"Akala ko ba, magbabakasyon ka dito? Bakit nagta-trabaho ka?"
Napatingin si Prezzy sa pigurang umupo sa tabi niya sa porch ng bahay. She wondered just where did the sudden eratic beating of her heart come from when she smelled Dojo's fine scent. Sinilip nito ang nakabukas na MS Word sa laptop niya.
Bahagya siyang umisod palayo dito. Goodness, nakaka-addict ang amoy.
"In-e-encode ko lang 'yung mga pamamasyal natin kanina. Konti na lang naman." Madaling araw na pero masarap ang simoy ng hangin sa probinsya kaya sa labas siya nag-trabaho.
Nagulat siya nang dumukwang ito sa kanya. Pagkatapos ay pinindot nito ang close button ng MS Word. Nanlaki ang mata niya.
"Doroteo Jose!"
Tumawa ito. "Kaya nga bakasyon. Magpahinga ka na muna. Ilang araw lang naman, eh. Balita ko naman, may mga tauhan ka naman na pwedeng utusan."
Naningkit ang mata niya. "You make it sound like I'm the president of a company or something."
"You will be," kaswal na sabi nito. "Joseph Fonacier Jr. Hindi ba at siya ang presidente ng AC Beverages?"
Nang mangunot ang noo niya ay inginuso nito ang laptop niya. Noon lang niya napansin na wallpaper pa niya ang litrato nilang dalawa ni Jake. Hindi na siya magtataka kung kilala ito ni Dojo. Galing si Jake sa kilalang pamilya. Bukod pa sa laman ang mukha nito ng mga society pages.
Si Jake mismo ang nag-set ng litrato para maging wallpaper niya iyon. Napangiwi siya. Hindi pa siya ready na makita ang mukha ni Jake. Kahit pilit niyang sinasabing 'okay lang' ay hindi pa rin mapigilang sumagi sa utak niya ang kataksilan nito. Sa inis ay pabagsak niyang isinara ang lid ng laptop.
Naramdaman niyang matamang nakatingin sa kanya si Dojo.
"What?" angil niya dito. Nagpa-palpitate pa ang puso niya sa ginagawang pagtitig nito.
"Bagay kayo."
Hah! "Yeah. Lagi 'yang sinasabi ng lahat."
Umarko ang kilay nito. "Bakit? Hindi ba ganoon ang tingin mo?"
Nangalumbaba siya. Suddenly, she wanted to pour her woes to someone. Siguro ay dahil maliban kay Mari ay wala siyang ibang pinagsabihan. Hindi rin naman siya magtatagal dito kaya mabuti na 'yung mag-iwan man lang siya kay Dojo ng problema. Magaan na ang loob niya dito.
"I don't know. Alam ko lang, siya ang nararapat para sa'kin. Kung hindi ba, hindi ako tatagal sa three years naming pagiging magkasintahan. Wala naman akong maiireklamo sa kanya. He's everyone's dream guy."
Maliban na lang sa isang beses na nahuli ko siyang nagtataksil. Huminga siya nang malalim.
"Ewan. Nang mag-umpisa ang engagement namin, pakiramdam ko ay bumaliktad ang buhay ko bigla. Three hundred sixty degrees. Complete turn. Hindi ko alam kung normal lang ba itong maramdaman."
"Ang alin? Para kang hinatulan na mabaril sa Luneta?" mahinang tanong nito.
Nagulat siya sa sinabi nito. Kaagad niya itong nilingon. "W-what are you saying?"
Itinukod ni Dojo ang dalawang palad sa likod nito at tumingin sa malayo.
"Hmm. Wala naman. Nag-o-obserba lang ako. Makinang ang suot mong singsing. Pero hindi kasing-kinang niyon ang mata mo kapag binabanggit mo ang fiancé mo. I'm thinking that maybe, you don't want this."
"Sinasabi mo bang napipilitan lang ako dito? Na hindi ko alam ang ginagawa ko?" mataray niyang tanong dito. Damn this guy for insinuating that she didn't know what was best for her!
BINABASA MO ANG
Strange and Beautiful
Romance"Nagka-near death experience yata ako nang magising ako na wala ka." Hindi inaasahan ni Prezzy na ilang araw pagkatapos mag-propose sa kanya ng nobyo niya ay mahuhuli niya itong katalik ang sekretarya nito sa loob mismo ng opisina nito. Sinunod niya...