It's so awkward! Tahimik lang kaming dalawa ni Andrew hanggang sa makarating kaming dalawa sa Festive. Lumabas ako kaagad at pumasok sa store ng BMW na sasakyan. Sumunod naman siya sa 'kin.
Agad niyang hinawakan ang baywang ko habang tumitingin ako sa mga design ng sasakyan.
"You want to buy a car? I can drive you, instead." He said. Kinuha ko ang kamay niya sa baywang ko at hinarap siya.
"Hindi ko alam na pangarap mo din maging driver?" Ngisi ko. Ngumiti din siya sa 'kin.
"Why not? Kong ikaw lang naman ang ida-drive ko?" Nawala ang ngisi ko at napalitan ng pagkakunot ng noo.
Nilalandi niya ba ako? Mabuti na nga 'to. Hindi na ako mahihirapan na habulin siya.
May lumapit sa akin na namamahala dito. Tinatanong kong ano daw gusto ko. Kaya sinabi ko na ang itim na BMW ang nagugustuhan. Installment naman ang bayad pero nagbayad ako ng medyo malaki para hindi na malaki ang bayad for the next month.
Nasa counter na ako para magpirma sa mga papeles na lumapit naman si Andrew at tumingin tingin sa mga pinipermahan ko.
"Magkano?" Nilingon ko siya.
"Bakit bibili ka din?" Tanong ko.
"Babayaran ko ang binili mo." Napaawang ang labi ko. Magkano ba sweldo nito at parang ang yaman yaman na niya?
"Nabayaran ko na ang half. Don't worry." I told him.
"Then let me pay the half." Inis ko siyang nilingon.
"Tatay ba kita? Bakit ba ang kulit mo! Binayaran ko na nga!" Medyo naging sweet ang boses ko dahil pabalik balik ang tingin ng manager sa amin. Baka akalain nito na magasawa kami.
"I'm your boyfriend!" He spat. Pinanlakihan ko siya ng mata. Ayaw ko na gumawa kami ng eksena dito kaya hinayaan ko siya sa gusto niyang mangyari.
Sa kanya na lang ako magbabayad kong ganoon.
"Kayo po ang first time na customer na nag full paid agad, Maam." I just smiled with the manager.
I glanced at Andrew. "Let's go?" He nodded at inalalayan ako na lumabas. Pagkalabas namin ay nakapamaywang ako na nilingon siya.
"Ang pakielamero mo talaga, no? Sabi na binayaran ko na. Babayaran kita sa half. Bigay mo sa 'kin account number mo." Mahinahon kong sabi.
"Fine but with one condition." I raised my brow to him.
"Can I court you?" Nanliit ang mata ko sa sinabi niya. Pinipigilan ang ngiti. Umiwas naman ang tingin niya.
Bibigay din naman pala.
"Ha! Parang kagabi lang na galit na galit ka sa 'kin tapos ngayon manliligaw ka? Kong ganun ede sige."
Shet. Bigla akong namula sa walang preno kong sinabi pero tinalikuran ko na siya at sumakay sa bagong bili kong sasakyan. I don't want to see his reaction. He must be amused!
Nakakahiya ka self. Nagmukha ka nang desperada.
I drive myself on my way to SM City. I'm going to buy a cake and gift there. Hindi ko na nakita na nakasunod na si Andrew sa 'kin. Bahala na siya sa buhay niya.
Nagpark lang ako sa likod at lumabas. Dumiretso ako agad sa isang cake shop dito sa loob at bumili ng cake.
Mahilig si Ryan sa mga sapatos kaya nagpunta ako lang ako sa Nike na shop at bumili ng latest nila. Nag take out lang din ng pagkain dahil sa condo na 'ko kakain. Bumili rin ng milk tea sa Gong Cha kasi si Lee Dong Wook ang standee nila sa labas.
BINABASA MO ANG
Torn Apart
RomanceThis is Iloilo Series #1 It's just a simple story of two people who falls in love and then fell apart. A student from Iloilo National High School and University of Iloilo coincides in such a very wrong time to fall in love. And after for how many...