CHAPTER 15

100 8 7
                                    

I pushed him harder to create some space between us, he entered my room! Sinundan niya pala ako.

"Marco!" Galit kong wika ng mas idinikit niya ang sarili sa akin.

Tinagilid ko ang mukha ko. Ayaw kong salubungin ang mga mata nitong galit.

"Explain me now baby." Napakagat labi ako dahil sa kiliting dulot ng hininga niya.

Nakasandal ang noo nito sa gilid ng ulo ko kaya ramdam ko ang pagbuga nito ng hangin.

"Riza! Nag-alala ako sayo, hindi kita dinatnan ng makapunta ako sa room niyo"

Napapikit ako lalo at may kiliting dulot ito sa puso ko ng sinabi niya ito, parang nawala ang nararamdaman kong galit nito at pinalitan ito ng iba.

"I text your bestfriend , sinabi niya sa akin na umalis ka raw agad."

Nabuka ko ang mata ko napalunok ako ng marami.

Bakit nakalimutan ko ang parteng ito! Binigay niya pala kay Jolina ang number niya! Arrggh! Ang sarap sabunutin ang buhok ko!.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang kamay nitong nakahawak sa akin ng mariin sa kanang braso ko ay hinahaplos na ito hanggang umangot ito sa pisnge ko.

Ramdam ko ang panginginig ng kamay nito pero napakainit nito katulad ng katawan nitong nakadikit sa akin.

Naramdaman kong lumayo ang ulo nito sa pagkakasandal sa ulo ko at mahina niyang pinaharap ako sa kanya.

Ang berde nitong mata ay wala na ang galit rito pero napakalungkot.

Parang kumirot ang puso ko. Napapikit ako ng sinandal nito ang noo nito sa akin. Pinagdikit niya ang ilong sa akin at mahina itong ginagalaw.

"Please tell me Riza, may gusto ka ba sa iba?"

Parang may bumara sa lalamunan ko.

"O may mahal ka ng iba?."

Hindi ko alam kong bakit napailing ako agad dahil doon ay nagtama ang ilong namin.

Kahit na ang mga kamay nito ay nasa pisnge ko na para bang sinisiguro nito na hindi ko ilalayo ang mukha ko.

"Then why are you wearing like that?"

Napabuka ako sa mata ko , nakapikit ito, mahaba ang pilik mata nito.

"Riza, Answer me please." Napapikit pikit ako ng bumuka ang mata nito, pinikit ko ang mata ko dahil hindi ko nakayanan ang pagtitig sa mata nito.

Napakagat labi ako ng hinaplos ng hinlalaking daliri nito ang labi ko.

Parang may hatid na kakaibang kuryente ito sa katawan ko, kahit dulo ng daliri nito ay ito ang nararamdaman ko.

Napabuka ko ang mata ko ng binitiwan niya ako at lumayo siya sa akin.

Hindi nito inalis ang tingin sa akin. Nagtambulan ang puso ko dahil may kakaiba akong nakita sa mga mata nito.

Nakita kong may nilabas siyang panyo.

Anong gagawin niya rito?

Pinagpag niya ito at hindi na ito nakapilo.

Napalaki ang mata ko ng inilagay niya ito sa bibig ko ang gilid ng tila nito.

Nabitin sa ere ang kamay kong itutulak siya ng lumapat ang labi nito sa labi kong pinapagigitnaan ng panyo niya.

Tila nauubusan ako ng dugo dahil ramdam ko ang mainit nitong labi dahil sa nipis ng panyo nito. 

I fell every beats in my heart as he kiss me passionately.

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon