CHAPTER 34

102 4 5
                                    

"Ba't ang bango mo." Sumimangot kong wika dahil kita kong hindi pa ito naliligo dahil hindi pa basa ang buhok nito.

"Anong niluluto mo?, amoy ko sa paligid dahil kanina paako natatakam nito at kumakalam ang sikmura ko dahil sa gutom. Napalaki ang mata ko at agad umalis sa pagkakayakap sa kanya para masulyapan ko ang niluto nito.

"Tama nga ako!!" Tuwa kong wika dahil niluto nito ang paborito ko.

Agad akong kumilos at inayos ang ang hapagkainan.

Malapad ang ngiti ko rito ng tinaasan niya ako ng kilay ng mabungaran niya akong nakapwesto sa lamesa.

Tahimik kaming kumain, napapasulyap ako rito dahil napakatahimik nito.

Ilang araw na rin itong ganya, parang may malalim itong iniisip o may problema itong pinapasan.

Nawalan ako ng ganang kumain , umalis akong hindi nagpaalam rito at tinungo ang kwarto nito.

Tumulo ang luha ko dahil hindi ko alam kung ano ang problema nito, dahil parin ba ito sa issue noon isang araw??

Napahid ko ang luha ko ng pumasok ito.

"May problema ba tayo Marco?" Hindi ko natiis na itanong ito sa kanya.

Seryoso ang mukha nito.

"Let's get married for real Riza"

"Get married for real??" Gulat kong wika.

Ngumiti ito sa akin pero kita ko ang mahinang pagbuntong hininga nito.

"I'm serious Riza, gusto ko ng pakasalan ka sa simbahan, ." Kinuha nito ang kanang kamay ko.
"Alam kong ayaw mo pa sa ngayon pero doon naman tayo pupunta  ."

Napatingin ako sa singsing na nilagay niya sa daliri ko, parang may bumara sa lalmunan ko, hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Napag-usapan na natin ito , Marco." Wala sa sarili kong wika.

"Bakit patatagalin pa natin Riza, kasal na naman tayo ----

"Yon na nga Marco, Kasal na tayo, bakit pa natin mamadaliin.?

"Gusto na kitang iharap sa altar " napatitig ako sa mga mata nito, ramdam ko ang sincere sa pananalita nito.

Nakahawak na ito sa magkabilaang pisnge ko.

"Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na mahal na mahal kita, ayaw ko ng ganito Riza, ayaw kong itago ka."

Nagbabadya ng tumulo ang luha ko. Nakita ko ang sakit sa mga mata nito at binitawan ako.

"Kinakahiya mo ba ako?"

Awtomatiko akong napailing.

"Ano bang pinagsasabi mo!" Pinisil ko ang pisnge nito ."bakit naman kita ikakahiya!" Pinatakan ko ito ng halik sa labi.

kinumbinsi ko ito noon na ilihim mo na ang tungkol sa kasal namin.

"Then accepted me again Riza." Pinisil nito ang kamay kong nakahawak sa pisnge niya."Ayaw kong lumabas ang anak natin na hindi pa kita nahaharap sa altar."

Napanganga ako sa sinabi nito. Pinisil ko siya ulit sa pisnge at tinigan ng mabuti. Nagsalubong ang makakapal na kilay nito pero agad ding ngumiti.

"Meron na ba Riza?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Kumislap ang mata nito at ngumiti ng malapad.

Inis kong pinisil ang matangos nitong ilong.

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon