"Yo, Sacē ko." Sabi niya at binigyan ako ng napaka tamis na ngiti.
I rolled my eyes and closed the door pero pinigilan niya ito. Ang aga-aga pa pumunta na kaagad dito. Bumalik nalang ako sa kwarto ko at nahiga. Ang walang hiya, sinundan ako pati sa kwarto.
"Sacē naman, hanggang kailan ka ba ganito sa akin?" He asked.
Months have passed and he's still very persistent. Halos araw-araw niya akong pinupuntahan sa trabaho o di kaya sa unit. He always finds a way para malaman kung nasaan ako.
"Hanggang sa tumigil ka na sa kahibangan mo." Sabi ko at nagtalukbong ng kumot.
Madami na ang naga-akalang boyfriend ko siya. Pati sila mama at papa nagpapaniwala na din sa chismis.
"Anong kahibangan pinagsasabi mo? I'm trying to win you back." He said and sat on my bed. Sinipa ko siya dahil ayaw na ayaw kong may nakakapasok sa kwarto ko pero siya, at home na at home.
"Win you back mukha mo! Ako na mismo ang rinding-rindi sa pinagsasabi ko sayo." Pilit niyang kinukuha ang kumot ko.
"Edi ibahin mo! Sabihin mong mahal mo ulit ako. Simple as that hindi mo pa magawa." Tuluyan na niyang nakuha ang kumot kaya umayos ako ng upo dahil baka may gawin nanaman siyang kalokohan. Na trauma na yata ako sa kanya.
"Mahalin mo yung nakipag one night stand sayo. Ulol. Lumabas ka nga!" Utos ko habang nakakunot ang nuo.
Aaminin kong napapalapit na nga ulit ang loob ko sa kanya. It's hard to push someone away that's very persistent. Ang hirap din kasi sinasanay niya ako which is a very bad idea. Halos anim na buwan nang ganito ang set up namin kaya sino ang hindi masasanay?
Ayaw ko nang magka feelings ulit sa kanya. Ayaw kong mabuhay ulit yung ibinaon kona sa hukay kaya as long as he's there, tinutulak ko siya palayo pero mas lalo lang siyang nangungulit.
"Sacē, maga-anim na taon na akong El Niño for pete's sake! Lasing lang ako nun." Sabi niya.
"Edi makipag sex ka! Problema ba yun?" I rolled my eyes at him.
"Sige ba." Sabi niya at umaktong iu-unbuckled ang belt niya.
"My gosh, Veyn! Stop polluting my mind. Hindi ko naman sinabing sa akin." Sabi ko habang napa masahe sa sentido ko.
"Huh? Inaayos ko ang belt ko kasi mukhang nasobrahan ko sa sikip. Di ako makahinga ng maayos." I smiled a little because of what he said.
"Etong epekto mo. Naging malisyosa na ako." I shaked my head.
"Grabe ka. Ang saya mong pag trippan eh." Sabi niya at inayos na nga ang belt niya.
"Ah so trip lang din pala 'to?" I asked. It was meant to be a joke but he looked at me with a serious expression.
"God knows how serious I am with you." Sabi niya at tumayo na.
"Mag ayos kana. Magsisimba tayo." Pahabol niya pa bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Hindi naman na ako nagreklamo dahil may plano naman talaga akong magsimba ngayon. He told me that he's not an Atheist anymore. Siya pa nga ang nagyayayang magsimba o di kaya mag praise and worship.
This is the first time na magsisimba kami. Hindi naman ito ang first time niyang nagyaya pero everytime kasi na aayain niya akong pumunta ng church ay busy ako. Kapag magsisimba naman ako, hindi ko siya inaaya because I don't want him near me.
Pagkatapos kong mag ayos ay nagdrive na siya. Ilang church na ata ang nadaanan namin pero wala pa din siyang tinigilan.
"Ilang church na ang nadaanan natin. Saan ba tayo magsisimba?" I asked him.
BINABASA MO ANG
Breathing for Nicotine
General Fiction-Medicus Series No. 1- Sacē Furry Lacosta is a person who cannot feel pain, literally. Physical pain isn't her enemy, but her self is. She's not only numb outside, but also on the inside. She's broken and lost until help come on its way, Nystagmus...