Kunot-noong pinapakinggan ni Prezzy ang dalawang boses na nag-uusap sa labas ng bahay. Ito ang ikatlong gabi niya sa probinsya. Halos kadadating lang nila ni Dojo. Buong maghapon ay sinamahan siya ni Dojo na maglibot sa Pagsanjan para bisitahin ang mga ancestral houses. Nanguha siya ng maraming pictures para sa isang project ng team nila tungkol sa mga historical places.
Hatinggabi na pero maingay pa rin ang mga tao sa labas. Hindi naman niya gustong mag-eavesdrop. Pero sa lakas ng boses ng dalawang lalaki, imposibleng hindi niya iyon marinig.
"Inggit ako sa'yo, 'tol. Nandiyan talaga 'yung crush mo?"
"Sshh... Ang ingay mo, Chino. Maririnig ka no'n."
"Sus. Ang hina mo naman. Hindi pa nga kasal—Aray!"
"Huwag ka nga sabing maingay!"
Naamuse siya kahit paano. Boses ni Dojo ang narinig niya. Crush? Sino kayang crush ang tinutukoy ng mga ito? Siya ba?
Mabilis siyang nag-angat ng paningin nang marinig ang mga humahangos na yabag papasok ng bahay. Nang tumambad sa kanya ang isang bulto ng lalaki ay nahugot niya ang hininga niya.
The man was gorgeous!
Matangkad itong katulad ni Dojo. Malapad ang balikat at tama lang ang mga muscles sa dibdib na bumabakat sa T-shirt nito. He had slender waist that was common among male models. Kung moreno si Dojo ay mas moreno pa ito na tila laging babad sa ilalim ng araw. Pakiramdam niya ay hindi niya maitago ang pagkamangha sa mukha niya nang tumambad ito.
Nang ngumiti ito ay napakurap-kurap siya. The man had a killer smile!
"Hi, Miss," bati nito sa kanya. "Chino here. Kaibigan ako ng kumag na si Dojo."
He had twinkling eyes that instantly made her feel comfortable. Nginitian niya ito.
"I'm Prezzy. Nasabi na siguro sa'yo ni Dojo na ako muna ang housemate niya."
"Lucky bastard," natatawang sabi nito. "Mag-iingat ka dito kay Dojo. Alam mo kasi 'to, noong isang araw pa may crush —"
"Chino!"
Sa pagkabigla niya ay humahangos din na pumasok si Dojo sa loob ng bahay. Nahaklit nito ang leeg ni Chino at inipit sa pagitan ng braso nito. Napauklo si Chino na mukhang nasasaktan na.
"Isa pa talaga, Chino," babala ni Dojo dito.
Tatawa-tawa si Chino sa pagitan ng pagngiwi. "Ang pikon mo naman, pare. Nakikipagusap lang ako."
Si Dojo ay mabilis na tumingin sa kanya. Salubong ang mga kilay nito.
"Ano'ng sinabi sa'yo ng luko-lukong 'to?"
Sa kabila ng lahat ay natawa siya. "Nakikipag-usap lang siya," pag-segunda niya sa sinabi ni Chino. Lalong lumapad ang ngisi nito.
"Kita mo na. Masyado kang nerbyoso," angil nito kay Dojo. Nang humarap ito sa kanya ay kinindatan siya nito. "Kung gusto mo'ng mamasyal, sabihan mo lang ako. Ipapasyal kita."
"Chino, may trabaho ka pa, 'di ba?" nanlalaki ang mga matang sabi ni Dojo dito.
Bale-walang iwinasiwas ni Chino ang kamay.
"Okay lang 'yon. Minsan lang naman si Prezzy dito. Saka nakakasawa ka nang kasama. Baka napapagkamalan nang tayo ng mga tsismosa diyan sa kanto. Lagi pa naman akong nasa inyo. Baka isipin na may ginagawa na tayong kababalaghan."
Dinagukan ito ni Dojo. "Mag-seryoso ka nga. Baka ma-eskandalo na si Prezzy sa'yo."
Tumaas ang kilay niya. "Excuse me? Anong tingin mo sa'kin? Ignoramus?" pagtataray niya.
Hindi naman ito mukhang na-intimidate. Bagkus ay nangislap ang mga mata nito. Si Chino ang malakas na bumulalas.
"O, narinig mo 'yon, Dojo. Isama natin diyan sa may Bellara. May acoustic night bukas sabi ni Gary, 'di ba?"
Kahit hindi niya naiintindihan ang sinasabi ni Chino ay sumagot siya. "Game!"
"Paano ba 'yan, Dojo. May crush sa'kin." Natatawang inilapit ni Chino ang kanang kamay nito sa kanya. "High-five nga tayo, Prezzy."
Nang gantihan niya rin ito ng high-five ay na-irolyo na lang ni Dojo ang mata.
BINABASA MO ANG
Strange and Beautiful
Romance"Nagka-near death experience yata ako nang magising ako na wala ka." Hindi inaasahan ni Prezzy na ilang araw pagkatapos mag-propose sa kanya ng nobyo niya ay mahuhuli niya itong katalik ang sekretarya nito sa loob mismo ng opisina nito. Sinunod niya...