Chapter Six

528 22 0
                                    

"Ano ba naman 'yang kaibigan mo, Mari? Amazona ata 'yan eh," reklamo ni Dojo sa telepono.

Sinulyapan niya si Prezzy na nakahalukipkip sa sofa at pinapanood siya. Nakataas ang isang kilay nito. Mukhang pag nagkamali siya ng galaw ay hahampasin siya nito ng kung anong pwedeng ihampas.

Tawa naman nang tawa si Mari sa kabilang linya. Ito ang asawa ng pinsan niyang si Ned. Magkasundo silang dalawa dahil magka-wavelength daw sila pagdating sa kalokohan.

"Balita ko, nag-bu-burlesque show ka daw sa harap niya. Natural, matataranta 'yong tao!"

Imbes na mainis dahil nagkabukol na naman siya ay napangisi siya. Hindi niya ata malilimutan ang nandidilat na mata ng magandang binibini habang dina-dissect ng mata nito ang katawan niya. Pakiramdam niya ay nabuhay ang kaliit-liitang himaymay ng ugat niya sa ginawang pagtitig nito. Kung hindi pa siya nahampas ng dustpan ay hindi siya matatauhan.

Thank God for small mercies...

"Malay ko bang ngayon dadating ang bisita mo na mukhang hindi mo sinabihan tungkol sa'kin. Kaka-shower ko lang. Alangan namang mag-tapis-tapis pa ako ng tuwalya. Ang mga mayayaman talaga, hindi sanay makakita ng magagandang katawan ng mga commoners."

Tumawa na naman si Mari sa kabilang linya.

"Sinabihan ko na siya na ikaw ang makakasama niya habang nagbabakasyon siya diyan. Mabait naman 'yan, 'wag mo lang gagalitin."

"Sigurado kang sa'kin mo ihahabilin ang magandang kaibigan mo?" pilyong pang-aasar niya kay Mari.

"Hoy, Doroteo Jose, tigil-tigilan mo ako. May fiancé na 'yan." Pagkatapos ay humina ang boses nito. "Although hindi ko gusto ang fiancé niyan. Prezzy deserves someone better."

Yeah, right. Kanina sa karinderya ay nakita niya ang singsing nito na may malaking bato sa kaliwang kamay. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang panghihinayang na naramdaman niya sa kaalaman na marahil nga ay may fiancé na ang babaeng binigyan siya ng right hook sa mata.

Akala niya ay hindi na niya ulit makikita ito. But he was in for the greatest surprise of his life. The Mona Lisa slash Amazona with a nice ass would be sharing his house for the next few days.

Biyaya ba ito o sumpa?

"I trust you, Dojo." Sa pagkakataong iyon ay seryoso na si Mari. "Sa'yo ko siya inihabilin dahil alam kong mapapabuti siya sa'yo habang hindi pa ako nakakabalik. Ikaw na ang bahalang magpasyal sa kanya. Isa pa, gusto kong mag-enjoy siya habang nandiyan siya. Huwag na huwag mong papaiyakin 'yan."

Minsan pa ay sinulyapan niya si Prezzy. Despite her raised eyebrows, she looked soft and delicate as she was sitting on the sofa. Nakasuot ito ng tank top at maong skirt. Kitang-kita niya ang magandang hubog ng mapuputing legs nito. Ang mahaba at alon-along buhok nitong kanina ay banat na banat sa pagkakatali ay nakasaboy sa magandang mukha nito. Nagra-radiate din ng class ang aura nito, patunay na may sinasabi ito sa buhay.

Ano kayang klase ng lalaki ang fiancé nito? Siguro, ka-level din nito. Parang gusto niyang pingutin ang ilong ng lalaking iyon.

"Don't worry, Mari. Ako'ng bahala sa kanya."

"No hanky-panky?"

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Wala pa naman sa pangarap ko ang maging kerida."

"Sayang..."

Natawa siya. "Malapit ko nang isipin na sinadya mo ang set-up na ito. Hindi ka pa nag-iwan ng susi sa bahay niyo. Isusumbong kita kay Insan."

"Behave na nga ako! Dojo..."

"O?"

"Salamat ha?"

Saka ka na magpasalamat kapag wala nga akong ginawang hindi kanais-nais. Iniisip pa lang niyang makakasama niya sa iisang bubong ang babaeng unang kita pa lang niya ay nalaglag na ang panga niya, parang gusto niyang mag-backout sa pakiusap ni Mari. Pero nang masulyapan niya si Prezzy ay napabuntong-hininga na lang siya.

"Sure." Lintek. Bahala na.

Strange and BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon