikita niya. Maganda ang labas ng Bellara. Kung tutuusin ay pwede itong makipag-sabayan sa naggagandahang mga bar and restaurant sa Serendra.

"Tara na?" yaya ni Chino sa kanya.

Sinundan niya ito papasok sa loob ng acoustic bar. Hindi nga siya nagkamali. Maganda ang taste ng may-ari ng Bellara. Ang mga iba't-ibang kulay na ilaw sa paligid ay nakakadagdag ng buhay sa loob ng bar. Marami na ring mga tao sa loob na kumakain kasama ang kanya-kanyang mga grupo.

"Oh, ayun pala si Dojo. Mukhang tapos na ang pag-set-up."

Mabilis niyang nilingon ang itinuro ni Chino. Hindi niya napaghandaan ang nakita niya. Si Dojo ay mukhang nag-aayos ng mga equipment malapit sa stage. Na-i-ilawan ang ibabaw ng ulo nito. It made him look like a phantom soldier with his printed white T-shirt and faded jeans.

Hindi pa rin ito kasing-ayos ni Jake na dahil executive ay palaging presentable at professional ang hitsura. But just seeing Dojo made her knees weak. He looked tall, and commanding, and every bit like a man who had girls swooning on his feet. He looked very fresh and oh-so-gorgeous.

"Dojo! Nandito na kami!"

Dahil sa sigaw ni Chino ay dagling lumingon si Dojo. Nagtama ang mga mata nila. Pagkatapos ay malapad ang naging ngiti nito. His dimples looked lethal against the backdrop. Parang gusto niyang ibalya ang sarili niya sa bisig nito. Napahigpit ang kapit niya sa shoulder bag niya. Mari! Sinusubukan mo ba talaga ang pasensya ko?!

Nakangisi pa rin si Dojo. Mukhang alam ng damuho ang epekto ng hitsura nito sa kanya. Pagkatapos ay sumigaw ito. Hindi malakas pero sapat lang para marinig niya.

"Chino, pakisabi sa kasama mo, wala siyang kasingganda ngayon!"

Argh! Nahulog ata sa semento ang puso niya nang oras na iyon.

Strange and BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon