CHAPTER 58

91 2 0
                                    

Napahawak ako sa ulo ko dahil wala akong naalal kung paano ako nakarating rito, hindi familiar ang kinaroroonan ko ngayon.

Ang natandaan ko ay yong binalikan ko ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.

Ang tahanan ko.

Ang mga masasayang alaala na kahit sa sandaling panahon lang iyon ay tinatak na sa isip at puso ko.

Napaluha ako nang maalala ang mga paghihirap na naranasan ko sa buhay.

"Nay, tay , ate, ganito ba talaga ka lupit ang mundo? Bakit puro nalang pasakit ang nararamdaman ko, bakit sa tuwing sasaya ako ay may akibat na problema, bakit! Bakit mas nangingibabaw ang lungkot at sakit sa buhay ko? Bakit ? Bakit palagi nalang ako napag-iiwanan! Ano bang kasalanan ko? Bakit ako pinapahirapan ng ganito!! Saan ba ako nagkulang? Ginagawa ko naman ang lahat para sa mga taong minamahal ko, ginagawa ko naman ang lahat! Nagsisi ako sa ginawa kong kasalanan----------patawarin niyo po ako diyos ko---pagod na pagod na akong maging ganito!"

"Normal lang naman mapagod  bigyan mo lang ito nang panahon upang makapagpahinga ka  "

Napalingon ako sa taong nagsalita. Napaabanti  ako sa hinihigaan ko dahil sa gulat ng nasa paanan na ito ng kama.

"Alam kong marami kang tanong kung sino ako, pero nasisiguro ko sayo na ligtas ka sa kamay ko."

"Bakit narito ako?" Pinahid ko ang luha sa mukha ko at umayos ng pag-upo.

"Matagal na kitang hinanap Riza, masaya ako dahil natagpuan na kita."

Naguguluhan ako sa sinasabi nito , bakit niya ako hinahanap? Ano ba ang kailangan niya sa akin? 

"Kumain ka na muna Riza para bumalik ang lakas mo."

Ngayon ko palang napansin na may dala itong tray.

Iniwan niya akong maraming katanungan sa sarili, sino ba siya? Bakit wala akong maramdamang takot at pagamba ng makita ko siya tila ba ang mukha nito ay nakita ko na, hindi ko lang maalala kung saan ko ito nakita.

Pagkatapos kong kumain ay nagpasya akong lumabas ng kwarto.

Para akong nalulula sa nakikita ko.

Marami akong nararaanan na kwarto, maraming pasikot sikot na tila ba pakiramdam mo ay nawawala ka sa isang lugar na walang katapusang pasikot mabuti nalang ay meron akong nakitang katulong rito at hinatid niya ako sa isang malaking pinto na nasa harap ko ngayon.

Lumakas ang pintig ng puso ko na tila ba may malalaman ako sa pagkatao ko kapag papasok ako rito.

Kumatok muna ako bago ko pinihit ang pinto pabukas.

Nakita ko itong nakatayo malapit sa terrace at nakatingin sa labas.

Napahawak ako sa tila ng damit ko ng lumingon ito sa akin.

Napalunok ako ng marami dahil sa tingin nito sa akin , tila may nakikita akong pangungilila sa klase ng tingin nito.

"Ang ganda tingnan ang mga ibon."

Napatingin ako sa kamay nitong may ibon na kumakain sa palad nito.

Namamangha akong pagmasdan ito , napabalik ang tingin ko rito ng magsalita ito ulit.

"Kalayaan at kapayapaan napakasarap nito lalo na kapag nakamit mo na ."

Lumapit ako rito at pinagmasdan ang paligid.

"Kung gusto mong makamit ang kapayapaan ay matuto kang magpalaya sa lahat ng sakit na naranasan mo."

Napabaling ako rito dahil napakatalinghaga niya.

SWEET REVENGE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon