PROLOGUE

677 12 3
                                    

Hi poh sa mga nagbabasa nito, pinalitan ko po ang pamagat at ang cover photo po ng story ko dahil sa tingin ko tama yong nagsuggest na dapat ito ang pamagat.

Hi to @mitsuh20 narito na po.

#RequestGranted

----


"What is the meaning of this , Riza!!"

Hindi ko ito pinakingan at niyakap ang nasa harap ko at siniksik ang mukha ko sa leeg nito.

"RIZAAA!!" Ramdam ko ang galit nito."kuya!! Bitawan mo siya!!"

Ramdam ko ang higpit ng yakap nito sa akin.

"Can you see Marco! Ayaw niya sayo! Back off!!"

Hindi ito nakinig at hinigit ako paharap sa kanya.

Napadaing ako sa lakas at higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Marco!!" Kinuha niya ang pagkakahawak nito at itinago ako sa likod nito. "Sinasaktan mo na si Riza, ayaw ka niyang kausapin"

"Riza!" Malambot ang mukha nito habang tinitingnan ako." Please lets talk."

Parang natinag ako ng makitang lungkot sa mukha nito pero dapat hindi ko ito nararamdam! Plinano ko na ito!!! Bakit maapektuhan ako! No one can stop me, no one can change my mind!!. Even him! Even i loved him.

"Jacob, mag-uusap lang mo na kami." Wika ko rito at hinaplos ang kamay nitong nakahawak sa akin.

Nilingon niya ako. "Fine."

"Wag kang gagawa ng kalukuhan Marco! Kaya kitang saktan kahit kapatid kita.!"

Nagtagis ang baga nito tanda ng pagtitimpi sa inis.

Nang makaalis ito ay muling nagbago ang ekspresyon ng mukha at pinalitan ito ng lungkot.

"What is this baby?" Ramdam ko ang sakit sa tuno ng salita nito at pagkalito.

Tiningnan ko siyang walang emosyon.

"I'm sorry , sinubukan ko Marco pero hindi talaga maturuan ang puso kong mahalin ka."

Umiling siya at gumuhit sa mata nito ang sakit dahil sa sinabi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at masuyo itong hinalikan, malungkot ang mga mata nitong tiningnan ako.

"Hindi ko naman sinabing agad agad mo akong mahalin Riza ang hinihingi ko lang kunting panahon , kunting panahon upang maparamdam ko sayo ang pagmamahal ko sayo."

Winaksi ko ang kamay ko at tiningnan siya ng masama.

"Marco! Hayaan mo naman akong maging masaya! Hindi kita mahal! Mahal ko ang kapatid mo, tigilan mo na ako---

"Riza! Sinabi mo sa akin na wala kang ibang mahal! Paano nangyari na mahal mo agad ang kapatid ko!!" Napailing ito habang hindi siya naniniwala sa sinabi ko at hinuli niya ang kamay ko pero agad kong tinago ito sa likod ko.

"Hindi ako ikaw! kaya wag mo akong kwesyonin sa nararamdaman ko!" Inis kong wika.

Tumawa ito pero pinalitan ito ng matalim na tingin.

"Ginulo mo ang buhay ko Riza! Nanahimik ako! Kaya hindi kita titigilan hanggat hindi mo ako mamahalin!!"

Gumuhit ang iritasyon sa mukha ko.

Naiinis na ako sa kanya.

Tinalikuran ko siya pero nahinto ako sa sinabi nito.

"If you want to play a game! Fine Riza!! Ibibigay ko 'yan sayo!!!"

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon