Pinanood ni Dojo si Prezzy nang pumasok ito sa kwarto nito. Lumingon pa ito sa kanya at nginitian siya bago tuluyang nawala sa paningin niya.
Sinupil niya lahat ng pagnanasang hapitin ito at halikan hanggang sa pareho na silang naghahabol ng hininga. Ang mga labi nito ay ang pinaka-nakakalasing na alak na natikman niya. Hindi niya alam kung paano niya nagawang pairalin ang mga matitino niyang kaisipan para hindi ito angkinin ng mga sandaling iyon. He knew she was more than willing to. He could see it in her eyes that she wanted him.
She kissed as if she had never been kissed before. Hindi katulad ng inaasahan niya ay nananantiya ang mga halik nito. Oh, she was wild and passionate. But he could swear it was her instincts that made her return his kisses. Ginagaya lang nito ang ginagawa niya at nagpapaubaya sa kanya. Na lalong nakapagpalito sa kanya. Surely, her fiancé had kissed her like that and more. Tumigas ang mukha niya sa kaisipang iyon.
Ano ba 'tong pinasok niyang gulo? Alam niya namang hindi magtatagal si Prezzy sa lugar na 'to. Sa nakikita niya, wala naman itong balak ding magtagal sa lugar na iyon. Isa pa, hindi ba at may naghihintay din sa kanyang trabaho? Sa ginagawa niya ay pinapagulo lang niya ang lahat.
"I swear you're driving me crazy, Prezzy," he muttered in resignation.
The moment he kissed her and allowed his feelings to take over, he knew he was a dead man. Ramdam na ramdam niyang parang may taling bumubuhol sa puso niya. Nasapo niya ang ulo.
Captain, the boat has sunk!
BINABASA MO ANG
Strange and Beautiful
Romance"Nagka-near death experience yata ako nang magising ako na wala ka." Hindi inaasahan ni Prezzy na ilang araw pagkatapos mag-propose sa kanya ng nobyo niya ay mahuhuli niya itong katalik ang sekretarya nito sa loob mismo ng opisina nito. Sinunod niya...