"Bakit ngisi ka nang ngisi diyan?" takang tanong ni Prezzy kay Mari.
Kasalukuyan silang nasa loob ng isang maliit na coffee shop malapit sa bayan. Kadadating lang nito at ni Ned kanina at nakapag-kwentuhan na silang lahat. Kaya lang ay hinila siya palayo ni Mari at sinabi sa mga lalaking kakausapin daw muna siya nang masinsinan.
"Nakita ko kung paano ka tingnan ni Dojo kanina. Hahay! Ako'y maligayang-maligaya," bungisngis pa nito.
Umirap siya. Itinutok niya ang pansin sa pagsimsim ng raspberry tea niya. "Ah, iyon..."
"See? See? 'Yang ngiting 'yan!" tili na naman nito. Napailing na lang siya kahit na hindi mapuknat ang ngiti niya. Mataman siyang tiningnan ni Mari. "Aminin mo sa'kin. May nangyari nga sa inyo ni Dojo habang wala ako, 'no?"
Napabilis ang pag-inom niya sa raspberry tea niya. Nahuli iyon ni Mari kaya malakas siya nitong siniko sa tagiliran. Dahil doon ay natapon ang inumin niya sa lamesa. Pinandilatan niya ang kaibigan.
"Mari!"
"May hindi ka sinasabi sa'kin, kaibigan." Nang makita nito ang pag-aatubili niya ay tinapik siya nito sa braso nang malakas. "Sabihin mo na. I won't judge you."
Sa sinabi nito ay tila siya dam na nabuksan. She looked frantically at her friend.
"Mari, na-engkanto ata ako," himutok niya.
"You've been bewitched? Ni Dojo?" Nang tumango-tango siya ay lalo pa itong na-excite. Halos mahulog na ito sa upuan sa sobrang paglapit sa kanya. "Sabihin mo na. Huwag kang mag-shoshort-cut."
Huminga siya nang malalim at sinimulang ikwento dito ang lahat-lahat, never missing out on anything. Nang matapos siyang mag-kwento ay hindi na siya makatingin nang diretso dito. Nakikita na niya sa gilid ng mata niya ang panlalaki ng mga mata nito.
"Oh. My. God." Isa-isa nitong binigkas ang mga salita habang pataas nang pataas ang tono ng boses nito. Pagkatapos ay tuluyan na itong tumili nang malakas. Nagtinginan pa ang mga taong naroon sa lugar na iyon. Sa pagkagulat niya ay mabilis niyang tinakpan ang bibig nito.
"Mari, huwag kang eskandalosa," saway niya dito. Kulay-kamatis na ata ang mukha niya dahil sa reaksyon nito sa kanya.
Mabilis nitong inalis ang kamay na nakatakip sa bibig nito. Mukhang titili na naman ito pero pilit na kino-compose ang sarili. Nag-breathing exercises pa ito. Kahit paano ay natawa siya sa exaggeration ng kaibigan niya.
"Ibig sabihin, nagtagumpay ang plano ko. Gosh, I'm so great!" bulalas nito. Kulang na lang ay sumayaw ito sa obvious na kasiyahan nito.
Nagsalubong ang kilay niya. Nag-mag-sink-in sa kanya ang sinabi nito ay talagang napamulagat siya.
"You mean, you purposely arranged for this to happen? Sinadya mo ba'ng ganito ang mangyari sa pagitan namin ni Dojo?!" hindi makapaniwalang bulalas niya.
Agad naman nitong itinaas ang kamay nang makita ata na sasabunutan niya ito sa kagagahan nito.
"Of course not! Lahat ng nangyari sa inyo ni Dojo, that's between the two of you. Labas na ako sa usapang iyan." Nang hindi pa rin mawala ang pagsasalubong ng mga kilay niya ay ngumisi ito. Sinasabi na nga ba! "Pero yung pag-stay namin ni Ned nang matagal sa kanila, p-in-lano ko 'yon. Sinadya namin na hayaan muna kayong dalawa ni Dojo."
"What?!"
Tumango-tango ito. Hindi na-rattle nang titigan niya ito nang masama.
"C'mon, Prezzy. Alam mo naman na lahat ng ginagawa ko ay para sa ikabubuti mo, 'di ba?"
"Including Dojo seducing me?" sarkastiko niyang tanong dito. Pinlano ba ni Dojo na gawin ang lahat ng iyon dahil sinabi ni Mari?
Pero nasagot kaagad ang tanong niya nang batukan siya nito. Napauklo siya. "Aray ko naman."
BINABASA MO ANG
Strange and Beautiful
Romance"Nagka-near death experience yata ako nang magising ako na wala ka." Hindi inaasahan ni Prezzy na ilang araw pagkatapos mag-propose sa kanya ng nobyo niya ay mahuhuli niya itong katalik ang sekretarya nito sa loob mismo ng opisina nito. Sinunod niya...