CHAPTER 17

100 9 12
                                    

"Totoo bang nililigawan ka ng kapatid ko, Riza?

Ito lang ba ang alam niya?

Iniwas ko ang tingin nito. "Hindi ko alam, Jacob."

Hindi ko naman talaga alam na nagliligaw ang gonggong na iyon!

Sinabi ko lang ito kay Jolina na nagliligaw ito dahil marami itong itatanong.

Hindi niya nga sinabi sa akin! Sinabi lang nito na mahal niya ako at papaibigin sa kanya! Pero mga kabalastugan lang naman ang ginagawa sa akin!!

Nakakatayo balahibo ang mga lambing nito!

Iwan ko ba kung bakit kinakabahan ako pagnanjan siya at may awtoridat itong mapapasunod ako sa kanya parang bang pagmamay-ari na niya ako.

Aalisin ko na sana ang kamay kong nakahawak rito ng hulihin niya ito kaya agad akong napalingon rito.

"Maniniwala ako sayo kung ano man ang sasabihin mo." Malumanay nito wika.

"Magkaibigan lang kami Jacob, inaamin ko nagtapat siya sa akin, pero --pero kaibigan lang talaga ang gusto ko para sa kanya." Habang sinasabi ko ito ay naninikip ang dibdib ko pero binaliwala ko ito.

Hinaplos ko ang pisnge nito. "Inaamin ko naging malapit ako sa kanya, hindi pa naman tayo magkakilala Jacob pero hinahangaan ko siya." Nakita ko ang lungkot sa mga mata nito. "Pero mas hinahangaan kita Jacob, your still young pero malaki na ang narating mo."

Sumilay ang ngiti sa labi rito at masuyong hinawakan ang kamay ko.

"Thank you, Riza" niyakap niya ako ng mahigpit, wala sa sarili kong niyakap siya pabalik.

"Riza, sabihin mo sa akin kapag pinilit ng kapatid ko ang sarili niya sayo, hindi ako magdadalawang isip na saktan siya.".

Nag-iinit ang mga mata ko at dumaan ang sakit sa puso ko.

Pinahid ko ito agad at pinamanhid ulit ang puso.

"Oo , Jacob , sasabihin ko sayo." Mas naging mahigpit ang yakap nito.

Naging magaan ulit ang pag-uusap namin, ibinahagi nito ang lahat ng mga karanasan nito sa pag-aaral.

"Riza, hanggat makakaya mo iwasan mo ang kapatid ko." Napahinto ako sa gitna ng tulay, aalis na sana kami.

"Jacob, may hindi pa ako nasabi sayo."

Napalingon ito sa akin.

Seryoso ko siyang tiningnan.

"May trabaho ako." Naging seryoso ang mata nito habang nakikinig sa akin. "At kay Marco ako nagtratrabaho." Nakita ko ang gulat sa mga mata nito.

"He offered me a job, Jacob, hindi naman ako nahihirapan dahil sa pareho lang kami ng paaralan--

"Anong klaseng trabaho Riza!!!-

"Personal Assistant ---

"Quit now Riza!!--

Umiling ako.

"No Jacob! Kaya ko nga sinabi ito sayo upang magtiwala ka sa akin!" Kailangan kong makuha ang buong loob nito, i need to be honest this time dahil baka ipaimbestiga niya ako at baka malaman nitong nagsisinungaling lang ako.

Hinwakan ko ang kamao nito dahil nakakumo.

Masuyo ko itong hinaplos.
"I promise, kapag nakahanap na ako ng trabaho , aalis na ako sa pagkakatrabaho sa kanya."

"Fine Riza, I can help you to find another job, just accept it." Hinaplos nito ang pisnge ko.

"Jacob, gusto kong sariling sikap ko--

"Fine" Bumuntong hininga ito, alam nitong hindi ako papayag.

Hes matured , hindi na ako magtataka na maiintindihan niya ako agad, he's 26 , samantalang si Marco ay 23 at 19 na ako.

Sa pagkakaalam ko ay may fiance na ito, hindi na talaga mawawala ang arrange marriage sa mayayaman, parang tradisyon na ito sa kanila, magpayaman at magpalago ng mga negosyo.

Napangiti ako ng lihim, dahil sa nakikita ko ako ang pipiliin nito kaysa sa fiance nito.

Hindi na ako makapaghihintay na makita ang mukha ng magulang nito, habang pinaglalaban niya ako.

"Jacob?."

Napahinto ito at napalingon sa akin. Patungo kaming office ng Ninong niya , may pag-uusapan pa raw sila nito, sumama ako sa kanya dahil pupunta ako ng faculty, isa lang ding direction ang papuntahan namin, ngayon ang ibibigay ng professor ko ang activity na hinanda nito para makabawi ako sa grades ko.

"Pumapayag na ako na maging date mo."

Nakita ko ang saya ng mata nito at Niyakap niya ako.

"Thank you, Riza"

Tinampal ko ang braso nito. "Mister, namimihasa ka na! Baka nakalimutan mo narito tayo sa paaralan." Tumawa ito at lumaya sa akin, napatawa nalang din ako.

"Riza" nabitin sa ere ang pagtawa ko ng marinig ko ang malalim na boses.

Rinig ko ang yapag nito papalapit sa amin.

"Kuya, why are you here!!" Diin nito wika.

Nakita ko ang pagbabago ng emosyon ni Jacob, naging blanko ito.

"I missed this place and... napalunok ako ng marami ng tumingin ito sa akin---

"Excuse me, Sir, Mr. Belderamas wants to talk to you."

Parang nakahingga ako ng dumating ang secretary ng ninong nito. Kaya nabaling rito ang atensiyon nito.

Binalingan ako ng secretarya. "Thank you Ms. Fuentes to entertain our guest."

Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko, kaya tumango ako at binigyan itong matipid na ngiti.

Seryoso na ang mata ni Jacob habang nakatingin ito sa akin, nanginig ang kamay ko ng lumapit ito kaya napakamao ako. He hug me.

"Don't touch here !!!" Ang bilis ng pangyayari,, nasa kamay na ako ni Marko at mahigpit na nakayakap sa akin ang isang braso nito.

"Marco!!" Inalis ko ang kamay nitong nakahawak sa balikat ko. "Know your limits , Marco! Baka nakalimutan mo!" mabuti narin at binitiwan niya ako pero bumalatay sa puso ko ang sakit ng makita itong nasaktan sa sinabi ko.

"Thank you Riza for the time, I really enjoyed it."

Napalingon ako rito. Ngumiti ito sa akin pero hindi aabot sa mata nito ang ngiti, pilit na ngumiti ako sa gitna ng tensyong nararamdaman ko , parang may itim na awra ang bumalot sa gilid ko at ayaw ko itong lingunin.

"I text you when I'm done" narinig kong wika nito , hindi ko na nakita ang mukha nito dahil nakatalikod na ito.

Bumuntong hininga ako , upang ipunin ang lakas na loob para harapin ito.

"Ano ba ang kailangan mo sa akin, Marco! May ipag-uutos ka ba huh! Hindi ako pwede dahil may pupuntahan akong mahalagang bagay!!"

Nakita ko ang galit sa mukha nito, nag-igting ang panga at nangingitim ang berdeng mata.

Kumabog ang puso ko pero nilabanan ko ang titig nito sa akin.

Pero parang nanghina ang katawan ko ng tumalikod ito sa akin.

Hindi ko alam kung bakit, bakit tumulo ang luha ko ng papalayo siya sa akin.

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon