CHAPTER 30

108 6 10
                                    

"Totoo bang may relasyon kayo ng kapatid ko Riza?"

Agad ko itong nilingon at sinampal dahil sa galit na naramdaman ko.

"Sa tingin mo ba Marco naririto ako sa tabi mo kung may namamagitan sa amin ng kapatid mo."

Binalingan niya ako at kita ko ang galit sa mukha nito.

"Hindi ko alam Riza! Magaling kang magtago hindi ko nga alam na niligawan ka na pala ng kapatid ko habang inoofferan mo ako ng pagkakaibigan!"

Parang lumambot ang puso ko dahil sa sinabi nito, nakaramdam ako ng guilt dahil totoo naman ito.

"Wala pa ba akong karapatan upang kwesyunin ito Riza?, asawa na kita."

Muling bumalik ang galit sa puso ko ng maalala ang dahilan ng galit ko rito.

"Asawa? Inasawa mo lang ako upang makuha ang mana mo Marco! Ginamit mo---

"Hindi kita ginamit Riza!! Wala akong pakialam sa putang mana iyan! I told you before na hindi ko kailangan ng pera nila dahil kaya kong gumawa ng pera ko sa sarili kong pawis"

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit ng nauwaan ko ito.

Ramdam ko ang bigat ng hininga nito dahil sa dikit ng katawan namin at buga ng hangin.

"Mahal kita Marco, yan ang paniwalaan mo."

Siniksik ko ang mukha sa leeg nito, hindi ko ito masisi dahil may trust issue ito .

Inangat ko ang ulo ko upang mahalikan ang pisnge nitong sinampal ko.

"Nangangako ako Marco, ikaw lang ang mahal ko.". Masuyo kong wika at  hinalikan ulit ang pisnge nito.

Naramdaman ko ang pag-angat ko at pinahiga niya ako sa sofa.

Dinikit nito ang noo namin. Hinaplos nito ang luhang dumaloy sa mukha ko.

Mataman niya akong tinigan sa mga mata , tila ba may hinahanap nito sa mata ko o tinitimbang nito ang mga sinasabi ko.

May nakita akong takot sa mata nito pero agad rin itong lumambot at pinagdikit ang ilong namin, napapikit ako dahil ramdam ko ang pagmahahal nito kapag ginagawa niya ito, para bang nagwawala ang puso ko at may paru paru sa tiyan ko.

"Mahal rin kita Riza, 'yan din ang paniwalaan mo." Bago nito pinaglapat ang labi namin, napakasuyo nito.

Ginantihan ko rin ito at sinasabayan ang galaw nito ng buong puso habang hinahaplos ko ang buhok nito.

Ang sakit at takot na naramdaman ko kanina ay agad naglaho dahil ramdam ko na tunay itong nararamdaman nito sa akin.

"Marco, stop nakikiliti ako." Reklamo ko rito , napapansin kong pagkatapos naming iparamdam ang pagmamahalan namin ay hinahaplos nito ang sinapupunan ko, kapag gumising naman ako ay naruruun ang kamay nito.

"Bakit ba gusto mo itong haplosin Marco." Nakahiga na kami sa kwarto nito.

Pinisil ko ang kamay nito.

"Hmmn,hayaan mo ako baby." Hinuli nito ang kamay ko at pinatong ito sa likod ng kamay ko  kaya ang kamay ko na ang nakahaplos sa tiyan ko.

Napasimangot ako dahil narito na naman ang pagtawag nito sa akin.

"Wag mo nga akong tawagang baby Marco, sinabi ko naman sayo na pangalang lang ang gusto kong itawag mo sa akin" inis kong wika dahil gusto ko na ang pangalan na binigay ng magulang ko ang itawag nito sa akin dahil pakiramdam ko ay kasama ko sila.

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon