Chapter 21

7 2 0
                                    

"Sach, I'll meet you my boyfriend later." Sabi ni Lusigh kaya halos maibuga ko na ang kinakain kong burger ngayon.

"You have a boyfriend?" I exclaimed. Uminom ako ng tubig bago pa ako mabulunan.

"Kakasabi ko lang diba?" She said and rolled her eyes.

"Eh kung tinidurin ko kaya ang mata mo?" Sabi ko sa kanya. She rolled her eyes again. Hanep!

"Bakit hindi ko alam? Akala ko ba busy ka sa negosyo? Bakit hindi mo man lang sinabi na may natitipuhan kana pala? Prank ba 'to?" Sunod-sunod kong tanong kasi nakakagulat naman talaga.

"I'm done with the stupid pranks, Sacē. Sabi ko kasi ipapakilala ko lang sa inyo once na kami na." She said and looked at her newly polished nails.

"Kilala na ba ni Xean?" I asked at tumango naman siya.

"Bakit hindi ko alam? Unfair!"

"Kaya nga pinapa alam ko sayo ngayon diba? You were too busy for the past few weeks kaya I have no time to tell you. Alangan naman i-chat ko lang sayo diba? That's so not me." Sabi niya at kumain ng niluto niyang Shrimp Alfredo Pasta.

"Baka mag 3rd wheel nanaman ako niyan? Kanina kay kuya Nard at Xean ganyan ang nangyari eh." Sabi ko.

"Don't worry, he said he'll bring a friend with him para hindi ka daw ma out of place and please refrain from mentioning Xean's name. Naiinis ako ngayon sa kanya." Sabi niya.

Pinabayaan ko na lang sila ni Xean dahil alam kong magkaka ayos din sila. I don't even know bakit nagkatampuhan sila. None of them opened it up kaya I chose not to ask dahil alam kong pareho pa silang hindi ready pagusapan.

"Ay, ano 'to double date?" Sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

"Well, it can be. Hindi ka nakikipag date eh. May plano ka bang maging matandang dalaga?" Tinignan niya ako na parang kasalanan ko pang single ako.

"Adam needs to find Eve because she's a part of her. A man should find his wife, not the other way around." Sabi ko at nagpatuloy sa pagkain sa burger na luto niya din.

"Girl, galaw-galaw din pag may time. We're already in the 20th century. Baka may Lilith nang umaahas sa Adam mo kaya hindi ka pa din nahahanap."

"Edi dun siya! Kung hindi niya ako hahanapin bahala siya diyan." Sabi ko.

"Parang hindi ka nagpaka tanga kay Veyn ah? Parang hindi mo pinuntahan sa US para maki----" She said but I cut her off dahil nangilabot ako.

"Shut up! Don't let me remember." Sabi ko at tinakpan ang magkabilang tenga ko. Tinawanan niya lang ako.

My most memorable stupidity and embarrassment.

"Saan natin ime-meet boylet mo mamaya?" I asked.

"Casa La Del Barrio." She said. Naalala ko nanaman katangahan ni Xean at Kuya Nard years ago.

"Out of all places, why there?"

"Syempre para may banda and you know, just like the old times." She smiled.

Casa La Del Barrio, diyan ako natutong uminom dahil madalas kami tumambay diyan nung college kami. When we celebrate, diyan ang punta namin dahil malapit lang sa university. Kung may kailangan naman damayan or may heartbroken, diyan din kami kaya hindi talaga maiiwasang uminom. Ano ako, tutunganga lang sa kanila?

I got ready dahil malapit na mag 6 PM. Yun yung meeting time nila pero sabi niya, dahil babae daw kami kaya kailangan namin magpa late ng kaunti at para Filipino time daw. Nakaka stress siya magisip pero hinayaan ko na lang.

Breathing for NicotineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon