CHAPTER 10

90 8 3
                                    

Napainat ako sa mga braso ko dahil sa pagod at pananakit ng likod ko.

Napasalampak akong napaupo sa sofa at napasandig.

Napagod ako sa paglilinis ng condo ng gagong yon! Akala ko ba hindi ako mahihirapan!

Pinaglaba niya ako ! Pinalitan ang mga kurtina ng mga bago!

Napalibot ang tingin ko sa paligid parang kumikintab ito dahil sa linis.

Nasan ba ang gagong iyon! Ang beast na yon!

Ginawa akong katulong!

Ganito ba ang trabaho ng personal assistant!

Wala nga siya rito! Dapat ay nakabuntot ako sa kanya!

Hindi yong kinukulong niya ako sa condo niya!

Tatlong araw na rin simula ng nag-umpisa akong maging PERSONAL ASSISTANT NIYA!!!

Hindi niya ako sinasama sa mga lakad niya! Pinapunta lang niya ako rito upang magluto at maglinis ng bahay!

Ano ako asawa niya upang maghintay sa kanya kung kailan siya uuwi!!!

Nakakainis na! Kunti kunti nalang ay lalasonin ko na yong bitter na yon!

Pinaglihi sa Ampalaya!

Nangigil ako sa kanya kaya ang unan ng sofa ay tinapon ko sa harapan ko!

Napaayos ako ng upo ng yumanig ang nakasabit na Flat screen sa pader.

Malakas ko pala itong natapon!?

Hindi naman ata yan masisira! Kung masira ko man! Ay bahala na si Batman! Magpapakulong nalang ako! Wala panaman akong pera!!!

Tinutulungan panaman parin ako ng pamilya Hernandez pero hindi ko ginagasto ang mga binibigay nila sa akin.

Nilalagay ko ito sa banko upang dumating araw ay baka maibabalik ko ito sa kanila.

Sobra sobra na ang tulong na ginawa nila sa akin, pinag-aral nila ako hanggang ngayon , binayaran na nila ang pag-aaral ko hanggang makapagtapos ako, Business ang kinuha ko dahil sa tingin ko ay mas magiging angat ako rito.

Hindi kami mayaman kaya wala akong pera, walang naiwang pera ang magulang ko para sa akin.

Hindi ko rin alam kong sino ang kamag-anak ko.

Simple lang ang pamumuhay namin sa probinsya.

Hanggang may dumating doon sa amin.

Napahawak ako sa dibdib.

Narito na naman ang sakit.

Napasimangot akong tumayo at tinungo ang kwarto nito.

Ito nalang ang hindi ko nalinisan.

Pinihit ko ang siradura rito at bumukas ito.

Hindi naman nito sinabi na bawal akong pumasok rito ng iwan niya ako kanina.

Pagpasok ko ng kwarto nito, nabungaran ko agad bintana nito, katulad parin ng kulay sa sala nito. Black and white, katulad ng ginawa ko sa sala ay hinawi ko ito upang maging maliwanag ang loob.

Nilibot ko ang paningin ko.

Simple lang din ang kwarto nito.

Wala man lang larawan ang nakasabit sa pader.

Nagtitipid ba ito ng pera?

Kahit picture frame lang nito, wala rin.

Napatingin ako sa desk nito.

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon