Epilogue

1K 52 12
                                    

5 Months Later...

"Dojo, ano ba kasing surprise 'yan?" angil ni Prezzy dito. Nilagyan pa nito ng blindfold ang mata niya kaya wala siyang makita. Halos magkandatapi-tapilok na siya kanina pa.

"Patience, irog ko," naaaliw na sabi nito.

"Ang dami ko pang naiwang trabaho sa opisina. Isa pa, lagot ka na naman kay Mommy. Ang sabi niya ay siya dapat ang date mo ngayon."

Natatandaan pa niya nang ipakilala niya sa mommy niya si Dojo. Masama pa rin ang loob nito sa kanya dahil hindi man lang daw siya nagpa-abiso. Pero nang ipaliwanag niya dito ang ginawa ni Jake at ang saloobin niya tungkol doon ay nagalit ito kay Jake. Naintindihan nito ang desisyon niya. Iyon nga lang, medyo nagkalamat ang relasyon nito at ng kaibigan nito. But her mother said that nothing was more important than her happiness.

Pero nang makita nito si Dojo, ang lapad ng ngisi nito sa kanya. Naitirik na lang niya ang mata. In no time, Dojo and her mother hit it off. Bentang-benta dito ang mga banat ni Dojo. Napalitan kaagad ni Dojo si Jake sa puso nito. Si Dojo naman ay hindi na pinirmahan ang bago nitong kontrata sa kabila nang pamimilit niya. Ang sabi nito, gusto pa daw nitong makasama siya nang matagal-tagal.

"Mamaya pa kami magkikita ni Mommy. Gusto ko munang ipakita sa'yo 'to." Dahan-dahan nitong inalis ang blindfold niya. "Ta-da!"

Kinusot pa niya ang mata. Pagkatapos ay napanganga siya sa nakita. Nagsunod-sunod din ang kabog ng puso niya. Sa harap niya ay may isang luma at may kalakihang bahay na mukhang galing pa sa panahon ng Kastila. Pero nakita niya na matatapos na ang pagre-renovate niyon. Finishing touches nalang ang kulang. Nasa tabi iyon ng national highway. Isa iyon sa mga ancestral houses na ipinakita sa kanya ni Dojo noong nag-bakasyon siya.

"Ano sa tingin mo?" nag-aalalang tanong ni Dojo. "Dito kami nakatira dati. Pero nang mamatay si Nanay at Tatay ay nailit 'yan ng bangko. Matagal ko nang natubos 'yan. Naghahanap na nga ako ng buyer dahil masyadong malaki para sa'kin. Pero nang makilala kita, naisip ko, tamang-tama lang 'yan."

Namamangha pa rin siyang nakatingin sa bahay. "This is beautiful, Dojo."

"Gusto mong tumira dito?"

Marahas siyang lumingon dito. Namasa bigla ang mata niya. Agad nitong nakamot ang tungki ng ilong nito.

"Pero kung gusto mo naman sa Manila, okay lang naman din. Alam ko naman na sanay ka sa buhay doon, eh. Alam mo namang kaladkarin ako. Kung saan ka, doon ako," nakangising sabi nito.

She swallowed the lump that formed in her throat. "This is just perfect. Gusto ko dito."

Mukhang hindi nito inaasahan ang sasabihin niya. Taranta itong nagpaliwanag.

"Nakausap ko na si Gary. Plano naming i-expand ang Bellara. Kung gusto mo, ikaw ang mag-handle ng bagong branch. Kapag naitayo na 'yon, 'di ka na mabo-bore dito dahil magiging busy ka na. Ako naman, paminsan-minsan na lang pipirma ng kontrata. Hindi ako aalis nang matagal."

Na-touch siya sa sinabi nito. Isinasama na talaga siya nito sa future nito.

"Ang dami mo na kaagad na-plano. Hindi mo pa naman ako niyayayang magpakasal," nakangusong sabi niya.

Tumawa ito, showing those pretty dimples she loved so much. Pagkatapos ay may hinugot ito sa pantalon nito. Napasinghap siya nang kunin nito ang kaliwang kamay niya at ilagay ang isang simpleng white gold ring doon na may tatlong maliliit na princess cut diamonds.

"Be my wife, Prezzy," he said with so much emotion.

Tumango siya kasabay nang pag-iinit ng gilid ng mga mata niya. Itinaas niya ang singsing at sinipat-sipat. Her heart overflowed with so much happiness. Nginitian niya si Dojo.

"Two engagement rings in just a matter of months. Pang-World Record 'no?"

Ngumisi nang malapad si Dojo. "Mas bagay naman 'yang singsing na 'yan sa kamay mo."

Ah. Wala naman siyang pangontra doon.



*****End*****

Strange and BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon