"Oh, bakit ang layo mo? Lumapit ka dito. Baka sabihin nila, inaaway kita," reklamo ni Dojo kay Prezzy.
Naiilang pa rin siya nang lumapit kay Dojo. Tiningnan niya ang paligid. Kakaunti lang ang tao sa tabi ng batis na iyon. Hindi iyon pribadong lugar. Pero hindi katulad sa Manila, malinis na malinis ang batis. Para siyang first time na nakapunta sa camping site.
Kanina lang ay ipinakilala siya nito sa mga jeepney drivers na kasamahan nito. Para daw walang sumanto sa kanya kapag nalaman ng mga ito na si Dojo ang makakatalo ng mga ito. Maiinis siya sa ibang pagkakataon dahil napaka-territorial ng ginawa nito. But with Dojo, she found the gesture quite... sweet?
"Talagang ganito lang kayo dito?" aniya na ang tinutukoy ay ang ilang mga taong may kanya-kanya na ring pwesto sa mga batuhan. Nag-pi-picnic ang mga iyon.
Si Dojo naman ay nagpapa-apoy habang tila nagle-lechon ng mga isdang binili nila. Gumawa din ito ng ensalada kanina gamit lang ang Swiss Army knife nito na nasa jeep. Pakiramdam niya ay nasa Survivor siya.
"Ngayon ka lang naka-experience nito, 'no?" Nang mangunot ang noo niya ay inginuso nito ang heels niya. "Hindi gumagamit ang mga tao ng ganyan dito. 'Di uso 'yan at ta-tumbling lang sila sa batuhan." Nakita niya ang amusement sa mata nito.
Naiyukyok niya tuloy ang dalawang paa sa ilalim niya. Malay ba niyang nang sabihin nito na magta-tanghalian sila ay dadalhin siya nito sa batisan?
"O, tikman mo 'to," anito. Inabot nito sa kanya ang isang stick na may mga nakatuhog na paa ng kung anong maliit na manok.
Nagdududa niyang tiningnan iyon. "Wala niyan sa mga pinamili ko kanina."
"Dala ko 'yan. Tikman mo lang. Parang fried chicken."
Inabot niya iyon at matamang tinitigan. Pagkatapos ay inamoy-amoy niya iyon. Mukhang edible naman. Nang simulan niya iyong nguyain ay tila naghihintay si Dojo ng reaksyon niya.
"Masarap?" tanong nito sa kanya.
Tumango-tango siya habang ngumunguya. Lasa nga iyong fried chicken pero sigurado siya na noon lang siya nakatikim ng ganoong lasa ng meat.
"Ano 'to?"
"Palakang bukid."
Nanlaki ang mata niya. Ngayon lang talaga siya nakatikim ng palaka kahit na nga ba sinasabi ng iba na delicacy daw iyon. Bukod sa hindi siya papakainin ng mommy niya niyon ay lalong hindi si Jake na hindi kumakain kapag hindi sa five-star restaurant.
"Palaka talaga 'to?" Ngumuya ulit siya. "Infairness, masarap ha." Nang mapansin niyang nakatitig lang sa kanya si Dojo ay nagtaka siya. "What?"
Umiling-iling ito. Lumapad ang ngisi sa labi. Kumuha din ito ng isang stick at umupo sa harap niya. Pero habang ngumunguya ito ay pinapanood siya nitong kumain.
"Sorry pala dun sa kaninang umaga," biglang sabi nito.
Nang maalala ang nangyari kanina ay nag-init ang pisngi niya. Inirapan niya ito. "Quits lang dahil nakita ko na ang lahat sa'yo."
Ang lakas ng tawa nito.
"Alam mo, okay ka naman pala, eh. Akala ko, ikaw yung mga maaarteng taga-Maynila na ayaw na ayaw matabi sa mga jeepney drivers."
Sinuyod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi naman sa nanlalait siya. Pero hindi pa siya talaga nakakakita ng jeepney driver na kasing-gwapo nito. Kahit may mga bahid ng grasa ang pantalon nito ay mabango pa rin ito. Just looking at him made her heart tumble unsteadily.
"You don't look like one anyway," kaswal na sabi niya. Be still, my heart!
"Pinupuri mo ako, Miss? I'm shy," pa-sweet na sabi nito.
Nag-beautiful eyes pa ang mokong. Natawa tuloy siya. Parang naiintindihan na niya si Mari nang sabihin nito na nasa mabuting kamay siya kay Dojo. He was a good man. Pero kunsabagay, patunay na mabuting tao ito nang tulungan siya nito kahapon pa.
"Bakit na naman?" takang tanong niya nang makitang titig na titig ang magagandang mata nito sa kanya.
Ngumiti ito. "Sabi sa'yo, eh. Mas maganda ka kapag nakangiti."
To her horror, she felt her cheeks blushing. Hindi ka na teenager, Precious! But under Dojo's gorgeous eyes, she felt like one. Nag-concentrate na lang siya sa pagkain niya.
Si Dojo naman ay nag-umpisang magkwento tungkol sa iba't-iba pang lugar na pwedeng puntahan sa bayan nila. Malalaki at animated ang mga galaw nito na akala mo ay makasaysayan ang lahat ng sinasabi.
Being with Dojo the whole day made her realize how different her world was from him. Ang mundo niya ay puno ng standards at restrictions samantalang ang mundo ni Dojo ay wala ni maliit na tanikalang nagtatali. Kaya naman natagpuan na lang niya ang sarili na pinapakinggan ang lahat ng sasabihin nito.
BINABASA MO ANG
Strange and Beautiful
Romance"Nagka-near death experience yata ako nang magising ako na wala ka." Hindi inaasahan ni Prezzy na ilang araw pagkatapos mag-propose sa kanya ng nobyo niya ay mahuhuli niya itong katalik ang sekretarya nito sa loob mismo ng opisina nito. Sinunod niya...