CHAPTER 56

84 2 0
                                    

"Ma'am hindi po kayo pwedeng pumasok rito kung wala kayong appointment." Pagpipigil sa akin ng isang nerd na lalaki na satingin ko ay secretary nito.

Kinuha ko ang eyeglasses ko at nginitian ito, natulala ito sa akin kaya kinuha ko ang pagkakataon at pumasok sa office nito.

May kausap itong babae.

Napataas ang kilay ko ng makitang lumuluwa ang dibdib nito.

Taas noo akong naglakad papunta rito.

Nakayuko ito habang abala sa pagbabasa sa papel na hawak nito.

Hindi man lang nito napansin ang presensya kong papalapit rito dahil sa abala nito sa katitingin sa hinawakan nito.

Kita ko ang pagtaas ng kilay ng babaing ito ng mapalingon ito sa akin.

Agad kong sininyasan ito na tumahimik.

Nagsalubong ang kilay nito at galit akong tiningnan, inirapan ko ito at binalik ang pagtingin sa lalaking nagpagulo ng isip ko.

Nang mapalapit ako sa lalaking pinaglihi ng ampalaya ay agad kong kinuha ang hinawakan niya at umupo sa kanlungan nito at niyakap siya.

"Baby, namimis kita." Wika ko rito habang yakap ko ito at siniksik ko ang mukha sa leeg niya.

Ramdam ko ang gulat nito dahil sa pagtigas ng katawan nito.

"I'm sorry sir, pinigilan ko siyang pumasok , pero napakakulit niya, wag niyo po akong sisantihin sir hindi na ito mauulit." Wika ng sekretarya nitong bagong pasok.

"Paalisin mo ang babaeng yan dito marco kung ayaw mong ako ang aalis dito." Bulong ko rito.

"You can go Ms. Chua, i will send this to your office."

"What! I need this now Marco!" Pagdadabog nito.Napataas ang kilay ko ! Marco huh! Ang kapal ng mukha ! Feeling close sa Marco ko.

"Then i will cancel it, Wala na tayong dapat pang pag-usapan"

Rinig ko ang pagbagsak ng kamay nito sa lamesa.

"The door is open, you can go now."

Walang nagawa ito at nagmamaktol na lumabas ng opisina nito.

Napangiti ako ng marinig ang pag-alis nito.

"And you! Get out" maawtoridad nitong wika.

"O---opo sir"

Napasimangot ako rito dahil sa pagiging strikto nito sa empleyado niya.

"Ano ang ginagawa mo rito Riza."

Inalis ko ang pagkasubsub sa mukha ko sa leeg nito at pinapantay ang mukha namin.

Ginulo ko ang buhok nitong magulo.

Napangiti ako habang ginagawa ito. Nagkasalubong ang kilay nito kaya hinaplos ko ito.

"Nagkasalubong na naman ang kilay mo Marco, sinabi ko naman sayo na ngumiti ka dahil mas nagiging gwapo ka."

"Bakit narito ka Riza, kasama mo ba ang kapatid ko."

Hinaplos ko ang pisnge nito. "Hindi ba ako pwedeng pumunta dito an hindi siya kasama marco?" Lambing kong wika rito. Hinaplos ko ang dibdib nito at hinaplos ang necktie nito. "Bagay pala sayong tingnan kapag naka work attair ka Marco, naging mas malakas ang appeal mo! 10 points!"

Dinikit ko ang katawan rito, at tiningnan siya sa mata, namimis ko ang malamlam nitong mata , para niya akong hinihigop. "Paano yan Marco, tayo nalang dalawa rito, wala ang secretary mo at lalong wala ang kapatid mo." Lihim akong napatawa habang nakikita siyang tensyunado dahil sa ginawa ko.

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon