Paikot-ikot si Prezzy sa loob ng palengke. Hindi niya alam kung anong uunahin niyang bilhin. Napagtanto niya na hindi pwedeng nakikiharbat na nga siya ng tirahan, pati pagkain ay wala siyang nai-i-ambag.
"'Ganda! Dito, oh. Sariwang sariwa ang isda namin."
Lumapit siya sa babae. Sinipat niya ang tinda nitong mga iba't-ibang klase ng isda. Napansin niyang sinisipat-sipat din siya ng babaeng tindera. Nagbulung-bulungan na rin ang mga katabi nito na pawang lahat ay nakatingin sa kanya. Pagkatapos ay tiningnan nito ang high heels niya. Diskyumpyado siya sa klase ng ngiti ng mga ito. Mukha ba siyang first time nakatuntong sa palengke?
"Magkano ho ang kilo ng bangus niyo?"
Ngumisi ito. "One-fifty na lang sa'yo, Miss."
Itinaas niya ang ulo niya. "Eighty-pesos na lang ho."
Napanganga ito. Hindi ata nito inaasahan na makikipagtawaran pa siya.
"One-fifty, Miss."
"One-twenty lang ang kilo ng bangus, Manang," sarkastikong sabi niya. Ano baleng akala nito sa kanya? Hindi nanonood ng balita? "Kung papatungan niyo ng ganoon kataas ang presyo ng isda niyo, ikakalat ko sa mga kapitbahay ko na huwag nang bibili sa pwesto niyo."
Hindi ata nito kinaya ang pagtataray sa boses niya kaya nagpahinuhod ito.
"Sakto na nating isang daan. Bwena-mano ka naman," mabilis na sabi nito.
Itinaas niya ang noo at tiningnan ang mga katabing mga tindera na dagling nag-iwas ng mata. Napangisi siya. Hah! Akala niyo ha!
****
Kanina pa pinagmamasdan ni Dojo si Prezzy na nagpapa-ikot-ikot sa loob ng palengke. Kahahatid lang niya sa mga pasahero bago naisipang balikan ito. Diskyumpyado kasi siya nang magpababa ito doon para daw bumili ng makakain nila.
Paano ba naman, mukha itong magmo-model ng damit imbes na mamamalengke. Mayamang-mayaman ang hitsura nito, halatang hindi nakakatuntong sa pampublikong lugar. Mukhang first time nitong mapapasabak sa pamamalengke.
Pero siya ang napapangiwi sa pangunguripot nito. Ilang tindero at tindera na ang napakamot ng ulo kapag tumatawad ito na sinasamahan pa ng ngiti. Wala nang magawa ang mga ito.
"Ang daming nabibiktima ng ngiti mo, 'neng," napapailing na sabi niya.
Nang hindi siya makontento na pinapanood ito sa malayo ay nilapitan niya ito. Kinuhit niya ito sa balikat. Agad ang pag-aklas ng kamay nito, nakahandang mag-amok kung kinakailangan.
"Oh, teka. Easy lang, Prez," natatawang sabi niya nang gasino nang mailagan ang kamao nito. Ang liit-liit nito, ang tapang-tapang.
"Dojo!" bulalas nito.
He was amused by the childish tune to her greeting. One moment, she looked formidable. The next, adorable.
"Oo, ako lang 'to. 'Di mo kailangang mag-Chun Li. Nakakatakot ka, sa totoo lang."
Inirapan siya nito at nagpatiunang maglakad.
"Can't blame me. Akala ata ng mga tao dito, aanga-anga ako. Bakit ba may discrimination ang mga tao pagdating sa hitsura? Dahil naka-heels lang ako, balak na akong i-extort ng pera."
Napangisi siya at sinabayan itong maglakad. "Ngayon lang ata sila nakakita ng model na namamalengke."
Prezzy pouted irritatingly. "Model? Ang liit-liit ko, model? Nang-iinsulto ka ba?"
Lalong lumapad ang ngisi niya. Nakakaakit ang nakangusong labi nito na natatamaan ng sinag ng pang-umagang araw. Kapag hinalikan niya kaya ito, left-hook naman kaya ang mag-landing sa mukha niya? Behave, Dojo.
Napailing siya. Kinuha niya mula sa kamay nito ang mga supot na dala-dala nito. Mukhang nagulat pa ito at magpoprotesta pero mabilis na niyang binati ang mga pinamili nito.
"Ang dami naman nitong mga 'to. Kaya mo bang ubusin lahat 'to?"
"Dalawa naman tayong kakain, eh."
It was as simple as that. And yet he felt his heart lodged in his throat.
"Bakit pakiramdam ko ay ginagawa mo ang wifely duties mo sa'kin?" panunukso niya dito.
Agad na nagsalubong ang kilay nito.
"Is that what you think? Wifely duties..." Sandali itong nag-isip. "You're absolutely right. Kailangan ko ngang pag-aralan ang mga ito. When I get married..." Sadyang ibinitin nito ang sinabi. Wari ba ay biglang nagsink-in dito na maging isang huwarang maybahay.
Bakit ba niya naungkat-ungkat pa 'yon? He felt his blood rush to his head at the thought that the woman beside him was thinking of a man he hadn't even met. Padabog siyang nagpatiunang maglakad.
"Tara na! Ipapasyal pa kita!"
BINABASA MO ANG
Strange and Beautiful
Romance"Nagka-near death experience yata ako nang magising ako na wala ka." Hindi inaasahan ni Prezzy na ilang araw pagkatapos mag-propose sa kanya ng nobyo niya ay mahuhuli niya itong katalik ang sekretarya nito sa loob mismo ng opisina nito. Sinunod niya...