Chapter Seven

531 24 0
                                    

Nang kunin ni Prezzy mula kay Dojo ang cellphone ay nagdududa pa ang naging tingin niya dito.

"Anong sinabi sa'yo ni Mari?"

Nagkibit-balikat ito. Minsan pa ay idiniin nito ang yelo sa bahagi ng ulo nito na hinampas niya ng dustpan.

"Napagkasunduan namin na habang nandito ka ay sasamahan kitang mag-enjoy." Sinulyapan nito ang singsing niya sa kaliwang kamay. Gumuhit ang disgusto sa mata nito. "Hanggang sa bumalik ka na daw sa inyo."

"Okay lang sa'yo?"

"Bakit naman hindi? Walang kaso sa'kin na bantayan ka habang nandito ka."

Naningkit ang mata niya. Nainsulto siya sa paraan nito ng pagkakasabi na parang wala siyang kakayahang protektahan ang sarili niya.

"Hindi ko kailangan ng tagabantay," asik niya. "Anong gusto mong palabasin? Na lalampa-lampa ako at 'di ko kayang protektahan ang sarili ko?"

Natatawang itinaas nito ang dalawang kamay.

"Woah, Miss. Easy ka lang. Wala akong sinasabing gano'n. Lalampa-lampa ka pa ba sa lagay na 'yan, eh, nagkaroon ata ako ng concussion dahil sa hampas mo. Paano ba 'to..." Nagkamot ito ng ulo. "Ganito na lang. Basta kapag may kailangan ka, magsabi ka lang sa'kin. Para akong genie. Make a wish and it shall be granted." Malapad itong ngumiti sa kanya. Lumabas ang malalim na biloy nito sa magkabilang pisngi.

Pumitlag ang puso niya. Ang gwapo, shit! Tumikhim siya nang malakas. Hindi dapat mawala ang composure niya dahil lang gwapo ang future housemate niya.

"O sige. Payag na akong nandito ka." Tumaas ang kilay nito. Itinaas niya ang daliri niya. "Pero walang makikialam ng buhay ng may buhay. Nandito ako dahil gusto kong mag-enjoy muna."

Nagkibit-balikat ito. "Okay. Sinabi mo, eh. Ikaw ang boss. Ako lang naman ang dayo at nakikitira dito."

Nangunot ang noo niya sa sarkasmo na nasa tinig nito. "At isa pa, huwag kang maglalakad ng hubad habang nandito ako sa loob ng bahay. Sa susunod na gawin mo 'yon, hindi ako mangingimi na pukpukin ka ng vase kung kinakailangan. Sa lahat ng ayaw ko ay ang mga manyak na katulad mo. Sa oras na hawakan mo ako..."

Ito naman ang naningkit ang mata. "Iniisip mo bang gawain kong ibilad ang kaluluwa ko sa lahat ng mga magagandang babaeng makakasalubong ko? Hoy, hija, magkaintindihan nga tayong dalawa. Ako ang na-dehado sa sitwasyon natin. Nakita mo na ang lahat sa'kin, sinabayan mo pa ng hampas ng dustpan. At isa pa, naright-hook mo na ako kaninang tanghali. Nakakadalawa ka na, ah!"

Doon nagsalubong ang mga kilay niya. "Right hook?"

Ipinagkurus nito ang braso sa malapad na dibdib nito. "Nai-insulto na ako. Ako yung tinamaan ng kamao mo na dapat ay kay Bentong tatama. Ni hindi ka man lang nag-sorry at basta ka na lang nagwalk-out kanina."

Nang lalong magsalubong ang kilay niya ay pumalatak na ito. Nang lalong maningkit ang mga mata nito ay lalong naging prominente ang pag-itim niyon. Ilang babae na kaya ang nalunod sa mga magagandang mata nito?

"Grabe! Suko ang alindog ko sa'yo. 'Di mo ako natatandaan? Kanina sa karinderya, may lumapit sa'yo na lalaki at kinukulit ka. May tumangkang umawat sa gulo."

Unti-unti niyang nire-replay sa utak niya ang eksena kanina. Gutom na siya at naiinis pa siya na hindi siya makakain nang maayos. May matangkad na lalaking lumapit sa kanya na akala niya ay kasamahan ng matabang lalaki. Sa inis niya ay ginamitan niya iyon ng natutunan niya sa tae kwon do lessons niya.

Nang mag-sink-in iyon kay Prezzy ay nanlalaki na ang mata niya nang tingnan niya si Dojo. Tumaas na ang sulok ng labi nito. Itinuro nito ang kanang mata.

"Ito ang ebidensya. Nagmagandang-loob na nga ako, ako pa ang nabulilyaso."

Naguilty naman siya. Nagu-umpisa nang mangitim ang paligid ng kanang mata nito. At least, hindi naman pala masamang tao... Pero tinaasan pa rin niya ito ng kilay.

"Hindi ko na kasalanan 'yon. Haharang-harang ka, alam mo nang nagkakainitan kami. Kung ayaw mong madamay sa gulo ay huwag kang nakikialam."

Sa pagkabigla niya ay tumawa ito nang malakas. Naglabasan ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin nito.

"Wala na akong sinabi. Mukhang kailangan ko na lang talagang maghanda sakaling mapa-away ka na naman isa sa mga araw na 'to." Umiling-iling ito, gayunman ay hindi pa rin nawawaglit ang ngiti nito sa labi. "I guess this will be an exciting week for me after all."

Nangunot ang noo niya sa huling sinabi nito. Mabilis nitong inilahad ang kamay sa kanya.

"Ang dami na nating napag-usapan pero hindi ko pa naipapakilala ang sarili ko sa'yo. Dojo, Miss. Short for Doroteo Jose Molina. Thirty-one years old. Six flat. Ang gwapo mong housemate na hindi dapat maglakad nang hubad sa loob ng sarili niyang pamamahay dahil mababato ng vase nang wala sa oras." Punong-puno ng kaaliwan ang tinig nito.

Tinanggap niya ang kamay nitong nakalahad sa kanya. Her nose caught the faint smell of a mixture of soap and shampoo. Napansin niyang nalunod ang maliit niyang kamay sa kamay nito. Magaspang ang kamay nito. She realized that everything about this guy was rough and rugged. Ibang-iba kay Jake na ultimo kamay ay malambot.

Teka, bakit ba niya ikinukumpara kay Jake ang lalaking ito? She must be nuts!

"Precious Alarva. But you can call me Prezzy."

"Precious." Nagrolyo ang pangalan niya sa dila nito na tila isang masarap na tsokolate. "Bagay sa'yo ang pangalan mo. Parang precious diamond."

"Diamond?"

"Sobrang ganda, pero sobrang tigas. Kapag ipinukpok ko sa ulo ko, mabubukulan ako."

Sa kabila ng lahat ay napangiti siya. Ngayon lang ata siya naikumpara sa isang dyamante. At ngayon lang din siya nakakilala ng lalaking sobrang straightforward kung magsalita. Sa mundo niya kasi kung saan importante ang katayuan sa lipunan, lahat ng mga tao ay tila aral na aral ang kilos. She and Jake were no exemption.

Pero itong taong ito ay parang si Mari na walang pakialam sa sasabihin ng iba basta masabi ang gustong sabihin. Iyon ang isa sa mga rason kung bakit nagustuhan niya si Mari sa kabila ng magkaiba ang sosyedad na ginagalawan nila.

Nagsalubong ang kilay niya nang manatili itong nakatitig lang sa kaniya.

"What?" she snapped.

Kumurap-kurap ito. Para itong natanggal sa isang trance.

"Ngumiti ka rin, finally." Napahawak ito sa dibdib nito. "Tumigil ata pagtibok ang puso ko nang tatlong segundo."

Umingos siya. "Kung magsalita ka, parang hindi ako marunong ngumiti."

Ngumisi ito. "I'll look forward to the coming days with you, my new housemate."

Hindi niya alam kung saan nanggaling ang excitement na naramdaman niya ng mga oras na iyon.

Strange and BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon