Chapter Twenty-One

545 29 2
                                    

"Seryosong-seryoso kayo ni Maan kanina, ah. May sinabi na naman ba siya sa'yo?" ungkat ni Dojo sa kanya.

Naglalakad ulit sila sa daan paakyat ng bahay nila. Ginabi na sila ng uwi dahil sa pakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan nito.

Itinaas niya ang kilay niya kasabay nang pagsupil ng ngiti sa labi niya.

"Ang sabi ni Maan, na-guidance daw kayong tatlo ni Gary at Chino noong high school nang magsuntukan kayo. Pinag-aagawan niyo daw kasi yung campus figure sa eskwelahan niyo."

Napangiwi si Dojo. "Makukutusan ko talaga 'yong babaeng 'yon."

Napangiti siya. "You have great friends, Dojo."

Sa kabila ng lahat ay may masuyong ngiting lumabas sa labi nito. "Yeah. Kahit ganoon 'yung mga 'yon ay mahal ko 'yon. Maliban kay Ned, sila na lang ang pamilya ko."

"Nakakainggit ka," wala sa loob na nasabi niya.

"Bakit naman?"

"Wala akong masyadong kaibigan, eh."

"Baka natatakot sa'yo. You have this aura na parang kapag may lumapit na kung sino ay handa mo'ng tadyakan ano mang oras."

Naningkit ang mata niya dito. "At ano ako, si Hulk Hogan?" inis na sabi niya. Bwiset 'to, ah!

"Hindi. Si Xena, the Warrior Princess," nakangising saad nito.

Tumingkayad siya at pinitik ang ilong nito. Napauklo ito pero nagtatawa pa rin naman. Pero napaisip pa rin siya sa sinabi nito.

"Am I really that unapproachable?"

Naalala niya ang mga panahon niya no'ng high school at college. Wala talaga siyang masasabing naging tunay niyang mga kaibigan noon maliban kay Mari. Nakikipag-usap naman siya sa mga kaklase niya pero parang laging may pader na nakapagitan sa kanilang lahat. Na parang mayroon silang sariling sirkulo habang siya ay nasa labas at sumisilip lang sa loob ng sirkulong iyon.

At kahit noong college, dahil nga bahay at eskwelahan lang ang routine niya ay hindi siya nakakasama sa mga social gatherings ng eskwelahan niya. Nang magtrabaho siya, wala rin siyang masyadong naging close na mga tao. Nahihiya siyang makipag-usap sa mga officemates niya na porke't alam na isang Jake Fonacier ang boyfriend niya ay nangingilag sa kanya. Kaya siguro nang dumating si Jake ay pinahalagahan niya ang relasyon nilang dalawa.

"Those people aren't worth your time, Prezzy," sagot ni Dojo sa kanya.

Kunot-noong nilingon niya ito. Magaang hinaplos nito ang buhok niya. "Kapag gusto kang makilala ng isang tao, gagawa at gagawa siya ng paraan para magpumilit lumapit sa'yo kahit anong taboy ang gawin mo sa kanya. Iyong mga taong sa unang pagtataboy pa lang ay sumuko na, hindi sila dapat na pag-aksayahan ng oras."

"But what if... what if nobody would want to get to know me more?"

His eyebrows rose a bit. "Nobody? Sigurado ka?"

Humalukipkip siya. Bigla ay parang sumasama ang loob niya. Dati-rati, kontento naman siyang nag-iisa at mag-isang ginagawa ang lahat ng mga bagay. Pero nang makita niya kung gaano karami ang mga kaibigang umaaligid kay Dojo, naiinggit siya talaga dito. Napapaligiran ito ng mga taong nagmamahal dito.

"Boring ako'ng kasama. Wala akong talent. Maliban sa trabaho ko, I don't have any passion. Hindi rin ako marunong makipag-socialize." Compared to you, I'm not really outstanding at all, gusto niyang idagdag.

"You are strong. Independent. You know what you want," saad ni Dojo.

Napatingin siya dito. Inipit nito sa tenga niya ang ilang hibla ng buhok na nawala mula sa pagkakatali niya. Nalusaw ang puso niya sa klase ng ngiti nito.

Strange and BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon