Chapter ThreeIt’s Monday morning and nakasabay ulit kami sa jeep at magkatabi pa. Amoy na amoy ko rin ang pabango niya dahil nagsisiksikan na naman ang pasahero. Wala na ngang space bakit ba ang tanga ng konduktor sinasabi na lima pa daw ang kakasya!
“Ang pag-ibig parang jeep lang ‘yan. Kung hindi kasya ‘wag pilitin!” Napatingin ako kay Drew at ang lapit lapit niya sa akin. Ang isang kamay niya ay nararamdaman ko na sa likod ko. Ang gago talaga to, anong connect ng sinabi niya?
“Corny mo boy.”
Pinagpawisan ako kahit maaga pa. Nak naman oh! Eto talaga ang pinakakahate ko, ang siksikan! Nagmukha kaming sardinas dito! May kinuha si Andrew sa bag niya at towel iyon. Pinunasan niya ang pawis ko at nilagay sa ligod ko. It’s okay naman. I have sando.
Hindi ako masyadong makagalaw kaya inis ang katabi ni Andrew dahil galaw na galaw siya.
“Ano ba ‘yan! Ilugar naman sana ang paglalandi!” Rinig kong rant ng katabi niya.
Excuse me, hindi kami naglalandian.
Hinawakan naman ni Andrew ang kamay ko at kinuha ang pangpusod ko. Sinikop niya ang buhok ko at pinusod at may pabulong bulong pa.
“Buhok mo, lasang spaghetti. “ He said sarcastically. Umirap lamang ako.Bakit ba kami nagsabay ngayon? Hindi naman kami close!
Napatingin ako sa harap at may ngumingisi samin ang mga college students na taga West. They giggled at nagbulung bulungan. Maraming namamatay sa mga bulong bulong girl.
“Sweet.”
“Sana all.”
“Captain, Ri. Hehehe”
Ano daw?
Natawa naman si Andrew at inakbayan pa ako. Siniko ko siya pero hindi niya inalis ang akbay sa akin.Pokpok rin ang isang ito.
He paid my fare. Sabi niya kung sabay kami ililibre niya ako para daw mabayaran ang inilibre ko sa kanya. Pangit niya. Bukas hinding hindi na kami magsasabay.
Bakit ko ba kasi hinahayaan ko lang?
Dahil Monday, may flag ceremony. Pero yung naabutan ko na lang ay ang kumakanta na nang loyalty song. Well, dahil nga senior high ako hindi ako sinita ng CAT dahil grade 10 sila at Grade 11 ako. Pero they didn’t know same age lang kami. Natawa ako sa isip ko.
Pagdating ko ng room ay nagaaway ang mga kaklase ko dahil sa pinagbobotohang booth. Maraming nag sa-suggest ng street food pero para lang daw sa ABM yun. Meron ding merchandise ng mga kpop pero mahal daw. But in the end, when I raised my hand to suggest a photobooth plus printing humanista quotes or personalized such as caps, mugs,handerkerchief and of course T-shirt. They just all agreed.
May classmate kami na may camera na at tripod. Magaambag na lang kami ng photopaper at sa mga expenses para sa bibilhin na T shirt at iba pa. Dahil may nag volunteer na sa design ng photobooth, tent, at printer. Yaman naman ng classmates ko ah.
“I will invite yung ka chat ko sa ISA! For sure he will bring his other classmates! Open naman diba ang school every foundation day?” si Angel na nagliliptint.
“Malamang. Paano tayo papasok kapag nakasarado diba?” Bored kong sagot at nagtaas ng kilay sa kanya. Nakalumbaba kasi ako at pinagmamasdan lang siya. Inangat niya yung baba ko at nilalagyan ako ng liptint.
“Invite mo rin bebe mo. For sure he will also bring his friend. Or blockmates.” She just shrugged at nilalagyan na ako ng mascara. Regalo ko lang naman sa kanya yan last Christmas. I have lots of make ups at home but I’m too lazy to bring one at school. Meron naman si Angel at ka research groupmates ko.
BINABASA MO ANG
Torn Apart
RomanceThis is Iloilo Series #1 It's just a simple story of two people who falls in love and then fell apart. A student from Iloilo National High School and University of Iloilo coincides in such a very wrong time to fall in love. And after for how many...