Chapter Twenty Two

77 5 1
                                    


(Click and play the attached song above to feel this chapter! Thank you for reading!)

Sa buhay hindi talaga natin maiiwasan na may masasaktan sa mga desisyon natin sa buhay. Parte na rin siguro ang ng buhay nating mga tao na masaktan.

Kung hindi ba tayo masasaktan, matututo ba tayo? Kung hindi ba natin mararanasan ang kahirapan magiging matiyaga ba tayo? Hindi. Dahil kung hindi natin ito mararanasan ay hindi tayo matututo sa buhay.

Our mistake is one of the reason why human being becomes a better version of themselves. It doesn't make you a less person but it will leave you a lesson that you wouldn't forget and it will make you stronger.

It's already April and it's our graduation day. Good thing I graduated With High Honor and mom and dad were so proud of me. Si Ida, Feliz, at Joy pati na rin ang driver namin ang nag attend sa graduation ko.

"Congratulations, Graduates!" The emcee announced.

"Congratulations guys!" I smiled to my friends. Nag picture lang kami habang pinapakita ang medal namin.

"Omg! Can't believe! We survived high school!" Si Angel na niyayakap ako. I hugged her back. Patuloy lang kami sa pag pipicture.

"Ma'am! Congratulations!" Sigaw ni Feliz na may bitbit pang bouquet!  Sa likod niya ang driver namin na si Kuya Reynald, Ida at Joy.

"Xie, una na kami. Andiyan na si Mama. Dinner lang kami." Ngumiti lang ko sa mga kaibigan ko na nagsipuntahan sa mga magulang nila.

"Ma'am picture tayo! Congrats yiii college ka na!" Kiniliti pa ako ni Joy at niyugyog. She even punched my cheeks!

"Congrats, Kira. Graduate kana!" Si Ida na niiyak at niyakap ako. "Bata ka pa at iniwan nang ka ng magulang mo kaya parang ako na yung natayong nanay mo. Hindi ako makapaniwala na graduate ka na." Nagsimulang umiyak si Ida.

Umiyak na rin ako. Ganun din sina Joy at Feliz. Yung driver namin ay namumula lang yung mata.

"Sa mga nagdaan taon. Para akong nagkaroon ng anak dahil sa pagaalaga ko sayo. Tatlong graduation din ang niaattend ko sayo ha! " Tumawa siya habang umiiyak.

"Ano ka ba.. " Hikbi ko. Ang sakit sakit.

Ang sakit sakit makitang umiyak ang mga taong napamahal na sayo dahil alam nila na aalis ka. Ganito ang magiging reaksiyon nila kung alam nilang aalis ka.

"Ang bilis talaga ng panahon! Maging mabait ka dun ha?" Humagulgol si Ida. Tinitignan na kami ng mga tao dito. Niyakap ko lang siya. "Mamimiss kita, Ma'am. " Bulong niya.

"Ano ba kayo! Hindi pa nga siya umaalis! Picture na tayo! " Si Joy.

Para kaming tanga doon na nagpapapicture sa isang kakilala ko dahil umiiyak kami. Inakbayan ako ni Kuya Reynald habang naka yakap naman sa akin si Joy.

"Ma'am gift ko." May binigay sa akin si Feliz ng paperbag. Mamula mula pa ang mukha.

"Thank you, mamimiss ko kayo." Tumulo ulit ang kanilang luha sa sinabi ko.

May regalo din si Kuya Reynald sa akin ganun din si Ida at Joy.

We decided to eat in Restaurant sa may Rob. Marami ang kumakain doon na schoolmates ko rin. Kasama nila ang kanilang mga pamilya.

After we ate umuwi na rin kami. Naka impake na ang mga damit ko. Kahit sa birthday ko pa ang flight ko.

Andrew congratulated me in my house. He even brough a boquet for me.

"Congratulations, Baby Girl!  College ka na! Yii!"  Nandito ako ngayon sa labas ng bahay. Nakabihis na ako ngayon ng T-shirt at shorts.

"Thank you. Ikaw din. Graduation nyo na next week! Magtatrabaho na siya." I teased him. Niyakap niya lang ako.

Torn ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon