CHAPTER 24

104 8 19
                                    

Napasulyap ako sa kanya ng di pa niya nasagot ang tanong ko. Nanggaling kami sa stronghand shooting range, napakagaling niya humawak ng baril, wala man lang bala ang nasayang! Nataman niya ang lahat , napaka asintado niya talaga.

Napaiwas ko ang tingin ko ng hinubad nito ang suot nito.  Hindi ko makakalimutan ang hitsura nito habang seryosong nakahawak sa baril.

Hindi ko alam kung paano siya ilarawan , tama nga sila mahahalintulad ito bilang Greek God! Nakasando lang ito, kita ko ang mga muscles sa braso nito at bumabakat ang abs nito sa damit nitong basa na.

Kahit na palagi ko itong nakikita ay hindi parin ako nasasawang tingnan ito at namamangha lalo, kaya minsan naiilang ako dahil sa nararamdaman ko, para bang inaanyayahan akong hawakan  o kagatin ito.

Napalukso ako ng tinapon nito ang suot niya sa akin. Inis kong binalingan siya dahil walang ingat niya itong tinapon sa akin!.

Tumawa ito at parang musika ang tunog ng pagtawa nito.

Ang mga tingin nito ay para bang nang aasar tila ba alam na alam nito na gusto ko ang mga nakikita ko.

Sinamangutan ko siya pero napapangiti ako ng lihim. Napakagat labi ako ng mas naaamoy ko ang pabango niya sa damit na hawak ko, kahit na basa ito sa kanyang pawis ay napakabango parin.

Ang sarap amoyin ito pero pinigilan ko ang sarili ko baka lumaki na naman ang ulo nito at iisipin na namang gusto ko siya.

"Gusto kong matuto ng paghawak ng baril dahil gusto kong ipagtanggol ang sarili ko sa taong gusto akong saktan ."

Seryoso ko siyang nilingon, nagtambulan ang puso ko.

"O maprotektahan ko ang mga taong minamahal ko." Inabot nito ang kamay ko at pinisil.

Itutok kaya niya at ikakasa kaya niya ito sa akin kapag nalaman niyang may masama akong balak sa mga taong minamahal niya o kaya dahil may balak akong saktan siya pero diba sinaktan ko na siya.

"May naging kaibigan ako pero ginamit lang niya ako para makuha ang gusto niya."

Parang nagpapawisan ako at mas lalong nagtambulan ang puso ko , agad kong binawi ang kamay ko rito, iniwas ko ang tingin ko at tumingin sa labas ng sasakyan.

"Nahirapan akong magtiwala ulit pero sinubukan ko Riza ,pero may takot parin sa puso ko."

Napapikit ako ng walang hirap niya akong binuhat papunta sa kanlungan nito..

Napalunok ako ng marami, napatukod ko ang siko ko sa manobela upang hindi magtama ang ilong namin.

Kita ko sa mga mata nito ang lungkot. Kaya ba nahihirapan siyang magtiwala dahil sa nakaraan nito, ano ba ang mayroon sa nakaraan nito at naging mailap siya sa mga tao.

"Aayusin ko ang buhay ko Riza."Seryoso niya akong tiningnan.

"Maayos na ang buhay mo Marco." Mahina kong wika.

"Sana ganon din ang iisipin nila ,Riza." Ang himig nito ay napakalungkot.

Napapikit ako ng hinimas niya ang ilong namin.

"They used to called me black sheep  dahil wala akong pakialam sa negosyo namin , gusto ko lang naman tumayo sa sarili kong sikap , gusto kong gumawa ng sariling kompanya na hindi galing sa pera nila." Ramdam ko ang pursigedo sa tuno ng salita nito, lalo akong humahanga sa kanya.

Napapikit ako ng mahina niya akong halikan sa tuktok ng ilong ko.

"Sana akin ka na , Riza."

Nabuka ko ang mata ko. Nakatukod na ang noo nito sa akin.

Pinikit ko ang mata ko ng halikan niya ako, napakaingat ng galaw ng labi nito at hindi ko ito nagugustuhan,.

I want more, dinikit ko ang sarili sa kanya at marahang hinahaplos ang buhok nito habang pinalaliman ko ang halikan namin, mapusok ko siyang hinalikan, ramdam ko ang pagkasabik nito ng gumalaw ang kamay nito sa likuran ko.

Mahina akong napapaungol dahil sa sensasyong binibigay niya sa katawan ko.

Hinalikan niya ako ng malalim bago niya binitawan ang labi ko. Habol ang hininga namin habang nakatukod ang noo namin sa isat isa.

Napapikit ako ng paulit-ulit niyang hinalikan ang labi ko.

Bumalik ako sa upuan ko na parang walang nangyari.

Binigyan niya ako ng matamis na ngiti bago niya pinaandar ang sasakyan.

Napapikit ako ng mariin , ano na naman ang nagawa ko.

Napasulyap ako sa kamay nitong nakasalikop sa akin habang marahan itong hinahaplos.

Nakaramdam ako ng saya dahil sinasama na niya ako sa mga lakad niya pero nakaramdam rin ako ng takot dahil baka masanay ako at hanap hanapin ito.

Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at hindi siya bitawan.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako, pagbuka ng mata ko ang nakangiting mukha nito ang nabugaran ko at napapikit ako ulit ng paulit-ulit na hinalikan niya ang buo kong mukha.

Napaayos ako ng upo at lumayo naman ito sa akin.

Paglingon ko sa labas ay nakita ko ang mga taong abala sa kanya-kanyang trabaho, narito kami sa isang building na kasalukuyang ginagawa pa. Sa tingin ko ay malapit na itong matapos.

"Hintayin mo ako rito , babalik din ako agad." Hinalikan niya ako sa labi bago siya lumabas. Gusto ko sanang sumama rito. Napasimangot ako , Ginising niya pa ako! Iiwan lang pala ako.

Lumabas ako ng sasaktan upang uminat dahil ramdam ko ang pagkamanhid ng leeg ko siguro sa pagkakatulog ko ito pati narin ang paa ,tuhod, balikat ,ulo!

Kumanta ka rin no? :-p hihihi

"Ahhmn"

Napaayos ako ng tayo ng marinig na may tumikhim.

Nakaformal attire ito, tila galing sa isang meeting, gwapo ito at maganda rin ang pangangatawan nito pero mas gusto ko ang pangangatawan ni Marco kahit na simple lang ang suot nito ngayon nakapulo shirt at nakapantalon lang.

"Anong kailangan mo?" wika ko rito dahil naiilang ako sa klasi ng tingin nito sa akin, nakikita kong may ibang lahi ito dahil sa anyo nito pero ayaw ko ngang mag english! Siya dapat ang lumugar.

"Jericho Rodrigo, ikaw?"

Ayon naman pala eh! Marunong, hindi naman ako snab na tao kaya ngumiti ako.

"Riza Fuentes "pagkilala ko sa sarili, kilala ko ito, siya ang business partner ni marco sa bar na dati kong trabaho.

Sumulyap ito sa sasakyan nasa gilid ko.

Naging seryoso ang tingin nito sa akin.

"Kanina pa ba kayo rito?" Tanong nito.

"Hindi pa naman." Sagot ko , naunawaan ko ang tanong nito batay sa pagsulyap nito sa sasakyan tiyak na nakilala nito ang nagmamay-ari nito.

Tumango ito. "Maiiwan na muna kita."  Pagpaalam nito sa akin, tinalikuran niya ako.

"Teka! " huminto ito. "Sasama ako dahil nasa loob rin ang kasama ko." Lumingon ito sa akin.

"Manatili ka rito, iniwan ka niya rito dahil sa kaligtasan mo, hindi ligtas sa loob."

Mahina akong tumango. Hindi ko na pinilit ang sarili ko dahil tama ito.

Tiningnan ko itong papalayo sa akin, bakit kaya naging seryoso ang mukha nito ng makilala ang sasakyan ni Marco.

May kinalaman ba ito sa nakaraan ni Marco?

Ano kaya iyon? Ano ba ang nangyari sa nakaraan nito?

Gusto ko itong malaman, may nag-uudyak sa akin na kilalanin ang buong pagkatao ni Marco, kunti lang ang alam ko sa kanya, may mga parte kasi sa buhay nito na nakapribado.

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon