Chapter 22

8 1 0
                                    

Wtf!

Napabalik ako sa realidad kaya dali-dali ko siyang sinundan. I yelled his name.

"Veyn!" Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin.

"Yes?" He asked as if nothing happened.

"Anong pumasok sa utak mo at ginawa mo yun?" Tanong ko habang nakakunot ang nuo.

"I told you that I'm giving you back what you gave me."

"And that's it? What makes you think na okay lang sakin yun?" Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko.

He's driving me madly crazy!

"Uhm, you gave me consent?" His statement sounded like a question.

"I didn't! I thought it was a thing, not a kiss." Sabi ko habang nakakunot pa rin ang nuo. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag ngiti niya kaya mas lalo akong nainis.

"Susumbong kita kay papa! Sexual Harassment ang ginawa mo." Sabi ko habang naglalakad pa din kami.

"Sure. Samahan pa kita." Sabi niya na parang hindi man lang nabahala.

This man is unbelievable!

"Nagbago ba ang isip mo?" He asked and opened the passenger's seat. Shoot. Para pala akong tanga na sunod ng sunod sa kanya dahil nasa tapat na pala kami ng kotse niya.

"I-i gotta go." I stuttered dahil nahiya ako. Aalis na sana ako when he trapped me with both of his arms dahilan para mapaupo ako sa passenger's seat. I moved backwards dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

"Sasama ka o hahalikan kita? You choose." He looked at me intently. Napalunok ako at tumayo ng kaunti.

"You really wanted to be kissed, then?" He grinned at me.

"N-nag aayos ako ng seatbelt." Mahina kong sabi at sinuot ko na ang seatbelt.

Pusang traveler. Wala akong kalaban-laban ngayon. Susumbong ko talaga siya kay papa!

"Good girl." He said and tapped my head as if I'm a dog.

Hindi ako makapaniwala na kasama ko ngayon sa iisang kotse si Veyn at mas lalong hindi ako makapaniwalang sumunod ako sa utos niya. Akala ko nga hindi na talaga kami ulit magkikita.

Pota. Sa sobrang takot kong halikan niya ako ulit napasunod niya ako.

He played a very familiar song. This is the only song na hindi ko dinelete sa playlist ko na galing sa kanya. He played this song when we went to Antipolo. It's my favorite song.

(Play this for the background music)

"This is not the way to my unit." Sabi ko nung na notice na hindi ito ang way sa unit ko. Hindi niya man lang kasi tinanong kung saan ako nakatira. Akala niya siguro nasa Villa pa din ako.

"Hey, I said this is not the way to my unit." Ulit ko dahil nanatili lang siyang tahimik na nagda-drive.

"I know."

"Alam mo naman pala pero bakit tuloy-tuloy ka lang diyan sa pagda-drive?" I asked and looked at him.

"Who told you that I'm taking you home?" Sabi niya habang hindi man lang ako tinitignan.

Breathing for NicotineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon