Chapter 14

13 2 0
                                    

Nasa dining table kami ngayon naghihintay matapos maluto ang pagkain. Nandito na din si papa. Hindi ko sinabi kay mama ang nangyari sakin ngayong araw at sumabay na lang din ako mag dinner para hindi nila mahalatang something's wrong with me. Mabilis pa naman sila maka halata.

After dinner ay umakyat kaagad ako para i-check ang cellphone ko pero wala pa ding message mula sa kanya.
Nagtaka ako kung bakit hindi pa din nagcha-chat si Veyn ngayong araw. He must be really not well if that's the case.

Napatanong tuloy ako sa sarili ko kung may nag-aalaga kaya sa kanya dun? Hindi naman siguro siya nagkasakit dahil sa kape na tinimpla ko kahapon diba?

What if ako nga ang dahilan? Fuck.

Kahit nahihiya ako ay I went to mama and papa's room but I only found papa sleeping. Pagod talaga siguro siya dahil sa kasong inaasikaso niya ngayon. I heard papa's case right now has something to deal with drugs.

I went to mama's office at nakita kong nakabukas nga ang ilaw nito. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Yes, sweetie? Do you need anything?" She asked without looking at me. Nakatuon kasi ang atensyon niya sa substance na mini-mix niya. Her office is her lab as well kaya malaki ang space ng office niya compared kay Dad and kuya Tsu.

"I just want to ask something." I walked towards her.

"What is it? Oh shit." Napamura siya nung nasobrahan ang pag drop niya ng substance sa isa pang substance.

"Does Veyn live with his parents?" I asked and she looked at me. She stopped mixing and put it on the table. She walked towards me because I'm sitting on the navy blue couch. It's her favorite color.

"Her mom and I hang out the other day. Her step-sister is living with them but I'm not sure about him. Why did you ask?" Tanong niya at binigyan ako ng makahulugang ngiti.

"Nothing, Ma. I'll go back to my room. Goodnight." I kissed her cheeks and was about to go out of the room when she blocked my way.

"Wait. Do you like him?" Tanong niya at ngumiti.

"What are you talking about, Ma? Babalik na ako." I said pero pinigilan niya pa rin ako makalabas.

"No, young lady. Sit there." Sabi niya at tinuro ang couch. I rolled my eyes pero sinunod ko pa din ang utos niya. She sat beside me.

"C'mon. Tell me if you like him."

"Ofcourse, not!" Depensa ko pero tinaasan niya ako ng kilay.

"Umamin kana kasi." Pangungulit niya.

"Why would I? Wala akong aaminin, Ma."

"Okay then. Hindi ka pwedeng lumabas hangga't hindi ka umaamin." Sabi niya at umayos ng upo.

Why does it seems like I'm a culprit?
Napabuntong hininga ako at umayos na din ng upo. Bahala siya diyan. Edi walang lalabas.

"Freeze ko account mo. Sige ka. Ayaw mo talaga umamin?" She said and crossed her arms.

Hindi ko na talaga kinakaya ang nanay ko!

"Okay, fine. Crush ko siya ng very slight." I said. This is the first time umamin ako kay mama na may crush ako.

She screamed kaya nagulat ako.

"Oh my gosh! Dalaga na ang anak ko. Halika nga dito. Kiss ka ni mama." Ngumuso siya sa akin. Buti na lang at soundproof ang office niya dahil kung hindi, gising na si papa ngayon.

Breathing for NicotineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon