Chapter Four

528 20 4
                                    

Na-alimpungatan si Prezzy nang makarinig ng malakas na boses ng tinig na kumakanta. Sandali siyang nakiramdam. May nag-vi-videoke ba sa labas ng bahay? Tiningnan niya ang cellphone niya. Alas-diyes na. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya habang nag-aayos ng gamit.

May ilang segundo muna ang lumipas bago nag-sink-in sa kanya kung nasaan siya. Napangiti siya. Ngayon niya tuluyang nararamdaman na masarap palang makawala sa hawla ng kwarto niya sa Manila pa-minsan-minsan.

"Lintik na pag-ibig, parang kidlat... Puso ko'ng tahimik na naghihintay, bigla mong ginulat..."

Doon siya napatuwid ng upo. Narinig pa niya ang tunog ng binuksang pinto sa labas ng kwarto na kinaroroonan niya.

Shit! Magnanakaw pa ata!

Kahit na kinakabahan siya ay pinakalma niya ang sarili. Sa isip niya ay paulit-ulit ang boses ng instructor niya sa tae kwan do.

Relax, Prezzy, Relax...

Kaagad siyang humagilap ng kahit na anong pwedeng gamiting pampukpok. Sa tabi ng pinto ay may dustpan na siyang ginamit niya nang mag-walis siya kanina. Kaagad niyang kinuha iyon habang sinisikap na hindi makagawa ng ingay.

"'Di ko man lang napansin ang iyong pagdating. Daig mo pa ang isang bagyong namuo sa malayo..." Prenteng-prente pa ring kumakanta ang pesteng magnanakaw na akala mo ay nasa videoke-han. Sa lagong ng boses nito, may sapantahan na siyang lalaki ito.

Talagang 'di mo mapapansin ang pagdating ko, you slime! Hinigpitan niya ang kapit sa dustpan habang nagpipigil ng hininga.

Nang bumukas ang pinto ng kwarto niya ay nakahanda na siyang ipukpok sa walanghiya ang dustpan. Pero nabinbin sa ere iyon nang matambad sa kanya ang pumasok. Tumutulo pa ang tubig sa katawan ng lalaki na marahil ay galing sa paliligo.

Broad shoulders... tight abs... lean hips... Mas maganda pa ang nakahain na katawan sa harap niya kaysa sa mga naglalakihang posters ng mga male models sa EDSA. Nang dumako ang mata niya sa "barrel" nito ay napasigaw siya. Kasabay ng sigaw niya ang sigaw din ng lalaki. Exhibitionist ang walanghiyang magnanakaw!

"Sino ka?!" Nanlalaki ang mata nito. Tila hindi nito malaman kung tatakbo o tatakpan ang sarili. "Paano ka---"

Hindi na nito natapos ang sasabihin. Kasabay nang isa pang tili niya ay ang paghampas ng dustpan sa ulo nito.

Strange and BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon