Chapter 4

19 4 0
                                    

Nystagmus Veather Medicus: I'm here. Where are you?

Jusko po! Ang aga naman ng lalaking 'to eh may klase pako?

Sacē Furry Lacosta: 30 minutes. My last subject's not yet done.

I kept my phone after I replied. 30 minutes passed by so fast kaya dali-dali akong lumabas ng classroom namin dahil ang usapan namin ay sa tapat ng school niya ako hihintyin. Pupunta kami ngayon ni Veyn sa isang angel themed café.

Pumayag nalang din naman ako pero ang sabi ko ay isasama ko si Xean. I don't want him to think it's a date. Magbabayad lang talaga ako ng utang and hindi naman siguro siya masamang tao na dadalhin nalang kami ng kaibigan ko kung saan-saan since we had some encounters.

Habang pa baba ng hagdan ay kinuha ko ang cellphone ko para i-check kung sino ang message. Nag vibrate kasi 'to kanina pero hindi kona tinignan pa dahil nagle-lecture ang teacher namin sa harap. Baka makita pa ni Lusigh at isumbong nanaman ako. Pabida yan masyado eh.

Nystagmus Veather Medicus: I'm here at your school's parking lot. Message me if you're done. Tulog muna ako.

Kumunot ang nuo ko dahil sa nabasa. Hindi naman ito ang usapan namin. Ayaw ko pa naman na may makakita sa kanya. Hindi dahil sa baka may magka crush sa kanya dahil sabik sa lalaki ang mga estudyante dito pero ayaw ko lang magkaroon ng issue lalo na at 1 month nalang graduate na ako.

Sacē Furry Lacosta: Saan ka? Ano color ng sasakyan?

Pagka send ko ay may kumalabit sakin.

"Tara na." He said bago humikab.

Kumunot ang nuo ko ng lumabas siya sa school. Akala ko ba dito siya sa loob naka park? Sumunod nalang ako sakanya at naglakad siya ng naglakad.

He's wearing a plain fitted black t-shirt dahilan para makita ng mabuti ang shape ng katawan niya at naka tattered boyfriend jeans paired with plain white Alexander McQueen shoes.

Anak ng tokwa. Richkid ampota.

Sunod lang naman ako ng sunod sa kanya at lumiko siya sa may isang kanto.

"Lalakarin lang ba natin?" I asked.
Di ko alam kung ano ang plano netong nasa unahan ko.

Huminto siya at humarap sakin.

"We're here." Sabi niya at tinuro ang coffee shop sa gilid.

Namangha naman ako sa exterior design nito. It's really an angel themed café. Not the ones we see on cartoons or pabebe types na movies but this one is dark. Parang fallen angels na type.

"Is this new?" I asked him. I've never been in this place before.

"Nope. I always go here. Hindi kapa ba nakaka punta dito?" He asked.

'Malamang hindi pa! Maninibago ba ako kapag naka punta na?' Yan sana ang gusto kong sabihin sa kanya pero it just stayed inside my mind.

I shaked my head as a sign of no.

"This coffee shop is only few meters away from your school but you don't go here?" He asked in disbelief.

'Ulit-ulit ka sir?' I wonder if Xean knows this place. Kung kelan ga-graduate na ako saka kopa na discover ang lugar na 'to.

"Well, this is a hidden gem after all." He said as he pulled the tinted glass door for me.

Gentleman.

Nung makapasok kami ay kaunti lang ang tao but everyone here looks professional. May mga naka suit, meron ding naka simpleng damit lang but they look stunning and elegant. Dala na rin siguro ng place.

Breathing for NicotineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon