CHAPTER 38'

90 3 2
                                    

Gusto ng kumawala ang puso ko sa dibdib habang nasa harap ako ng condo ni Jacob.

Kinumbinsi ko itong mag-usap kami sa labas pero napakatigas na ng puso nito.

Binigay nito sa akin ang password nito , pagpasok ko rito , naroon siya sa sofa habang may alak ritong nakaharap na nasa maliit na glass table at may baso roon na wala ng laman, nakainom ito, hindi ko sinarado ang pinto nito at iniwang nakaawang dahil kapag may gagawin itong masama sa akin ay makakalabas ako agad.

"Narito na ako Jacob, ibigay mo na ito sa akin."

Kinabahan ako ng tumayo ito.

"Wag kang lumapit sa akin Jacob."

"Ano sa tingin mo Riza magtitigan lang tayo rito?" Ngumisi ito.

"Hindi ako pumunta rito Jacob upang ibigay ang gusto mo, gusto kong linawin ang lahat."

"Thats bullshit Riza! Wala na tayong dapat pag-usapan pa! Wala ka ng lilinawin pa dahil malinaw na ito sa akin."

"Hindi Jacob! Hindi mo nauunawaan ang lahat!

"Naunawaan ko ang lahat Riza! Gusto mo maghigante diba!! Ibibigay ko ito sayo!" Napadaing ako ng walang hirap niya akong pinahiga sa sofa nito

Agad ko siyang sinipa ng magtangka itong yumuko sa akin.

Tumakbo ako at tinungo ang likuran ng upuan. Kita ko ang ngisi nito habang nakahawak ito sa tiyan na sinipa ko. Mas napapatunayan ko ngayon na mas nagmana ito sa ina nito sa klase ng anyo nito ngayon.

"Jacob! Nakainom ka! Siguro sa susunod na natin ito pag-uusapan." Pagkumbinse ko rito.

"Come here Riza!"

Umiling ako.

"I said come here!!" Tumulo ang luha ko.

Ginulo nito ang buhok at kinuha nito ang folder na nasa mesa nito.

Kinuha niya ito at nilahad niya ito sa akin.

Naguguluhan ko itong tiningnan.

Inilahad nito ulit.

"Sign it Riza."

Winkasi ko ito ng mabasa ko ang nilalaman nito, Sobrang sakit ang nararamdaman ko.

"Hiwalayan mo ang kapatid ko at pakasalan mo ako."

Hindi ko na maunawaan ang mga pangyayari. Hindi ba pwedeng maging masaya ako sa piling niya, bakit gusto nila kaming paghiwalayin.

Hindi ko na namalayang hinaplos nito ang pisnge ko.

"I promise , I will protect you, Riza , kakalabanin ko ang pamilya ko at bibigyan ko ang hustisya ang pamilya mo."

Kinuha nito ang nahulog na folder at binigay niya sa akin ang documentong naglalaman ng annulment paper.

"I'm sorry." Tinulak ko ito at nagpasyahang umalis na dahil buo na ang pasya ko. Mahal ko ito, ipaglalaban ko ito.

"Kung hindi dahil sa akin Riza matagal ka ng hindi humihinga!"

Napahinto ako sa paglakad at napalingon rito dahil hindi ko maunawaan ang sinabi niya.

"Pinapatay ka na ng ina ko Riza."

Bumalot ang takot sa puso ko at muling naramdaman ang takot na nararamdaman ko noon.

"Ilang ulit ka ng pinagtangkaang patayin ng tauhan nito , Riza"

Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan.

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon