CHAPTER 23

97 9 13
                                    

"Aray!" Napahawak ako sa balikat ko ng may bumanga sa akin, kababa ko palang sa taxing sinasakyan ko.

Napalingon ako rito hindi man lamang humingi ng paumanhin, pati paglingon ay wala.

Nangunot ang noo ko ng parang kilala ko ang tindig at nakatalikod nitong katawan na papalayo sa akin, tila ba nakita ko na ang eksinang ito, hindi ko lang maalala kung saan.

Niwalang bahala ko nalang ito at pumasok na sa bahay.

"Riza."

Nagtambulan ang puso ko , bakit narito siya! Sinabi ng layuan niya ako!

"Bakit narito ka marco?" Inis kong wika.

Hindi ito lumapit sa akin, tumayo ito galing sa pagkakaupo , dito pa niya ako hinintay sa sala, napakatuso rin nito, alam niya talagang iiwasan ko siya kapag nakita kong nakaabang ang sasakyan nito sa labas at maghihintay doon.

Dalawang araw na ring lumipas simula ng tagpong iyon.

Hinila ko ang laylay ng damit ko upang hindi masyadong lantad ang balat ko, suot ko kasi ngayon ang palagi kong sinusuot, dahil nga bumisita ako sa bahay ni Tita na baka magtaka ito sa klasi ng suot ko.

Nakita ko ang guilty sa mukha ni Marco dahil sa ginawa ko.

Tinaasan ko siya ng kilay ng bumalik ang mga berdeng mata nito sa mukha ko.

"Riza." Malumanay na bigkas nito sa pangalan ko.

Napaabanti ako ng magtangka itong lapitan ako kaya hindi na nito tinuloy.

"Narito ka na naman marco, ayaw ko ng magtrabaho sayo, kahit hindi mo na ibigay sa akin ang sweldo ko ayos lang ang mahalaga sa akin ay makalaalis sa puder mo"

Naging malamig ang tingin nito sa akin at ngumisi ito, narito na naman ang klasi ng ngisi nito, nagtambulang ang puso ko.

Napalunok ako ng marami ng lumapit na ito sa akin.

"Inuubos mo ang pasensya ko , Riza" napatukod ako sa matigas nitong dibdib, " sa ayaw at sa gusto mo magtratrabaho ka parin sa akin."

Tinulak ko siya dahil sa pagtayo ng mga balahibo ko sa batok ng ibulong niya ito sa akin.

"Marco! Pakawalan mo na ako!, sinabi ko naman sayo na kaibigan lang ang gusto ko--

"Gusto kita Riza! Yan ang gusto ko kaya hindi mo ako mapipigilan! Pagmamay-ari kita! Simula ng nagtama ang mga mata natin at lumapit ka sa akin."

Tumawa ako sa sinabi nito pero sa totoo ay nanginginig ang kalamnan ko dahil pakiramdam ko matatalo ako, hindi pwede.

"Nasisiraan ka na ba Marco!! Hindi mo ako pagmamay-ari! Walang sino mang nagmamay-ari sa akin Marco!." Taas noo ko siyang tiningnan, hinaplos ko ang dibdib nito, nagtaas baba ang dibdib nito ramdam ko ang init dito. Tumingkayad ako at tinigan ang labi nito.

Akala niya ba hahalikan ko siya? No! naalala ko ang mukha ng ina nito! Ganito rin magmahal! Kaya ba pinatay nito ang pamilya ko dahil takot itong iwan ng padre pamilya nito! Fuck shit this called Love! I don't care if i loved him! Mas nangingibabaw ang galit ko sa magulang nito.

"Hindi kita mahal Marco, kahit anong gawin mo, hindi magbabago itong nasa puso ko!!"

Tinulak ko ito at nilagpasan ko siya pero nahinto ko ang paglakad ko ng nahuli nito ang pulubulsuhan ko.

"Baka nakakalimutan mo Riza! Hindi ka agad makakaalis sa puder ko dahil may permahan tayo."

Napalunok ako, nakalimutan ko ang parting ito, gumawa pala ito ng kasunduan na magtratrabaho ako rito ng isang  buwan.

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon