CHAPTER 50

77 2 0
                                    

Hinaplos ko ang buhok nito habang pinagmamasdan ang malalim nitong paghinga.

Pinagod ko na naman ito, napailing nalang ako sa sarili ko dahil napakarupok ko!

Para itong drugs

Nakakaadik!

Hinalikan ko ito sa pisnge bago ko binalikan ang pag-aayos ng hapagkainan.

Niluto ko ang mga paborito niyang pagkain, gusto kong bumawi sa kanya, alam kong palagi itong pagod at kulang sa tulog dahil inuuna nito ang kapakanan ko kaysa sa sarili nito.

Sinindihan ko ang candle na nilagay ko sa mesa.

Napangiti ako nang matapos ako sa lahat.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng tumunog ang doorbell dahil nakarating na ang cake na inorder ko.

Agad agad kong nilapitan ang pinto upang pagbuksan ito.

Nawala ang saya na naramdaman ko at ngiti sa mga labi ko ng mabungaran ang taong nasa harap ng pinto.

Nanginig ang tuhod ko ng nakatotok sa noo ko ang baril na hawak nito.

"Ple---please Wag---wag." Nanginginig kong wika.

Hindi ko ito kilala dahil may takip ang mukha nito , na tanging mata lang nito ang nakikita pero hindi mo rin ito maaninag dahil sa sumbrero nito.

"Ma--ma-awa ka wag mong iputok." Lumuluha kong wika at napahawak sa sinapupunan ko.

"Kung ayaw mong iputok ko ito, sundin mo ang iuutos ko."

Napapikit ako at napakapit ng mahigpit sa tila ng damit ko dahil sa pagtama ng bakal ng dulo ng baril sa noo ko.

"Sumulat ka ng goodbye letter sa asawa mo."

May inabot itong envelop sa akin."

Napalunok ako ng tinulak niya ako upang makapasok ito sa loob.

Mas lalo akong natakot dahil hindi lang pala ito nag-iisa.

May nakasunod na dalawang lalaki ang pumasok at ang isa ay nakatayo sa kwarto namin at ang isa ay malapit sa hagdan.

Tumutulo ang mga luha ko habang nakatingin sa kwarto namin , umaasa na sana hindi magising si Marco, natatakot ako na baka kapag lumabas ito sa kwarto nito ay putukan ito.

Nilagay nito ang envelop na inabot nito sa akin kanina sa center table.

"Buksan mo yan! Ngayon na! Gayahin mo ang mga sulat na nakalagay jan."

Nanginginig ang kamay kong kinuha ito.

Muntik na akong mapasigaw na bigla niya akong sinabunutan at pinaharap niya ako sa mukha niya.

"Pakibilisan! Napakakupad mo! Gawin mo na ipinag-uutos ko sayo kung ayaw mong iputok ko ito sa bungo mo."

Napakagat ako ng labi at mahinang tumango.

Muntik ng tumama ang ulo ko ng tinulak niya ako sa center table ng sofa.

Nanginginig kong pinulot ang ballpen at kinopya ang mga nakasulat doon dahil sa takot ay hindi ko naunawaan ang sinusulat ko .

"Punyita! Ayusin mo ang pagsusulat mo!"

Napahikbi ako ng hinila nito ulit ang buhok ko.

Pinaulit ako nitong pinasulat.

Nang matapos akong sumulat ay hinila nito ang buhok ko ulit.

"Nagawa ko na ang pinag-uutos mo , pakawalan mo na ako, please, parang awa mo na."

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon