CHAPTER 53

84 2 0
                                    

"Pwede bang anyayahin mo sila Jericho at Marco sa BBQ party natin bukas." Wika ko rito habang umiinom na ito ng wine.

Seryoso ang mukha nitong tumingin sa akin.

"Gusto ko sanang makilala sila, gusto ko sanang magkwentuhan sa kanila tungkol sa pagkatao ko."

Nangunot ang noo nito dahil sa sinabi ko at may inis akong nakikita sa mata nito.

"Sinabi ko na sayo ang lahat Riza hindi mo na kailangang itanong ito sa kanila."

Napasimangot ako sa sinabi niya. "Eeeh gusto kong magkwentuhan sa kanila kung paano nila ako nakilala, sige na Jacob."

"Umuwi na tayo Riza." Wika nito at tumayo, napapansin kong ayaw nitong pag-usapan ang alaala kong nakalimutan.

"Pretty please Jacob." Pangungulit ko rito hanggang makarating kami sa apartment ko.

Mahina ang lakad ko habang sinusundan ito papuntang unit ko.

Gusto kong makita muli si Marco, ginugulo niya ang isipan ko.

"Sino ba ang asawa ng kapatid mo Jacob?" Wala sa sarili kong tanong rito.

"Kita ko sa mga mata nito na nasasaktan ito dahil sa pagmamahal niya sa asawa nito, bakit siya sinaktan nito at iniwan? Bakit napaka komplikado ang umibig Jacob" napahawak ako sa dibdib ko dahil narito na naman ang sakit. "at bakit naapektuhan ako?"Mahina kong tanong sa sarili.

"Anong sabi mo Riza?" Napatingin ako rito ng hinawakan nito ang braso ko. May nakikita akong takot sa mga mata nito.

"Bakit Jacob?" Taka kong tanong.

"Wag ka ng makialam sa problema niya Riza at lalong wag mo na siyang pagbuksan pa ng pinto upang mapalapit sayo." Nangunot ang noo ko sa sinabi nito.

Hindi ko maunawaan ito.

Napalaki ang mata ko ng hinalikan niya ako sa labi.

"Lambingin at bigyan mo ng halik ito Riza, nakikitang kong gusto ka ni Jacob at kita ko ang mga kislap sa inyong mga mata habang nag-uusap kayo."

Lumabas sa utak ko ang sinabi ni karla sa akin.

May nararamdaman nga ba ako kay Jacob?

Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakikita itong nakapikit.

Pero ang klase ng tibok ng puso ko ay takot, pakiramdam ko ay nagkasala ako sa isang taong hindi ko maalala.

Tinulak ko siya at agad iniwas ang tingin sa kanya. "Umuwi ka na Jacob."

Niyakap niya ako. "Mahal kita Riza, sana ako naman ang piliin mo."

Aaminin ko sinubukan ko itong mahalin pabalik dahil ramdam ko ang pagmamahal nito sa akin pero sa araw na ito ay naiba ang takbo ng damdamin ko at nalipat ito sa iba.

"Sino ang hinahanap mo?" Tanong ni Karla sa akin.

"Wala may tinitingnan lang ako." Wika ko rito. At inabot sa kanya ang port barbeque na naluto na.

"Pigilan mo nga yang loverboy mo, kanina pa yang umiinom."

Napasulyap ako rito, nag-iinuman sila kasama ang ibang empleyado, nagcelebrasyon kami dahil 1st monthsary sa negosyo.

"Sino ba 'yang gwapitong kasama niya.?"

Napatingin ako kay Jericho na masayang nakikipag-usap sa mga empleyado ko.

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon