Chapter 26

10 1 0
                                    

(Play this for the background music)

3 months. Exactly 3 months na siyang hindi nagigising. Tatlong buwan kona siyang hindi nakakausap. Araw-araw pinupuntahan ko siya sa hospital at kahit araw-araw ko siyang nakikita, miss na miss kopa rin siya.

His parents decided to take the risk. The operation was successful but he's in comatose. Wala din kasiguraduhan kung magigising pa siya at kung magising man siya, baka paralyzed naman siya.

"Happy monthsary, Baby." I said as soon as I opened the door. Nadatnan ko si kuya Nard at Xean duon.

"Ayos ah. Buti kapa alam na kayo na." Sabi ni kuya kaya siniko siya ni Xean.

"Can you please make hinto being insensitive?" Tinignan siya ni Xean ng masama. Kinuha ko ang nalantang bulaklak sa vase at pinalitan ito ng bago kong bili.

"Naririnig niya naman ako. Pabebe lang siya kaya ayaw niyang magising." I said, trying to cheer myself up.

"How's the studio? You're not making pabaya naman diba?" Xean asked. Nakaupo sila sa couch habang ako naman ay kumuha ng upuan para maupo sa tabi ni Veyn.

"Ofcourse not. Veyn won't like that kapag nagising siya." I looked at him. He doesn't have bruises on his face anymore.

Ang bilis lumipas ng mga araw. Hindi ko man lang namalayan na maga-anim na buwan na pala siyang walang malay. His dogs are with me. Kahit takot ako sa aso, I asked Victoria if I could take care of them and she agreed with me.

"Buttercup, Blossom, behave kayo dito ah? Bibisitahin lang ni mommy si daddy." Kinausap ko silang pareho. Mabait na sa akin si Buttercup kaya wala na akong naging problema sa kanila.

Nagdesisyon akong ako ang mag-alaga sa kanila para kahit papano ay maibsan ang lungkot ko. They reminded me of him.

Pagdating ko sa hospital ay nadatnan ko si tita Therese at Dr. Salvacion na nag-uusap. Tita Therese is crying and so does Dr. Salvacion.

"Are we really going to give him up?" Tita Therese asked Dr. Salvacion.

It's not my intention to eavesdrop but I just can't help it. Hindi pa ako tuluyang pumasok at hindi naman nila ako napansin dahil seryoso silang nag-uusap.

"He's not responding anymore. Kalahating taon na tayong naghihintay sa paggising niya. Kung gusto na niyang magpahinga, pagpahi---" I cut Dr. Salvacion off.

"Please don't give up on him." I begged as tears started to fall down in my eyes.

"But hija," lumuhod ako sa harapan ni tita Therese.

"No, please. Tita ilalaban natin siya. Panaigin niyo naman po ang pagiging magulang niyo." I said and grabbed her hands.

"Hija, tumayo ka na diyan." Inalalayan ako ni Dr. Salvacion sa pag tayo.

"No. Sabihin niyo muna sa aking hindi natin siya susukuan." His mom is crying as well. Lumuhod din siya at niyakap ako.

"I won't, hija. Sige, ilalaban natin ang anak ko."

Another month had passed at parang napanghihinaan narin ako ng loob. Gabing-gabi na ay nandito parin ako sa office. Ginagawa ko ang lahat para maging busy. Para sa ganong paraan man lang ay makalimutan kong nasa ospital siya at walang malay. Na parang hinihintay niya lang akong matapos sa gawain ko at dadalhin niya naman ako kung saan.

Breathing for NicotineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon