Maganda ang gising ni Prezzy kinabukasan. Tiningnan niya ang cellphone niya. Nagbabalita lang ang mommy niya tungkol sa preparations ng engagement. Pati ata press people ay inimbitahan ng pamilya ni Jake. Walang missed calls at text messages galing kay Jake.
Napaismid siya. When the cat is away, the mouse will play. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o mainis doon.
Lumabas siya ng kwarto niya. As usual, gising na si Dojo at nagluluto ng agahan. Mukhang sanay na sanay na itong ginagawa iyon. Ganadong-ganado ang mga kilos nito. Naalala niya ang naging usapan nila kagabi. Wala sa loob na napukpok niya ang ulo niya. In the light of day, she wouldn't even think of threading on dangerous ground with him. Goodness! Kakakilala pa lang niya dito!
Ano kayang ipinakain ni Dojo sa kanya? May gayuma kaya ang inihaw na palaka?
Tumikhim siya nang malakas. "Good morning."
Nakahanda na ang ngiti sa mga labi ni Dojo. Pero laglag ang panga nito nang matitigan siya ng husto. Tiningnan niya ang suot niya. Sinunod niya ang sinabi nito na huwag siyang magsuot ng tank-top. Sa halip, naghanap siya ng oversized T-shirt. Halos umabot na iyon sa tuhod niya.
But Dojo kept on staring at her as if she had done something unforgiveable. Again. Nainis siya. "Ano na naman?!"
Umiling ito. Napangisi. "Hindi ko alam kung ano'ng mas ayaw ko. Yung tank-top mo o yung oversized T-shirt mo. Pareho ako'ng hindi makapagisip nang matino."
Nagsirko ata ang puso niya. Umingos siya. "Puro ka kalokohan. Kumain na nga tayo."
Nang mag-umpisa siyang kumain ay napansin niyang patingin-tingin ito sa kanya. Natigil ang pagsubo niya ng scrambled egg.
"Bakit ba? May sasabihin ka?"
"Naisip ko lang, sanay ako'ng kumain ng agahan nang mag-isa. Tapos ngayon, kasama na kita. Nakakatakot. Baka masanay ako nito at hanap-hanapin ko."
Parang sumikdo ang dibdib niya sa sinabi nito. Pero nang tingnan niya si Dojo ay kaswal na ang pagsubo nito ng kanin habang nagkakamay. There was nothing ordinary in even the way he was eating his food with gusto. Pinapanood lang niya itong kumain ay nagsisikip ang dibdib niya.
"Wala ka bang ibang pwedeng kasamang kumain?" nanantyang sabi niya.
Wala naman siyang nakitang singsing sa daliri nito. At base sa paka-intindi niya kay Mari, wala pa itong sariling pamilya. Girlfriend kaya?
"Wala. Sanay na akong mag-isa. Isa pa, hindi ko afford na masanay na may kasamang kumain ng agahan. Katulad ng hindi ko afford na may taong masanay na kasama ako'ng kumain ng agahan."
Nag-iwas siya ng tingin. He was talking in riddles and she wanted to ask some more. Pero ayaw niyang gawin. Mabuti na 'yong konti lang ang alam niya tungkol dito. Hindi rin naman siya magtatagal kasama ito. Hindi niya alam kung bakit may lungkot na bumalot sa puso niya. Inignora niya iyon.
Nag-concentrate na lang siya sa pagkain. Si Dojo ulit ang nagsalita.
"By the way, may itinerary ka ba ngayon?"
Nalukot ang ilong niya. "Si Mari dapat ang bahala doon, eh. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya so..." At nasaan ba kasi ang magaling niyang kaibigan?
"Punta naman tayong Liliw. Maraming sapatos doon. Pwede kang mag-shopping."
Natawa siya. Hindi niya ata naisip na ang katulad ni Dojo ang magsa-suggest ng ganoong klase ng lugar para puntahan.
"Sapatos? Sure ka na hindi ka becky?"
Pumilantik ang daliri nito sa ere bago inipit ang imaginary strand ng buhok sa likod ng tenga. "Ay, sister. Nahuli mo na aketch. Alam mo na ang pinakatatago kong sikwet."
Nabulunan muna siya bago siya bumunghalit ng tawa. Binato niya ito ng buto ng kamatis sa kinakain niya.
"Kakainis ka. Magseryoso ka nga. Siguro, sanay kang mang-tour ng babae kaya alam mo ang mga gusto nila 'no?'
Itinuro siya nito na para siyang isang criminal.
"Aha! Namimingwit ka. Akala mo siguro, hindi ko papatulan, 'no? Miss, para sa kaalaman mo, ikaw lang ang pinaga-aksayahan ko ng panahon kahit na natatakot ako'ng magka-bukol na naman. Aba, kung alam mo lang kung ilan ang nakalinya sa jeep ko tuwing umaga. Pero sayong-sayo ako. Walang bayad."
Nairolyo niya ang mata niya. Hindi niya pagdududahan iyon. Noong unang araw niya ay puro babae ang bumabati dito. Impertinente!
"And why is that again?" hindi niya maiwasang itanong. Lumapad ang ngisi niya.
Kinulbit nito ang dulo ng ilong niya. "Sumosobra ka na, hija. Sinabi ko na sa'yo kagabi. Don't make me go about the topic again. Ang aga-aga, baka 'di na kita ilabas ng bahay."
Sa kabila ng pag-iinit na naman ng pisngi niya ay ang paghagikgik niya. She didn't know why she felt bold whenever she was with Dojo. She was flirting with him. Sa ibang pagkakataon ay mahihindik siya sa ginagawa niya. Pero kay Dojo, parang napaka-natural ng lahat ng bagay.
"And what's stopping you again?" tuloy siya sa panunukso.
Naningkit ang mga mata nito. "Tease! Halika ka nga dito!"
Nang akmang dadakmain siya nito ay natatawa siyang tumayo at nanakbo palayo dito. Nang habulin siya nito ay mabilis siyang pumasok sa kwarto at ini-lock ang pinto. Narinig pa niya ang malakas na tawa ni Dojo sa kabilang bahagi ng pinto.
"Nasa'n na ang tapang mo, Miss Alarva? Lumabas ka dito!"
She knew she had no right to laugh out loud. But she did anyway.
BINABASA MO ANG
Strange and Beautiful
Romance"Nagka-near death experience yata ako nang magising ako na wala ka." Hindi inaasahan ni Prezzy na ilang araw pagkatapos mag-propose sa kanya ng nobyo niya ay mahuhuli niya itong katalik ang sekretarya nito sa loob mismo ng opisina nito. Sinunod niya...