Prologue

85 4 2
                                    

"Be back next month to get your medicine and for your monthly check-up, okay?" My doctor said. I just nodded at nagpa alam na sa kanya.

Pinag-iisipan ko ngayon kung saan ako pupunta dahil hindi ko pa gustong umuwi. Wala naman sila mama at papa sa bahay dahil busy ang mga yun at wala akong bunsong kapatid na kailangan kong alagaan dahil ako mismo ang bunso.

Na miss ko tuloy sila kuya. Pero hindi ko nami-miss ang pag-aalaga nila dahil napaka over lalo na si Kuya Tsu, yung pinaka matanda samin. I just sighed.

I decided to call my bestfriend na nag-iisang kaibigan ko lang naman na si Xean. Habang naghihintay ay naglakad na ako papuntang elevator pero nakaka ilang hakbang palang ako ay napatigil ako dahil sa pamilyar na mukha na nahagip ng mata ko.

Napaisip ako kung siya ba talaga yun. Nabalik lang ako sa realidad ng sumagot na ang nasa kabilang linya.

[Y-yes? W-why are you napatawag?] Sabi ni Xean sa kabilang linya na parang kinakapos sa pag hinga.

"Nagwo-work out ka nanaman ba?" I asked. Napa sapo nalang ako sa nuo ko dahil halata naman ay nagtanong pa ako.

Kung ibang tao lang ako, masasapak ko rin yata yung sarili ko.

[Isn't it halata? You know naman na what yung daily routine ko. Like, dzuuh!] Na-imagine ko tuloy ang pag irap ng mata niya.

"Malay ko ba kung ina-atake ka ng hika mo. Mamatay ka pa diyan tapos ako pa ang huling kausap mo edi ako ang pagsususpetsahan. Like, dzuuuh!" I mimicked her after stating my alibi.

[You're so nakaka gigil talaga! Stop it. So why are you napatawag nga?] She asked again.

Napaka conyo niya talaga. Buti nalang di pa ako nahahawa sa kanya kahit sobrang isang dekada na kaming magkaibigan.

"Just wanna ask if you're free today and since nagwo-work out kalang naman, I already know the answer. Let's hang out. My treat." I said.

[Do I look like a pulubi naba talaga? I can buy my own naman like, dzuh. But okay fine. What time ba?] She asked. Napaka reklamador talaga eh papayag din naman.

"Now. Kakatapos kolang magpa check-up and wala pa akong balak umuwi since wala naman tao dun. Just gonna send you the deets. Bye." I ended the call and continued walking.

Nung nasa tapat ako ng elevator, tsaka ko napag-isipan kung saan kami ni Xean pupunta ngayon. I was typing ng biglang bumukas ang elevator kaya pumasok na rin kaagad ako at timing na walang tao. Pinindot ko ang Ground floor at sasara na sana ng biglang may pumigil dito kaya napatingin ako.

Nung nakita ko ang mukha niya ay agad akong natigilan. Natulala ako sa mukha niya at mukhang nabigla din siyang makita ako. Agad naman akong  bumalik sa realidad nung narinig ko ang tunog ng nahulog kong cellphone.

Holy shit. Pakshit!

Akmang dadamputin niya sana ito pero inunahan kona siya. Pumasok na siya sa elevator at pumunta sa kabilang gilid. Pareho kaming naka tingin lang sa harapan namin. Wala akong balak magsalita at sa tingin ko ay ganun din siya.

Pusang traveler naman! Bakit nakasabay ko pa 'to? At bakit parang ang tagal yata ng elevator bumaba ngayon? Nasa 15th floor kami kanina at nasa pang 14th palang kami. Bumukas ang pinto pero wala namang pumasok.

Pusang traveler! Sinong hinayupak ang pumindot nun sa 14th floor eh hindi naman pala siya marunong maghintay? Sumara ulit ang elevator at tuloy-tuloy na ito sa pagbaba ngayon.

Wala na bang mas ibibilis 'to? Huhu! Lord, beke nemen.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at parang na stress ako nung hindi na ito mag on. Napaka wrong timing naman nito.

Kahit ngayon lang, bumukas ka! I need you right now. Promise, after nito pwede naman kitang palitan agad pero gumana ka naman ngayon please! Pagmamaktol ko sa isipan ko. Feel ko ay magka salubong na talaga ang kilay ko ngayon.

Pwede din naman na may pumasok na ibang tao para naman may pumagitna samin dahil super awkward talaga ngayon. Kung pwede lang mag teleport nako ay gagawin kona talaga kaagad.

"Kamusta kana?" Tanong niya na nakapag patibok ng malakas sa puso ko at nagpa balik ng mga alaala nang nakaraan.

Limang taon na din pala ng huli naming pagkikita.

Limang taon ko na rin pala siyang pilit binubura sa isipan ko.


Okay naman na siya duon diba?



Kaya bakit?




Bakit pa siya bumalik?

Para ba saktan ako ulit?

Breathing for NicotineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon