CHAPTER 42

95 2 1
                                    

"Napakapossessive talaga ng asawa mo Riza! Isang oras palang bago ang uwian ay nakaabang na sayo, ano bang nangyari at naging ganyan niyan
"

Isang linggo narin ang lumipas at naging mahigpit na ito sa akin. Tinapos narin nito ang OJT niya, ginamit nito ang mga experience niya kaya na aprobahan ito.

At hindi narin ako ang ipapadala sa ibang bansa.

Hindi ako naghihinayang rito dahil hindi naman talaga ako ang napili, si jacob kasi ang nakaisip nito at hiniling nito sa ninong niya pero sa tingin ko malakas rin si Marco rito dahil naiba ang desesyon nito.

Natapos ang klase na wala ako sa sarili.

Nakatanggap na naman ako ng mensahe galing sa stepmother nito.

Malamig ang tingin nito ng makalabas ako sa room namin.

"Sayawan mo kaya yan upang bumalik ang sigla ng asawa mo o kaya'y gapangin mo mamaya."

Nagsitayuan ang mga balahibo ko ng binulong ito ni Jolina sa akin.

Inis ko itong siniko dahil sa mga mahahalay nitong sinabi sa akin.

"Kainin mo mamaya Riza!!" Napalaki ang mata ko sa sinabi nito, gusto ko sanang batukan ito pero agad itong tumakbo.

Napalunok ako ng maramdaman ang kamay nito sa baywang ko.

Naging malamig ito sa akin, hindi niya ako kinakausap ng matagal.

Pero ang klase ng tahimik nito ay nakakatakot, nakakaba dahil hindi mo alam kung kailan ito kikilos upang tuklawin ka.

Ang mata nitong mapangmasid , sa bawat kilos ko ay nakasunod ito.

Sa bawat tunog ng cellphone ko ay nagsasalubong ang kilay nito .

Minsan ay kukunin niya ito sa akin at ibabalik lang kapag class hours.

At ngayon ay naramdaman ko ang kamay nito pumasok sa palda ko at kinuha ang cellphone ko.

Napapikit ako dahil ramdam ko ang init ng kamay nito.

Nabuka ko ang mata ko ng lumayo ito sa akin.

Napasimangot akong pagmasdan ang likod nitong papalayo sa akin

Ganito ito palagi kapag nakuha na niya ang cellphone ko ay lalayo ito at nakatoon na sa cellphone ko.

Tila lahat ng aps doon ay tinitingnan nito , pati online games ko na matagal ko ng hindi nabuksan ay tinitingnan nito.

Napailing nalang ako rito.

Napahinto ako ng paglalakad ng bumaling ito sa akin.

Kinabahan ako sa klase ng tingin nito sa akin parang gusto niya akong kainin ng buhay.

Binura ko ang mga mensahe ng ina nito sa akin, wala naman siguro itong mensahing pinadalang bago pero gusto kong makasiguro.

"May nagtext ba?"

"Sino si Melvin?"nakasalubong ang kilay nito.

Napabuntong hininga ako ng ito lang pala ang nagtext.

"Ano ang sinabi?" Tanong ko rito at tinangkang kunin ang cellphone ko pero nilayo niya ito sa akin.

"Sino siya!" Galit nitong tanong.

Napasimangot ako rito. "Kaklase ko Marco, groupmate ko siya sa isang subject ko at may project kaming gagawin kaya akin na yang cellphone ko."

Hindi niya ako sinagot at tinuon ang pansin ulit sa cellphone ko.

Napailing nalang ako rito.

Nakita kong nakataas ang middle finger nito bago nito tinapon ang cellphone ko sa basurahan.

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon