Sacē's POV
Binigay sa akin ni Veyn ang cellphone kong hiniram niya para tawagan si mama.
[Hello, Sacē] Bungad niya sa akin.
"Yup?" I asked.
[Sweetie, I just want to remind you something. I know that Veather must be really handsome but sex can wait okay? Bata ka pa kaya huwag muna.] She said kaya napasigaw ako ng wala sa oras.
"Mama!" Nabigla ang mga tao sa paligid ko pag sigaw ko kaya napatingin sila sa akin pati na si Veyn.
[Okay, fine. If you really can't wait, go ahead. Just don't forget to use protection.] Binaba ko na ang tawag dahil hindi ko na talaga kinakaya ang mga pinagsasabi niya.
Lumapit ako kay Veyn.
"I still got class in the morning." Sabi ko sa kanya.
Baka may quiz pa kami bukas. Di pa naman ako nakapag review kagabi. Ano nalang isasagot ko if ever nga na meron?
Nystagmus Veather Medicus lang sapat na? Titanic Baguio Version? Team SaNy for the win? SaNy magpakailanman? Amen, FuTher? Lacosta x Medicus wedding?
Pusang Traveler. I shaked my head to wash away my cringey thoughts.
After being happy, stress nanaman kakaharapin ko. Kaya ayoko maging masaya eh dahil may kapalit at eto nga, stress.
"Separate rooms ah!" I exclaimed kaya napatawa siya.
Never been kissed, never been touched kaya 'to. Inaalagan ko 'to eh.
"Goodevening, how much for 2 rooms?" I asked as we went close to the information area.
"14,000 pesos each room, Ma'am." The lady smiled at me pero napalaki ang mata ko.
14,000?! That's so impractical. Buti sana kung dalawa kami but separate rooms which makes it 28,000 pesos in total.
"We have a room with 2 Queen-size beds for an option, Ma'am. It's 17,000 pesos." The lady suggested.
"I'll pay for it. We'll have 2 separate rooms please." I-aabot na sana ni Veyn ang card niya kaso pinigilan ko ito.
"One room nalang. Dalawang kama naman eh." Sabi ko kahit nakakahiya.
Sobrang dami ko na kayang utang sa lalaki na 'to! Ako talaga sana ang magbabayad pero ayaw niya at inunahan na ako.
When we arrived at the room, the hotel staff handed the key to Veyn.
"Enjoy your stay, Ma'am, Sir." The hotel staff said before leaving.
Pumili ako kaagad ng kama ko at pinili ko yung malapit sa veranda. Binagsak ko ang katawan ko sa kama na naka dapa at pumikit.
Gusto kong magyosi. Iniisip ko kung ano ang mangyayari sakin bukas, kung ano ang kapalit dahil naging masaya ako ngayong araw.
Naramdaman kong kinimutan ako ni Veyn kaya napamulat ako.
"Sorry. Did I disturb you?" He asked. Umupo siya sa edge ng kama kaya umupo din ako.
"No, you didn't. May iniisip lang ako kaya pumikit ako." I said.
"You're not yet tired?" He asked me.
"Nope." I said and unconsciously, I sighed.
"Something's bothering you. Care to share your thoughts?" He said.
BINABASA MO ANG
Breathing for Nicotine
General Fiction-Medicus Series No. 1- Sacē Furry Lacosta is a person who cannot feel pain, literally. Physical pain isn't her enemy, but her self is. She's not only numb outside, but also on the inside. She's broken and lost until help come on its way, Nystagmus...