"Sacē! San ka ba nagpupunta? Hindi kita ma contact. Malapit na akong mag report sa mga pulis!" Bungad sa akin ni Lusigh pagka pasok ko ng unit ko.
"Veyn took me somewhere." Sabi ko at umupo sa couch. Hating gabi na pala. Ang bilis ng oras.
"Did he raped you? Oh my gosh!" Bakas ang paga-alala sa boses niya at umupo siya sa tabi ko.
"Gaga, hindi ganun si Veyn."
"Ay, so kusa mong binigay?" Sinamaan ko siya ng tingin dahil napaka malisyosa niya.
"Sex after marriage and I don't have plans on marrying him. Nagkaintindihan na kami. I already know the side of his story." Sabi ko. Medyo panatag na ang kalooban ko dahil alam kong hindi naman pala ako nagpaka tanga pero hindi ko mapigilangan na manghinayang.
What if he didn't chose me? Naging kami kaya? Hanggang ngayon kami pa rin ba? Or things won't work out?
"Ayy, so hindi kayo nagkabalikan?" She asked na parang nanghihinayang.
"May alam ka ba sa nangyari kanina?" Tanong ko at sinamaan siya ng tingin. She raised her brows at me.
"I already told you na wala nga! Pero sinabi ni Equinox sakin na sinadya niya daw ang pag alis kanina para mabigyan kayo ng time ni Veyn." Pag amin niya kaya napa buntong hininga nalang ako. Atleast nalaman ko ang side ni Veyn.
Buong byahe namin kanina ay nagkunwari akong tulog para lang hindi niya ako kausapin dahil hindi ko din alam kung paano siya haharapin. Hindi ko nga alam paano niya nalaman ang building ng unit ko eh hindi ko naman sinabi sa kanya kung saan.
The next morning, ang bigat ng pakiramdam ko. Parang wala akong lakas para bumangon kaya nagdesisyon akong huwag nalang muna pumasok sa trabaho. If kaya ko ay papasok naman ako pero ngayon, sobrang sama talaga.
Umalis na kanina si Lusigh dahil may aasikasuhin daw siyang importante pero babalikan niya naman daw ako mamaya.
There's no pain ofcourse pero parang antok lang talaga ang bumibisita sakin. I decided to go to the CR kahit hirap para umihi.
"Shit." This is the time of the month.
I opened the cabinet where all my girl's needs are located pero walang napkin. Naalala kong nakalimutan ko palang bumili. Kahit panty shield for temporary purposes sana wala din. Sira din ang cellphone ko kaya hindi ko mate-text si Lusigh or Xean para magpabili ng pads.
"Pag minamalas ka naman oh!" Inis kong sigaw.
Naglinis lang ako at nagdesisyon na bumaba sa 1st floor because there's a convenience store inside this building. Tinali-an kona lang ng jacket ang bewang ko para incase na tumagos ay hindi makikita. Naka pajama lang din ako.
May dugo din sa bedsheet ko. Hindi ko 'to napansin kanina dahil dire-diretso lang ako sa pagpasok sa CR.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Veyn na nakataas ang kamay na para bang magdo-doorbell sana.
(Play this for the background music)
"Veyn? What are you doing here?" Gulat kong anong.
"I was at your studio earlier pero ang sabi nila wala ka daw duon so naisipan kong baka andito ka pa. I brought breakfast." He said at tinaas ang dala niyang pagkain.
BINABASA MO ANG
Breathing for Nicotine
General Fiction-Medicus Series No. 1- Sacē Furry Lacosta is a person who cannot feel pain, literally. Physical pain isn't her enemy, but her self is. She's not only numb outside, but also on the inside. She's broken and lost until help come on its way, Nystagmus...