Pabalik-balik na yung ubo ko kaya nagdesisyon akong magpa check-up na. Umubo na din kasi ako nung phlegm na may kasamang dugo. Baka may sugat na yung lalamunan ko.Sa neurologist nalang kasi ako nagpapa check-up and that's Dr. Salvacion. It was a few years ago since I stopped going to my other doctors.
1 year. It's been a year already but Veyn's still not awake. Gustong-gusto na nilang isuko si Veyn pero ako, ayoko. As long as he's breathing, I will fight for him.
The doctor did some tests. Kinakabahan nga ako dahil baka may tuberculosis ako. Ang dami niya kasing tests na ginawa tapos ang dami niya pang tanong.
"Do you smoke?" The doctor asked.
"I stopped almost 2 years ago na po." Sabi ko at tumango naman siya.
After he did physical tests, he let me prepare for the CT Scan. Buti nalang hindi pa ako nakakapag breakfast kaya okay lang kumuha kaagad ng test.
I confessed that I have a CIPA kaya hirap siyang i-determine dahil nga ang symptom lang na nakita sakin ay yung ubo lang na may kasamang dugo. Hindi nga naman kasi ako nakakaramdam ng headache o kung ano pa. Buti na lang at sa Pulmonologist ako dumiretsong nagpa check-up.
"Tatapatin na kita, Miss Lacosta. I didn't see any wound in your throat. That's not the cause of your hemoptysis. As of now, we have to wait for the results of your CT Scan." He said kaya medyo kinabahan ako.
"Ano po ba yung posibleng sakit ko? Hindi naman po siguro ganun kalala diba?" I asked, kinda worried.
"There are many possible causes. It can be bronchitis, Pneumonia, tuberculosis, crack of cocaine pero hindi ka naman siguro gumagamit nun diba, hija?" He asked me. Napailing naman ako.
The following days, lumabas naman kaagad ang results but my doctor told me that I should go under biopsy in order to suck out some cells in my lungs.
"B-bakit po doc? Hindi pa po ba clear kung may problema po ako sa lungs o wala?" Nauutal kong tanong.
"The radiologist need to suck out some cells before I can give my final diagnosis." He said.
Kahit kinakabahan, I still dared to ask doc.
"What kind of biopsy should I go under to be exact?" I asked, trying my best for my voice not to tremble.
I graduated as a nursing student kaya alam ko kung gaano nakakatakot 'to. As long as I remember, 3 ang options for the biopsy sa lungs at lahat yun, wala akong gustong maranasan.
"You choose between Bronchoscopy or thru Needle. If you'll choose bronchoscopy, may ipapasok sa bibig pababa sa lalamunan mo until it reaches your bronchiole tubes." Napalunok ako sa sinabi ni doc.
"On the other hand, in Transthoracic Needle biopsy, the needle will be inserted at your back through your chest wall."
Putangina. Pwedeng 'or'? Ayaw na ayaw ko sa needle. Sobrang haba ng needle na ginagamit dun kaya kahit may local anesthesia, ayoko. Baka mag collapse yung lungs ko kapag mali yung pag insert.
Kung bronchoscopy naman, may mga cases na nagkaka infection or shortage of breathing kaya namamatay.
Trust issues.
"May pampatulog po ba kapag thru needle doc?"
"Yes, you'll be injected with a local anesthesia and sedation for you to feel comfortable. So, what would you like?" He smiled at me.
'Wala po, doc. Takot ako dahil sa sobrang laki ng karayom.' Yan yung gusto kong sabihin but I just sighed.
"Needle Biopsy po."
BINABASA MO ANG
Breathing for Nicotine
General Fiction-Medicus Series No. 1- Sacē Furry Lacosta is a person who cannot feel pain, literally. Physical pain isn't her enemy, but her self is. She's not only numb outside, but also on the inside. She's broken and lost until help come on its way, Nystagmus...